//Allison POV//
Wala naman talaga akong balak na sagot-sagutin si Cameron at yung si Stacey pero kasi sumusobra na sila eh.
Simula pagkabata, lapitin ako ng mga bully. Pinaka-pinuno ng pam-bu-bully sa akin ay si Cameron. Ang walang hiyang yun! Dinala hanggang college ang pam-bu-bully.
"Ang aga mo naman honey umuwi," bungad sa akin ni mom pagpasok ko sa bahay.
"Wala kaming teacher...so I decided na umuwi na lang," ani ko.
"Bakit iba na ang suot mo? Anong nangyari na naman sa school mo?"
usisa ni mom.I let out a deep sigh.
"Tulad pa rin mom ng dati..." matamlay kong sagot."Magpakilala ka na kaya---"
I cut her off.
"Mom, diba po napag-usapan na po natin 'to? Ayaw kong malaman nila kung sino ako..."
Akala ko ba naunawaan na Nina mama ang tungkol dito? Bakit ino-open na naman nya ang topic na to?
"Pero kung yun lang ang tanging paraan para tigilan ka na nila...then do it."
I heaved a sigh. I know mom just want me to have a safe environment... Bakit kasi kailangang ako pa ang mag-adjust?
"Magsasawa na lang sila, mom," ani ko.
"Magsasawa? Eh mula elementary binubully ka na nila."
Pumunta ako sa hagdan.
"Ano nga po pala ang sasabihin nyo sa akin?" Pag-iiba ko sa usapan."Magbihis ka na muna. Mamaya parating na rin sila." Ani ni mom.
"Sinong sila?" Taka kong tanong.
Nginitian lang ako ni mom.
"Basta...you will know them later."
Sabi ni mom at pumunta na sa kusina.Hanggang sa makapunta ako sa kwarto ko, iniisip ko pa rin kung sino ang dadating mamaya at kung ano an sasabihin sa akin nina mom and dad.
Speaking of dad, nasaan kaya sya? Hindi ko sya nakita ngayong araw...mula kanina pag gising ko.
I locked my room bago tignan ang mukha ko sa salamin. Sa panahon ngayon, itsura na lang ang basehan ng mga tao para magustuhan ka nila.
Kaya nga mas gusto kong maging ganito na lang ang itsura ko---kulot na buhok, may salamin sa mata, may mga pimples...
I want to know kung sino ang magiging totoo sa akin sa kabila ng itsura ko.
Nagbihis na ako at tinanggal ang wig na suot ko...ang fake pimples na nakadikit sa mukha ko at nagsuot din ako ng contact lenses para maging komportable ako.
I also want to look decent sa mga bisita mamaya kung sino man sila.
I looked again on my reflection... I smiled sweetly... This is the real me.
*Knock*
*Knock*
*Knock*Nagtungo ako sa pintuan at bahagya itong binuksan.
"Señorita Sapphire, pinapababa na po kayo ni madam," ani ng kasambahay namin.
"Opo manang...pababa na rin ako...nga pala nandyan na po ba yung sinasabi ni mom na mga bisita?" tanong ko dito.
"Opo Señorita, hinihintay ka na po nila sa baba...mauna na po ako," ani nya sabay alis.
Kinakabahan ako...ngunit hindi ko alam ang dahilan nito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may pumunta dito sa bahay namin at hindi rin ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa ibang tao na hindi suot ang pang disguise ko pero...fvck it, bakit kinakabahan ako?
BINABASA MO ANG
Being His Property
Romance"You shouldn't force someone to love you... may rason kung bakit hindi ka nila magawang mahalin..." "Una, may mahal silang iba. Pangalawa, sinaktan mo na sila noon... pero pwede ring both." But is there any chance na maibalik pa kaya ang dati? Ho...