Chapter 16

167 3 0
                                    

//CAMERON POV//

Matalim kong tinitigan ang lalaking prenteng nakaupo sa harapan ko. Bwisit naman oh, kung hindi sana ako lumabas edi sana walang problema! Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.

"Inip ka na ba?" Tanong ni Timothy sa akin.

Hindi ko lubos maisip na ang talunan na'to ang gagawa sakin ng ganito.

"Pakawalan mo ako!"

"Why would I do that?"

"Why are you doing this thing's on me? Wala akong atraso sayo!"

"Sa akin wala, pero sa taong mahal ko.. meron." Kinunutan ko sya ng noo.

"Sino?" Lumapit sya sa akin ng itanong ko yun sa kanya.

"Sino ba ang palagi mong binu-bully?" Tanong nya pabalik sa akin.

Nag-isip-isip ako and then I realized something...

"I guess...alam mo na ang sagot."

"Si Allison? Pero---"

"Today is your wedding day, right? Kanina, we supposed to kill you at kunin si Allison para makasama ko na sya pero tumakas sya...at ang masaklap pa dun, sinama ka nya."

Nagwala ako sa narinig ko. Kung wala lang akong tali ngayon, baka nabugbug ko na ang isang 'to. Walang hiya sya! Akin lang si Allison...akin lang!

"Prince, nandyan na sya," sabi nung tauhan nya na kakadating lang.

"Prince?" Takang tanong ko.

Tumango sya dun sa tauhan nya bago ito umalis tsaka sya bumaling sa akin.

"Yes, I am their Prince---"

"At ako ang Hari," sabi ko mismo sa kanya.

Naalala ko ang sinabi kanina nung babaeng tumabi sa akin sa park. Ako daw ang Hari pero hindi ko alam kung paano nangyari yun. Kita ko ang gulat sa mga mata nya.

"Alam kong alam mo na ang tungkol dun, kaya nga dinukot mo ako diba?" Ngising sabi ko.

"P-paano mo nalaman---"

"Wala ka na dun." Yung gulat nya ay napalitan ng isang ngisi.

"Alam mo ba kung paano ka naging Hari?" Tanong nya.

Hindi ako nakasagot. Tumayo sya habang hawak hawak ang kutsilyo sa kanang kamay nya. Left handed sya pero kung hawakan nya ang kutsilyo, para bang sanay na sanay sya.

"Hindi ka makasagot kasi hindi mo alam? Bqka nga ngayon mo pa lang nalaman na Hari ka." Napalunok ako. Ang lakas ng pakiramdam ng isang to.

"Tutal mamamatay ka na rin lang, sasabihin ko ma sayo. Ikaw ang pinakamagaling na racer---"

"Dahil dun naging Hari na ako." Putol ko sa sinasabi nya.

Matalim nya akong tinitigan.

"Alam mo ba na ako dapat ang hari...ako dapat at hindi ikaw. Pero tutal hawak na kita, masasakatuparan na ang gusto ko. Magiging hari na ako nilang lahat at mapapasakin na si Allison habang ikaw...nakalibing na sa lupa."

Gusto kong magwala pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano makakaalis dito.

"I've been waiting for you downstairs pero hindi ka bumaba kaya pinuntahan na kita dito." Ani ng boses babae.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon