Nuwebe: Basagin ang Itim na Baluti!

497 27 2
                                    

Hiya guys! Medyo bumibilis na pacing ko for the updates. If I can keep this up, Atas MIGHT END this month. With God's grace and your endless and boundless support, this will never be impossible. :D

This update goes out to you kabsat, @midnightScriber, hope you like it. :-)


BTW, as of this writing, 15 na ang likers ng Official FB Page ko. Join kayo guys ah :D the link's below:


https://www.facebook.com/lawrence087770



Oh siya, ito na ang update, hope you'll like it :D

-Kuya Lawrence :D



Nagbabaga katulad ng nag-aalab na apoy ang laban nina Mauricio, Paros at Kasimira. Nakakatakot ang anyo ni Mauricio sa kanyang halmista na kulay lila ang mga mata at may malaki at mahabang pangil sa kanyang kaliwang itim habang nakasuot ng itim na sutana at nakasakay sa isang lumilipad na kalawit. "Sumpain kayong dalawa! Mga traydor sa sarili ninyong lahi!" na sinundan ng kanyang pagpapakawala ng malalaking tipak ng itim na bola ng espiritwal na kapangyarihan sa bawat wasiwas ng kanyang kamay.

"IKAW ANG TRAYDOR SA SARILI MONG LAHI, MAURICIO! ITO BA ANG LANDAS MONG TAHAKIN; ISANG MAITIM AT MASAMANG BALUKTOT NA DAAN!" tugon naman ni Paros habang dinudurog niya ang mga atake ni Mauricio gamit ang mga malalakas na bayo ng hangin mula sa hawla na kanyang hawak habang siya pa din ay naka-halmista. Wangis bata si Paros, nakasakay sa malaki at asul na balahibo ng bawa at puspos ng mga ginto at pilak na pulseras at kuwintas. Malayang tumatagos ang hangin sa kanyang puti at butas-butas na damit habang matulin siyang lumilipad sa ere upang pigilan ang mga atake ni Mauricio.

"Paros! Wala na tayong mapapala sa pakikipag-usap kay Mauricio! Buo na ang loob niya; nilamon na ng kasamaan ang puso't isipan niya!" sambit ni Kasimira habang kumakawala sa kanyang nagbabagang mga pakpak ang mga apoy na inaabo ang mga atake ni Mauricio. Pula ang mahabang buhok ni Kasimira sa kanyang halmista, nakapiring ang mga mata ng pulang laso at nakasuot ng mga hikaw na hugis araw may walong sinag. Nakagapos sa abakang lubid ang kanyang katawan mula balikat hanggang kanyang bewang at bahagyang nakakrus sa kanyang harapan ang kanyang mga kamay habang yari naman sa nagliliyab na apoy ang kanyang palda. Bago pa man siya muling ay kinuha ni Lalahon, ang kanyang ka-kasunduan, ang kanyang atensyon.

"Nakuha na ng Dakilang Kasamaan ang aking mausoleo... Sina Galura at Kidu, ipagtanggol mo sila..." deklarasyon ng lakambini sa isip ni Kasimira. Biglang nabigyang-linaw ang lahat; tila inuubos lamang ni Mauricio ang oras nilang dalawa ni Paros, ito ay upang mailayo sila sa mausoleo nina Galura at Kidu.

"PAROS! ISA ITONG PATIBONG! SINASADYA NILA TAYONG LUMABAN KAY MAURICIO UPANG MAILAYO TAYO SA MAUSOLEO NG LAKAN NG HANGIN AT KIDLAT! ANG MGA ANITO, ANG TUNAY NILANG PAKAY AY ANG MGA ANITO!" wika ni Kasimira sa kasama niyang heneral ng Kayumanggi.

Nabalot ng maitim na ngiti ang mukha ni Mauricio. Batid ng dalawang heneral mula sa reaksyon ng miyembro ng Konseho na totoo ang sinambit na pahayag ni Kasimira. "HULI NA ANG LAHAT!" sigaw ni Mauricio na mabilis na nagsambit ng orasyon. "Sapima! Ilanapah amt rawipinamt nimhamt yunapog ha hampiyugam!( Halina! Ipamalas ang kadilimang minsang bumalot sa sanlibutan!"

Naunawaan ni Paros ang mga katagang binitiwan ng bibig ni Mauricio sa lumang-dila. Bumuga ng malakas na hangin mula sa kanyang bibig ang babaylan upang ilayo niya ang sarili at si Kasimira mula sa babaylan ni Saragnayan ngunit huli na ang lahat. Nakagawa ng malaki at matatag na harang na kasing-itim ng gabing walang buwan si Mauricio. Binayo ito ng nagwawalang mga buhawi ni Paros ngunit hindi man lang nito nagawang gumawa ng maliit na bitak sa mahusay na balakid ng miyembro ng Konseho. Naging matagumpay ito sa masama nitong balak.

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon