Chapter 14

160 3 0
                                    

//CASPER POV//

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Chloe.

Halata sa mukha nya ang gulat ng makita akong nakaupo sa sofa ng condo nya.

"What the hell are you doing here?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ka ba masaya na nakita ako? I've been trying to call you a hundred times pero hindi mo sinasagot. You've been gone for 5 days at hindi ko alam kung saan ka pumunta! Tapos ngayon tatanungin mo ako ng 'What the hell am I doing here?'" lintanya ko sa sobrang inis. Nag-iba bigla ang ekspresyon ng mukha nya. Lumapit sya sa akin sabay yakap.

"N-nagulat lang ako...sorry."

"Oo na.." hindi ko talaga matitiis ang babaeng 'to kahit kelan.

"Pinakulot mo pala ang buhok mo..." Sabi ko ng mapansin ang buhok nya.

She has a long hair pero madalas nya itong tinatali kaya naninibago ako ngayon sa kanya. Tumayo sya at umikot sa harapan ko.

"Hindi mo ba nagustuhan? I decided to change myself para sa darating natin na anniversary," masayang turan nya. Yeah right.

Two weeks from now is our anniversary. And this week is my twin's wedding.

"So, sino ang nanalo sa contest? I'm sure si Allison ang nanalo---"

"You didnt know?" Takang tanong ko dito.

"Kaya nga nagtatanong diba kasi hindi ko alam---"

"I have to go. Gabi na...magpahinga ka na," paalam ko sa kanya sabay alis.

I looked at my wristwatch. Quarter to 9 palang... I drove my car papuntang bar. Ingay...usok at mga taong nagsasaya.ang sumalubong sa akin pagpasok ko.

"Give me some hard drink." Utos ko sa bartender na agad naman nyang sinunod.

Maya-maya lang ay may naramdaman akong presensya na tumabi sa akin.

"Would you mind if I joined you?" Tanong nito.

Her voice is quiet familiar. I looked at her at tama nga ang hinala ko.

"Casper, right?" Tanong nito ng magtama ang paningin namin.

I nod as a answer. Nanatili lang akong tahimik. Sinuri ko ang itsura nya at may napansin ako sa buhok nya.

"Is there any wrong with my hair?" Takang tanong nito.

"Nothing...you just remind me of someone." Simpleng sagot ko.

She arched her eyebrows.

"I am more prettier than her, right?" Natatawang umiling ako sa kanya sabay tungga sa drink na inorder ko.

"No...walang makakapantay sa angkin nyang kagandahan." Ngising sabi ko.

Aalis na sana sya ng pigilan ko.

"I want someone to talk to...pwede ka ba, Stacey?"

//CHLOE POV//


Nagtataka kong sinundan ng tingin si Casper habang paalis ng condo ko. Anong nangyari dun? And...paano sya nakapasok dito? He don't have spare key.

"Akala ko hindi na sya aalis," biglang sulpot ng isang lalaki sa harapan ko.

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon