//CAMERON POV//
"Umalis ka nya---"
"Paalis na. Wag kang excited dyan!" Singhal ko kay Allison.
Nasa loob sya ng kwarto habang ako ay nasa labas. Today is our wedding pero simple lang ang kasalan na magaganap. Garden wedding ang amin. Wala eh, si Allison yung pumili at dahil gusto ko yung hindi gaanong kagarbo, pumayag na lang ako.
"Alis na ako," paalam ko sa kanya at agad na lumabas ng condo ng hindi man lang hinihintay ang sagot nya.
Habang nagmamaneho ako papunta sa venue, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyayari ngayon. Bakit ang bilis naman yata ng mga nangyayari? Parang dati lang ay binubully ko sya, tapos naging fiancé ko, tapos nabugbug kami ng hindi pa kilalang tao, tapos ngayon ay ikakasal na kami.
Ang bilis at ang weird ng mga nangyayari. Hanggang sa pagdating ko sa venue ay yun lang ang iniisip ko.
"Nasaan si Allison?" Tanong ng daddy ni Ally sa akin.
Isa pa to eh, magulang sila ni Ally pero hindi ko man lang sila nakakitaan ng pag-aalala sa anak nila. Yung tipong parang wala lang sa kanila yung itsura ni Ally. Parang balewala lang sa kanila yung mga pasa sa katawan ng unica hija nila.
So weird...
"Papunta na rin po," sagot ko at pilit na ngumiti.
Sa hindi kalayuan, namataan ko si Casper kasama si Chloe pero parang may LQ silang dalawa. Salubong kasi ang kilay ni Chloe abang si Casper ay halatang nagpipigil lang.
I was wondering kung ano nga ba ang nangyari sa kambal ko kagabi at lasing syang napunta sa condo ko.
Hindi ko na sya natanong pa kasi laggising namin ni Ally kanila, wala na sya sa sofa.
Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya agad nya akong nilapitan at iniwan naman si Chloe sa upuan.
"May hang over ka pa?" Tanong ko pagkalapit nya sa akin.
"A little bit. Btw, where is Ally?"
"Papunta na... May problema ba kayo ni Chloe?" Tanong ko.
"May misunderstanding lang...oh, there she is. Your bride is already here." Nakangiting sabi nya sa akin sabay tapik sa balikat ko.
Tumingin ako kung saan sya nakatingin, and he's right...Allison is already arrived..my wife is here.
Malapad ang ngiting lumakad sya papunta sa akin while holds bouquet white rose.
"You're so beautiful," bulong ko sa kanya ng makalapit sya ng tuluyan sa akin.
"Kailan ba ako naging pangit?" Nakangising tanong nito sa akin.
Tss...ang hangin talaga ng ulo nito.
Dapat hindi ko na sya pinuri.
Marami pang pasikot sikot ang naganap hanggang sa dumating na sa pinakahihintay kong part ng kasal.
"You may now kiss the bride," ani ng pare na nasa harapan namin.
Humarap sa akin si Allison ng may ngiti sa labi. Bakas sa mga mata nya ang lubos na saya.
'May amnesia sya Cameron. Titindi ang galit nyan sayo pag nalaman nyang tinake-advantage mo ang sitwasyon nya.'
Sabi ng isip ko.
Hayst...pag bumalik na kaya ang memory nya, would she'll be like this or babalik na kami sa dati na parang aso at pusa?
Kung ako ang tatanungin, I want her to stay like this.
BINABASA MO ANG
Being His Property
Romance"You shouldn't force someone to love you... may rason kung bakit hindi ka nila magawang mahalin..." "Una, may mahal silang iba. Pangalawa, sinaktan mo na sila noon... pero pwede ring both." But is there any chance na maibalik pa kaya ang dati? Ho...