Chapter 18

155 3 0
                                    

Chapter 18: Traitor


//ALLISON POV//


Nagising ako na nakatali sa isang upuan. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Cameron na nakatingin din sa akin. Tumingin ako sa katabi nyang upuan at nakita ko dun si Stacey? What the hell is she doing here? Rinig ko kanina na kinuha ang princess.
Don't tell me, si Stacey ang Princess na tinutukoy nila?

"Sino ka?" Tanong sa akin ni Stacey.

Hindi ko sya pinansin. Sinuri ko ang kabuuan ni Cameron at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala syang kahit anong sugat o pasa.

"Hoy, bingi ka ba!? Sino ka ba---"

"Tumahimik ka na lang dyan, Stacey." Malamig kong sabi.

Kita ko ang gulat sa mga mata nya. Nagtataka siguro sya kung bakit ko sya kilala. Naupo ako ng maayos at pilit na kinakalas ang tali ko. Kailangan kong makaalis agad dito. Kailangan kong itakas ang dalawang to.

Nakarinig ako ng yabag at kasunod nito ang paglitaw ng dalawang tao na kilalang kilala ko.

"Nakatulog ka ba ng maayos, Queen?" Ngising tanong sa akin ni Chloe.

All this time, kalaban pala sya. Nginisihan ko sya pabalik.

"Oo..salamat sa paghamas sa akin ng baril mo kanina kasi kung hindi dahil dun hindi ako makakaipon ng lakas para kalabanin kayo," sabi ko.

Lumapit sa akin si Timothy sabay tutok ng baril sa mismong ulo ko.

"Go ahead, kill me if you can...Tim-Tim." Napalunok sya habang nakatingin sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Kill her already!" Sigaw ni Chloe. "Bakit hindi mo iputok, Tim-Tim? Go and kill me now kung yan ang magpapasaya sayo." Sabi ko pa.

Ramdam ko na malapit ng makalas ang tali ko. Kailangan ko pa ng kaunting minuto.

"Sino ka ba talaga?" Galit na tanong nito sa akin.

"Yung kalaro mo dati. Tayo nina Cameron...naaalala mo?" Tanong ko pa sa kanya.

Napangiti ako ng palihim ng matanggal ko na ang tali. Tsk...mga mahihina. Hindi man lang hinigpitan ang tali ko.

"Hindi ikaw sya...Hindi ka si Allison...now tell me, sino ka ba talaga?"

"I am the queen..." Malamig kong sagot sabay tayo.

Tinutukan din ako ng baril ni Chloe. Pinagpag ko muna ang damit ko bago bumaling sa kanila.

"Chloe, akala ko isa kang anghel...but I was wrong. Mas masahol ka pa sa demonyo. I was wondering kung ano ba ang nakita sayo ni Casper at nagustuhan ka nun. Alam nya ba ang tunay mong pagkatao?" Tanong ko habang nakatingin ng diretsyo kay Chloe. Hindi sya sumagot.

"Hmm.. I guess hindi nya alam. In case na malaman nya na ang babaeng minahal nya ay ang dahilan ng pagkakadukot sa kambal nya, baka isumpa ka nya hanggang kamatayan."

Lumapit ako sa pwesto ni Cameron at pasimpleng hinulog ang blade sa may kamay nya. Tinanguan ko sya na alam kong naunawaan nya.

Tumingin ako kay Timothy. Yung tingin na disappointed. Akala ko kaibigan ko na sya. Akala ko...

"'Traydor ka rin pala, Timothy. Hindi ko lubos maisip na ang isang maharlikang tulad mo ang kakalaban sa reyna...sa reyna na kinatatakutan ng lahat." Malamig kong sabi.

I am not a queen for nothing.

Ngumiti ako ng matamis sa kanila at tinanggal ko ang fake face na suot ko. Gulat. Yan ang tanging makikita sa mga mata nila.

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon