Chapter 17

164 3 0
                                    

Chapter 17: Saving My King

//ALLISON POV//


It's already 10pm at nandito na kami sa teritoryo ng Phoenix Blood Gang, ang pasimuno ng lahat. Tsk..kasabwat din nila ang Blue Flame Gang dahil sa pagkakaalam ko may relasyon ang leader ng Phoenix Blood Gang at blue flame gang.

"Kung ako sayo, hindi ako magtitiwala sa Richard na yan," sabi bigla ni Charm.

May benda sya sa balikat nya para hindi mainfection yung sugat nya.

Kinunutan ko sya ng noo dahil sa sinabi nya.  Lumapit sya sa akin at bahagyang tumingin sa kinalulugaran ni Richard.

"Leader si Richard ng Yellow Fire Gang at the same time ay protector ng Prince."

"Your point is?"

"Wag nyong sabihin na hindi nyo alam." Gulat na sabi nito.

"Alin ang hindi namin alam?" Takang tanong ko sa kanya.

Namutla sya bigla habang bahagyang napapalunok.

"Kasabwat ang Prince sa pagkakadukot sa King."

Hinila ko sya palapit sa akin.

"Sigurado ka dyan?" Tanong ko.

"Oo, nakita ko ang Prince ng isakay nila sa van ang King."

Kung ganun...

"Nakita mo ang mukha ng Prince?" Tanong ko pa.

Sa tanang buhay ko, hindi ko alam kung ano ang itsura ng Prince at Princess.

"Opo..."

"Sino sya?"

Hindi ako makapaniwala sa sagot ni Charm.

"Si Timothy."


//CASPER POV//

"Saan kayo pupunta, mom?dad?" Tanong ko sa kanila ng makitang nagmamadali silang umalis.

"Its business thing anak." Sagit ni mom pero malakas ang kutob ko na hindi ito patungkol sa negosyo nila.

Tumingin ako sa wall clock. Quarter to 11pm na.

"Its already quarter to eleven," ani ko.

"Napaka importanting kleyente ang kikitain namin. Wag ka na nga masyadong maraming tanong. Alais na kami." Sabi ni dad ay hinila nito si mom palabas ng bahay.

Agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Susudan ko sila.

Agad akong lumabas ng mansion sabay sakay sa motor ko. They didnt know na may motor ako kaya hindi sila agad maghihinala na sinusundan ko sila.

I keep on calling Cameron pero hindi nya sinasagot ang tawag. Bigla na lang kasi sila umalis ni Allison kaninang umaga. Samantalang si Chloe naman ay nagmamadaling umalis. Pakiramdam ko ay may tinatago ang mga taong ito.

Sa pagmamaneho, pansin ko na medyo nakakatakot ang daan na tinatahak nina mom and dad. Walang masyadong bahay pero may mga ilaw naman. May iba ring dumadaan na sasakyan kaya hindi ako nangamba na mapansin nila. Dumistansya din ako sa sasakyan nila.

Hanggang sa tumigil sila sa parang isang abandonadong gusali. Ang weird naman ng place na napili nila. Sino naman ang makikipag meeting sa isang lugar tulad nito? Parang kuta na ito ng masasamang loob.

Pumasok na sila sa loob. Tinignan ko muna ang paligid Pago bumaba ng motor ko. May mga napansin din akong pulang marka na hindi ko alam kung para saan. Hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na rin sa loob.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon