Chapter 13

175 3 0
                                    

//CAMERON POV//


It's been a week ng mangyari sa amin ni Ally ang trahedyang yun. Pero one thing is for sure, si Ally ang punterya nila. They just used me as their bait. Ito na kaya ang sinasabi ni Casper sa akin dati? Na malalagay ang buhay ni Ally sa panganib kapag hindi kami nakasal as soon as possible? Kung ganun, kailangan ko na syang itali sa akin. Today is Monday at masasabi ko ka nakarecover na ako. I don't know kung ganun din si Ally.

"Papasok ka?" Tanong nya bigla sa akin.

Kasalukuyan kasi akong naghahanda ng agahan namin.

"Nope. I need to take care of you. Maybe next week na lang tayo pumasok, tutal may program naman ngayong week dun sa school." Ani ko.

Umupo sya at tinitigan ako.

"Paanong naging fiancé kita? Mahal ba natin ang isa't isa?" Tanong nya na nakapagpatigil sa akin.

Umupo ako kaharap nya at ako na rin ang naglagay ng pagkain sa plato nya.

"Hoy, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," ani nya.

Tinitigan ko sya diretsyo sa mga mata nya.

"Oo. Mahal natin ang isa't isa. Kumain ka na dyan---"

*Ding dong ding dong*


Naputol ang sinasabi ko ng may nag doorbell. Wala akong inaasahang bisita. Kung si Casper yan, hindi na sya nagdo-doorbell.

Kinabahan ako bigla. Nang tignan ko si Allison bakas ang takot sa mga mata nya.

"Dyan ka lang..." Sabi ko sa kanya sabay lakad papuntang pinto.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

"Mom, dad? Tito, tita? What are you doing here?" Taka kong tanong sa kanila.

"You scared us son...and oh, what happened to you? Bakit puro pasa at sugat ang katawan mo?" Tanong ni mom.

Ibinaba ko ang hawak kong walis tambo at pinagbuksan sila ng pinto.

"Have a sit po muna. Kukuha lang ako ng coffee." Sabi ko at dumeritsyo sa kusina kung saan naroroon si Ally.

"Sino ang nandyan?" Tanong nya sa akin.

Pag nalaman nila na parehas kami ni Ally ng sitwasyon, tatanungin nila ako ng tatanungin at yun ang iniiwasan ko. Lalo pa kung malaman nilang wala maalala si Ally.

"Nandyan ang mga magulang mo at magulang ko." Sabi ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa mga mata nya. Sumilip pa sya bahagya sa sala.

"Alin dyan sa dalawa? Yung nasa kanan o nasa kaliwa?" Tanong nito.

"Yung nasa kanan ang magulang mo." Ani ko sa kanya.

"A--anong gi-nagaw-a nila dito?" Medyo takot na tanong nito.

Bakit naman sya matatakot? Magulang nya sila.

"Don't be scared. They're  your parents. They won't hurt you. And I am here to protect you." Sabi ko.

Nagtimpla na ako ng kape at sabay kaming lumabas ni Ally sa kusina.

"A-allison..." Gulat na sabi ni tito. Tinitigan ko Rin ang ekspresyon ng mukha ni tita, ganun din. Gulat na gulat at para silang nakakita ng multo.

O..K..what's going on?

Ally smiled sweetly.

"Hi mom, hi dad. Its good to see you two again."  Sabi ni Allison sa kanila.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon