Chapter 20

205 3 0
                                    

Chapter 20: End

//CAMERON POV//


Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Allison. She just called me 'Asawa ko' and I'm f*cking happy. Napatingin ako sa katabi nya.

"Mom? Dad? What are you two doing here? Ah yeah... I forgot, papatayin nyo rin pala ako." Sabi ko na ikinagulat ni Allison. Umiling naman si dad. Hinila ko si Allison palapit sa akin.

"Hindi namin magagawa yun---"

"Hindi pa, pero kamuntik na!" Galit kong sabi habang nakatutok sa kanila ang baril na nakuha ko kanina.

"Kayo ang may gawa nung nangyari sa amin ni Allison. Kamuntik nyo na kaming patayin!"

"Hindi sila...ang parents ko ang may pakana nun. Inosente ang mga magulang mo." Bulong ni Allison sa akin.

Tinitigan ko sya sa mga mata. Is she telling the truth.

"Trust me. They're still your parents. Trust your parents kasi hindi nila hahayaang malagay sa panganib ang buhay ng mga anak nila." Sabi pa ni Allison.

"Kung ganun, anong ginagawa nyo dito?" Baling ko kina mom.

"Para iligtas ka. Kami ng papa mo kapalit ng 'kalayaan' mo pero niloko nila kami." Galit na sabi mom. Binaba ko ang hawak kong baril sabay yakap sa kanila.

"I'm sorry mom, dad." They hugged me back.

"We understand you, son." Ani ni dad.

"'Awwww'...nakaka touch naman."

Napabitiw kami sa isat isa ng may nagsalita sa hindi kalayuan. Ang dad ni Allison.

"Hindi na kayo lalabas sa lugar na'to na humihinga." Ngising saad nito sa amin.

//RED POV//

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Nia ng makitang nakatulala si Casper. Malungkot na tumitig sa akin si Nia.

"She's gone..."

"Sino?"

"Chloe, ang leader ng Phoenix Blood Gang."

"Paanong nangyari?"

"He killed her pero hindi nya intensyon yun. Nagkagipitan na. Its either buhay namin o buhay ng gf nya. Tutukan ba naman kami ng baril---"

"Oo na..tama na."

Kahit kelan talaga bungangera ang isang 'to.

"Nasaan si Allison at Cameron?" Tanong ni Nia.

Hindi na kasi namin naabutan si Cameron kanina. We dont know kung buhay pa sila.

"Hindi na kayo lalabas sa lugar na'to na humihinga."

Napatigil kami sa paglalakad ng marinig ang boses ng taong binalak akong patayin.

"Tayo ba ang kinakausap nung boses?" Tanong ni Nia.

Hindi ko sya sinagot. Naglakad pa kami ng kaunti.

"Cameron." Mahinang saad ni Casper.

Sinundan namin ang tinitignan nya at nakita namin ang mga magulang nya with Cameron and Allison tapos nandun din si dad.

Nakatutok ang baril kina Cameron.

Lumapit kami sa kinatatayuan ni Allison.

"Kuya..." Saad nya sabay yakap sa akin.

"Mabuti ayos lang kayong lahat---nasaan si Charm?" Tanong nya.

Oo nag noh, nawala sa isip ko si Charm.

"Pagdating ko, umalis din sya agad." Sabi ni Nia.

Natulala saglit si Allison.

"Kasalanan ko ang lahat." Mahinang saad nya.

"R-red...akala ko."

Hinarap ko si dad.

"Akala mo patay na ako? Masyado ka yatang excited, tanda."

Nag-iba ang reaksyon ng mukha nya.

"Mas mabuting nandito ka. Tutal kompleto na tayo, sabay sabay na tayong mamatay..." tumitig sya kay Allison. "...patay na ang bunso mong kapatid...patay na si Charm kaya wag mo na syang hanapin pa." Nakangiting sabi ni dad.

Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ally. May kapatid sya? Nahanap na nya yung nawawala nyang kapatid? Si Charm...

"Pero bago ang lahat, uunahin ko na muna itong asawa mo...para hindi ka na talaga maging masaya."

Itinutok ni dad ang baril nya kay Cameron. Hindi kami makakilos.

Kinalabit na nya ang gatilyo. Tila ba nag slow motion ang paligid ng biglang tumakbo si Allison papunta sa kinaroroonan ni Cameron.

Tanging narinig na lang namin ay ang pagbagsak ng katawan ni Allison sa sahig.

Agad kaming tumakbo palapit sa kanila.

May lumalabas na dugo sa may bibig ni Allison.

"I---I love you---Ca-Cameron.." nakangiti pang saad nito.

"Kung talagang mahal mo ako...mabuhay ka para sa akin. Wag kang mamatay." Mahinang sabi ni Cameron.

"G-gustuhin ko man p-p-pero bu--mibigat na ang talukap ng m-mata ko. S-sorry.." nahihirapang sabi nya kasunod nun ang pagpikit ng mga mata nya.

"HINDIIIIIIII....ALLISON!!!!"

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon