//TIMOTHY POV//
"Bukas o sa makalawa, pwede ka ng lumabas. Bayad na ang mga bills mo dito kaya wala ka ng aalalahanin pa.""Salamat po doc," ani ko.
"Magpagaling ka. I have to go," paalam nito sabay alis.
Humiga ako sa hospital bed. Napangiti ako bigla ng maalala ang nag-aalalang mukha ni Allison pagkakita sa kalagayan ko dun sa parking lot. She really has a good heart.
*Blagg*
Agad akong napaupo ng marinig ang biglaang pagbukas ng pinto. Isang lalaki ang biglang pumasok sa kwartong kinalalagyan ko. Galit ang makikita sa mukha nito. Mabilis syang lumapit sa akin tsaka ako kinuwelyuhan.
"Bakit mo yun ginawa sa kanya? Sa kanila? Ano bang kasalanan nila sayo?" Galit na tanong nito sa akin.
"Hey, hey, hey..ano bang pinagsasabi mo?" Takang ko dito.
"Alam ko ang 'lahat' ng tungkol Sayo, Timothy..at pag sinabi kong 'lahat' walang naiiwan ni isang impormasyon." Ngising sabi nito.
Kinunutan ko sya ng noo. Anong nalalaman ng isang to?
Inis na inalis ko ang pagkakahawak nya sa kwelyo ng damit ko.
"Sino ka ba hah? At anong pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mha inaakusa mo!" Singhal ko dito.
"Wag ka ng mag maang-maangan, Timothy. Alam ko na ikaw amg may gawa nun kina Ally at Cameron.." tumigil sya saglit Sabay suri sa kabuuan ko, "...at maging dyan sa nangyari sayo.. . Plinano mo itong lahat!" Galit na sabi nito sa akin.
"Anong nangyari kay Allison?" Biglang tanong ko.
"Bugbog sarado lang naman sya at hindi oa sya nagigising ngayon. Ano, masaya na ba kayo?"
Bugbog sarado? Bakit? Paano? Sino?
Napakuyom ako ng kamao ko. Sino ang gumawa nun sa babaeng mahal ko? Sino?!
"Ano, hindi ka makapagsalita kasi totoo?"
"Bakit ba ako ang pinagbibintangan mo? Ally is a good friend and also a classmate to me. Bakit ko yun gagawin sa kanya? At, ano naman ang sumagi sa isip mo na 'ako' nga ang may gawa nun sa kanya? At talagang sa isang mahinang tulad ko pa ikaw sumugod ah. Sa pagkakaalala ko kasi, maraming galit sa kanya..bakit hindi sila ang puntahan mo at tanungin?" Inis na tanong ko dito.
Huminga sya ng malalim bago ako talikuran.
"Babalikan kita at kapag nalaman ko na isa ka sa mga may gawa nun sa kanilang dalawa, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Huling sabi nya sa akin bago nya lisanin ang kwartong ito.
I put out my phone.
"Boss, napatawag ka?"
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ko dito.
"Opo..ayos na ang lahat. Hinihintay na lang namin ang go signal mo." Sagot nito.
Napangisi ako.
"Simulan nyo na," ani ko bago ibaba ang tawag.
Let the real show begin!
//RED POV//
Mukhang wala syang alam. Sino pa ba akg pwedemg gumawa nun kay Ally---si dad. Oo tama, maaaring si dad ang may gawa nun.
We all know na ayaw ni dad kay Ally. Kung si dad nga ang may gawa nun kailangan kong mag-ingat. Hindi nila pwedeng malaman na buhay ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila.
BINABASA MO ANG
Being His Property
Romance"You shouldn't force someone to love you... may rason kung bakit hindi ka nila magawang mahalin..." "Una, may mahal silang iba. Pangalawa, sinaktan mo na sila noon... pero pwede ring both." But is there any chance na maibalik pa kaya ang dati? Ho...