Chapter 11

178 6 0
                                    


//REDFERN POV//

*Knock knock knock*

Nagkatinginan kaming tatlo ng makarinig ng katok mula sa labas.

"Ako na ang magbubukas," presenta ni Nia.

Naglakad sya papalapit sa pinto sabay bukas dito.

"Oh my gosh!" Bulalas nito.

Agad kaming napatayo ni Casper sabay lapit kina Cameron at Allison na kasalukuyang duguan.

Anong nangyari sa kanila.

Walang malay si Cameron samantalang nanghihina naman si Allison.

Ano bang nangyayari?

"G-g-gamutin ny--nyo s-sya..." Nahihirapang saad ni Ally habang nakatingin kay Cameron.

Kinuha ko si Cameron sabay higa dito sa sofa. Binuhat naman ni Casper si Allison at inihiga sa isa pang sofa.

"Ano bang nangyari?" Tarantang tanong ni Casper.

"Calm down," ani ni Nia.

"Seriously? How can I calm down kung ganyan ang itsura ng kambal ko?" Galit na tanong nito.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Nia.
Alam ko na ang mangyayari kapag hindi pa ako pimagitna sa kanilang dalawa.

"Enough! Hindi nakakatulong ang pag-aaway nyong dalawa." Malumanay na sabi ko.

Nilapitan ko agad ang kapatid ko.

Marami syang sugat sa bawat parte ng katawan nya. Sino ba ang may gawa nito sa kanya?

"G-gamutin nyo na s-sya!" May awtoridad na sabi nito.

"Gagamutin sya ni Casper. Gagamutin kita." Ani ko

Umiling sya.

"He's l-life is in d-d-danger...sya ang u-u-unahin nyo.. p--please.." saad nito.

And a tear escaped from her eyes. Para saan ang luha?

Merong hindi tama.

//CASPER POV//

Ito na kaya ang sinasabi nina mom and dad? Kung ganun, dapat nga na makasal na sina Allison at Cameron sa lalong madaling panahon. Siguradong hindi lang ito ang mangyayari sa kanila. Pero ang dinig ko, buhay ni Allison ang malalagay sa panganib.. Bakit pati buhay ng kambal ko nadamay?

Humihinga pa naman si Cameron pero parang kinakapos sya. Ang daming sugat sa katawan nya. Pero mas madami ang sugat ni Ally.

"Sino ba kasi ang may gawa nito sa inyo?" Mahinang tanong ko kay Cameron.

Tapos ko na syang gamutin. Pinalitan ko na rin ang damit nya. Pahinga na lang ang kailangan ng katawan nya.

Tumingin ako sa gawi ni Ally, tulad ni Cameron tapos na rin syang gamutin. Kung kanina ay may malay pa sya, ngayon ay wala na. Hindi na siguro kinaya ng katawan nya ang pagod.

"Dito ba natin sila papatulugin?" Tanong nung babae na katabi nung Red.

"Hindi. Dun sila matutulog sa kwarto nila." Sagot ko sabay buhat kay Cameron papunta sa kwarto nya.

Pagkahiga ko sa kanya, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa kwarto nya. May isa pang kama, siguro dun nakahiga si Ally.

Ilang sandali pa ay napag-alaman ko na tama nga ang hula ko. Si Ally ang natutulog sa.kabilang kama.

Magkasama mga sila sa iisang kwarto, magkahiwalay naman ang higaan. Hayst..ang arte talaga ng kambal ko.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon