Epilogue

319 12 3
                                    

EPILOGUE

//CAMERON POV//


Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng kotse ko. Sabi ni Casper mag a-outing daw kami. Hindi ko nga alam kung bakit nila naisipan ito.

"Hey, ang lalim ng iniisip mo ah." Saad ni Casper habang nag mamaneho. Hindi ko sya kinibo.

"Iniisip mo pa rin sya?" Tanong nya ulit.

"Oo." Simple kong sagot.

I let out a deep sigh. After nung nangyari sa amin 1 month ago, hindi na ako makatulog ng maayos. I feel empty.

"Dude, wag mo na muna sya isipin ngayon. Just relax your mind."

"Nakalimutan mo na ba sya?" Tanong ko sa kanya.

"Sino? Si Chloe?" Tumango ako.

"Hindi ko pa sya nakakalimutan at kahit kelan never ko syang makakalimutan. Kahit nalaman ko kung sino sya talaga, I still loved her." Sabi nya sabay hindi ng kotse.

Nakaseperate ang sakayan nina mom and dad.

"We're here." Nakangiti nyang sabi sabay baba. Bumaba na rin ako.

"Halika na...kanina pa sila naghihintay sa atin." Sabi nya sabay lakad papunta sa kinaroroonan nina Nia kasama sina Red, Charm, Stacey at Timothy.

Nakangiti silang sinalubong si Casper. Naging ok naman na ang relasyon namin sa isa't isa. Napatawad na namin si Timothy dahil una, biktima rin sya tulad namin. Ginamit lang sya ng grupo ni Chloe. I still believed na magbabago na sya at hindi nya sasayangin ang second chance na binigay namin sa kanya. Si Charm naman, akala namin ay patay na tulad nung sinabi ng dad ni Allison pero it turned out na gawa-gawa lang naman nya yun. Kung tutuusin ay patay na dapat sya pero Chloe helped her. Hindi naman kasi porket masama na ang isang tao ay wala na itong chance na magbago.

Pero sad to say, Chloe is already dead. Aksidenteng nabaril sya ng kambal ko.

"Hey Stacey babe, kain ka pa." Rinig kong sabi ni Timothy.

Nagsitilian naman ang iba. Tumingin ng masama sa kanila si Stacey na namumula ang pisngi. Ayos rin naman palang kaibigan si Stacey. Hindi naman pala sya ganun kasama. Sadyang hindi lang sya nabibigyan ng pansin ng mga magulang nya.

"Ano pang gusto mo?" Rinig kong tanong ni Casper kay Charm.

Kahawig nya nga si Allison. No wonder na magkapatid nga sila.

"Tama na to." Sagot ni Charm.

Ngumiti ng malawak si Casper sabay lagay ng maraming crab sa plato ni Charm.

"Ano ba! Balak mo ba ako gawing butanding?" Angal nito.

"Kahit ano pang itsura mo, ayos lang sa akin." Sagot naman ng kambal ko na ikinaiwas ng tingin ni Charm.

"Hindi mo ba ako kukuhaan ng pagkain?" Angal ni Nia kay Red.

Kinunutan sya nito ng noo.

"May mga kamay ka naman. Kaya mo na yan." Sagot ni Red.

Sumimangot ng todo si Nia.

"Putulan kita ng kamay dyan eh!" Mahinang sabi ni Nia pero rinig naman namin.

"HAHAHAHAHAHA" Tinawanan naman sila ng iba.

I just let out a deep sigh. Ayos na ang lahat...kaso may kulang pa rin.

"May naiinggit." Biglang sabi ni Nia.

"Tsk.." asik ko sa kanya.

Tahimik na lang akong kumain.

"Cameron!" Tawag sa akin ni Casper habang nakangiti.

"Oh?"

"Mamayang 6pm, punta ka sa gilid ng beach."

"Bakit? Papatayin nyo na ba ako?" Tanong ko sa kanila.

"Of course not! Basta, pumunta ka dun...may surprise kami sayo."

Napa 'tsk' na lang ako.

Hours has passed at 6pm na. Nakaupo lang ako dito sa gilid ng beach. Actually, kanina pa ako dito nakaupo. Ang ganda lang kasi ng tanawin dito tapos kitang kita ko yung paglubog ng araw.

"Kung nandito ka lang sana..." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa karagatan.

"Sino ang tinutukoy mo? Girlfriend mo?" Tanong ng isang boses galing sa likuran ko.

"No. Asawa ko." Sagot ko.

"Miss mo na?"

"Sobra."

"Nasaan ba sya?"

"Hospital. She's in a comma." Mahinang sabi ko.

"Hmm...kailan pa sya comatose?"

"3 weeks ago."

Teka...bakit ba sinasagot ko ang tanong ng taong hindi ko naman kilala?

Humarap ako sa kanya.

"Bakit ba tanong ng tanong ka? Sino ka ba---" natigilan ako ng makita ko kung sino sya.

Agad akong tumayo at sinuri ang mukha nya. Sinundot ko pa ang pisngi nya para malamang totoo sya.

She smiled sweetly.

"Aren't you happy that I am already here?" Malungkot na tanong nito sa akin.

"Of course I'm fucking happy! Pero..akala ko...akala ko..."

She hugged me so tight.

"Sorry. May nagawa akong mali sayo. Sinunod ko lang yung sinabi nila eh."
N
"Anong sinabi nila sayo? Sinong sila?"

"Hindi naman kasi ako talagang comatose. Plano yun ni Casper. Sa balikat lang naman ako natamaan nung bala...sorry na...wag kang magalit sa kanila."

Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Ginala ko ang paningin ko at nakita kong nakatayo ang mga suspect. Bwisit na Casper nato.

After nung nabaril si Allison, dumating naman ang mga pulis na tinawagan ni Charm. Akala ko mamamatay na sya yun pala hindi...pero masaya ako dahil hindi sya natuluyan.

Nakakulong na rin ang parents ni Allison maging ang iba pang kasabwat ng nangyari sa amin.

Naging tahimik na ang mundo ng mga grupo na pinamumunuan namin. Hindi na namin kailangang magtago dahil ayos na ang lahat.

Salamat sa queen.

"I love you, Cameron."

"I love you more, Allison."

And now, I kissed her like there's no tomorrow. This time totoo na ang lahat.

They say happy ending is existed only in fairytale but they're wrong. Kasi tayo mismo ang gumagawa ng happy ending natin.

--E N D--

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon