//Allison POV//
Natatakot akong pumasok sa paaralan na'to. Hayst...bakit ba kasi ang daming bully dito!!! I looked at my wrist watch, male-late na ako.o__o
Dali-dali akong tumakbo papasok ng campus. As usual sa akin na naman ang atensyon ng halos karamihan ng estudyante dito.
*Boogsh*
Napapikit ako ng mariin ng may naramdaman akong bumato sa akin. Hindi ko na lang sana papansinin ng may humarang bigla sa dinaraanan ko. Napalunok ako at biglang nilukuban ng takot ang buo kong katawan. Ngumisi sya sa akin.
"Its good to see you again, Allison," turan nito sa akin.Bumigat ang paghinga ko. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.
"W-wala akong oras makipag laro sayo, Cameron," mahinahon kong sabi sa kanya. Lalagpasan ko na sana sya ng hawakan nya ang braso ko.
"Leave this school..." Malamig nyang bulong sa akin.
Ayan na naman tayo eh. Bakit ba gustong-gusto nya akong umalis sa paaralan na 'to? Hindi naman sya ang may-ari nito.
"What's going on here?" tanong bigla ni Casper---kambal ni Cameron.
Nilapitan ako ni Casper at tinago sa likod nya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng magkapatid.
Casper is always there to help me everytime na ginagambalalako ng kapatid nya na walang magawa sa buhay kundi ang sirain ang araw ko.
"H-halika na, C-Casper," mahina kong sabi sa kanya habang bahagya kong hinihila ang damit nya.
"Mag-uusap tayo mamaya, Cameron," malamig na turan nito sa kapatid bago ako hilahin papuntang cr.
"Magbihis ka, may extra akong T-shirt dito---no I mean, mag shower ka ulit. Ang lansa ng itlog na binato sayo kanina. Hihintayin kita dito sa labas," sabi nya sa akin.
Tumitig ako sa salamin para tignan ang itsura ko. Hayst...kapag talaga pangit, lapitin ng gulo. After ng ilang minuto, natapos na rin ako mag shower.
"Ano ba ang kasalanan ko sa lalaking yun at kung maka-bully sa akin parang may nagawa ako sa kanyang masama," kausap ko sa reflection ko.
"Are you done, Allison?" Tanong ni Casper sa labas ng Cr.
"O--oo..." Sabi ko sabay labas.
Bahagya syang natigilan ng makita ako. Eh? Anong nangyari sa lalaking 'to?
"Hoy, anong nangyari sayo? Bakit tulala ka?" Taka kong tanong dito.
"Y-you're not wearing your eye glasses..." Turan nya na tila ba manghang-mangha.
"Hindi ako nagsusuot ng salamin kapag bago akong ligo..." Saad ko at naglakad na.
Ramdam kong sumunod sya sa akin.
"Wag mo na lang kaya suotin ang eye glasses mo," suhestyon nya."Why?" Taka kong tanong dito.
"Para hindi ka na i-bully ng mga estudyante dito... especially my twin."
Tumigil ako sa paglalakad.
"Salamat sa concern mo pero hindi pwedeng hindi ako mag suot ng eye glasses. Alam mo naman na medyo malabo na ang mata ko.""Edi mag contact lenses ka na lang..."
Inilingan ko sya.
"Dito na ako...punta ka na rin sa room mo," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Being His Property
Romance"You shouldn't force someone to love you... may rason kung bakit hindi ka nila magawang mahalin..." "Una, may mahal silang iba. Pangalawa, sinaktan mo na sila noon... pero pwede ring both." But is there any chance na maibalik pa kaya ang dati? Ho...