Diyes: Isla ng mga Sinaunang Babaylan

628 29 7
                                    

Hiya guys! Happy mother's day po sa lahat ng mga nanay ninyo! :-) I hope hindi kayo masyadong nainip sa update ko. :-) I will do my best to be as consistent as possible with the update. Just bear with me kung medyo matagal minsan :-) I give this out to @Le_Trace, hope you'll like it :-)


Oh siya, ito na ang update :-)


> Kuya Lawrence :D


--


Nabalot man muli ng kadiliman ang silid ni Sultana Bu'an, dama pa din nina Zenaida, Tacio, Venus, Lilagretha, Haliya at Sidapa ang malagkit na pagtitig sa kanila ng sultana. Gumuhit ang nakakabahalang mensahe ng pinuno ng Namayan sa kanilang lahat.

"Napansin ninyo, hindi ba? Unti-unting humihina ang kapangyarihan ng ating mga bertud. Napupunta sa ibang bagay ang kapangyarihan ng mga lakan at lakambini." umpisa ni Sultana Bu'an sa grupo ni Haliya.

"Alam ko, Sultana Bu'an. Buhat noong naging mas malakas ang presensya ng Dakilang Kasamaan, unti-unting nabawasan ang lakas ng aking bertud." tugon naman ni Rani Lilagretha sa sultana. "Iyon ang dahilan kung bakit imbes na aking gamitin ang aking bertud na may kapangyarihang taglay katulad ng mga temporyal, minarapat naming dumayo sa Namayan sa pamamagitan ng paggawa ng sarili naming temporyal." dagdag pa ng rani sa kanyang paliwanag.

"Sa totoo lang, may kahirapan na din akong gamitin ang aking bertud. Hindi na ito kasing-lakas nito noon. Hindi ko alam kung bunga ito ng aking katandaan o may kinalaman ang Dakilang Kasamaan sa mga ito." dagdag naman ni Zenaida sa pahayag ng dalawang babaeng pinuno.

"Bumagal na din po ang kilo ko sa aking bertud. May kakayahan ang aking bertud na pabilisin ang aking pagkilos ngunit dahan-dahan na akong bumabagal tuwing ginagamit ko ito." wika naman ni Rosendo.

"Huh? Bumagal ka pa sa lagay na 'yon? Parang hindi ko naman halata, Rosy!" singit naman ni Venus sabay lingkis sa braso ni Rosendo. Marahas namang siyang tinaboy ng binata na lubhang ikinainis ng dalagang pintados.

Gulung-gulo si Haliya sa mga pag-uusap na nagaganap sa kanyang paligid. "Sa totoo lang po, wala naman akong napapansing pagbabago sa kapangyarihan ng mga bertud ko." wika ng dalaga.

Tila inasahan na ni Sultana Bu'an ang sagot ni Haliya. "Mayroon kaming teorya, dayanghirang. Naniniwala kami na binabawasan ng mga lakan at lakambini ang kanilang mga kapangyarihang binabahagi sa amin upang ibuhos ang lahat ng ito sa iyo."

Bilang nagsalita si Dian Masalanta sa isip ni Rosendo. Hindi ugali ng lakambini ng pag-ibig na manghimasok kapag may kausapan ang babaylan kaya't lubos na nabahala ang binta sa pahayag ng lakambini.

"Rosendo, mag-ingat kayo. Nakuha na ng Dakilang Kaluluwa ang anito namin ni Loos."

Kasabay nito, nabahala din si Ba'i Arao, babaylan ni Lalahon, sa biglaang pagsasalita nito sa isip ng dalaga.

"Ba'i, magmadali kayo. Bago pa mahuli ang lahat, kailangan nang mabigyang katuparan ang napagkasunduan."

Inagaw din nina Sirinan, Dian Masalanta, Loos Klagan at Lalahon ang atensyon ni Haliya. Nais nilang bigyang-babala ang dalaga hingil sa masamang sinapit ng kanilang mga anito sa Dakilang Kasamaan.

"Patawarin mo kami, dayanghirang." umpisa ni Sirinan.

"Wala kaming nagawa upang pigilan ang Dakilang Kasamaan." dagdag naman ni Dian Masalanta.

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon