//TIMOTHY POV//
"Friends na tayo?" Tanong ko sa kanya.Ngumiti sya sabay tango. Ewan pero biglang tumalon yung puso ko. Yung ngiti nya...nakakatunaw ng puso.
"Oo naman.." ani nito.
"Nandyan ka lang pala---sino sya?" Tanong ng batang lalaki na kakarating lang.
Ngumiti sya dun sa kakarating lang sabay akay palapit sa akin.
"Sya si---ano nga ba ulit pangalan mo?" Tanong na baling nito sa akin na ikinatawa ko ng mahina.
"Ako si Timtim.." pakilala ko dun sa kakarating lang.
"Ako si Ronron." Sabi nito.
Tumingin si Ronron kay Ally..
"Ano mo sya?" Masungit na tanong nito kay Ally.
"Bago kong prend he he he.." sagot ni Ally sabay ngiti.
Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. I looked at my wall clock.
10 PM..
HAYST...
Umupo ako sabay kuha ng tubig na masa side table katabi ng kama ko.
"Bakit ang hirap mong kalimutan?" Tanong ko sa hangin.
Binuksan ko ang drawer at kinuha amg litrato nya..ng babaeng mahal ko..at patuloy kong mamahalin hanggang sa huling kong hininga.
Hinaplos ko ang mukha nya.
"Sana sa muli nating pagkikita..makilala mo na ako at sana masilayan ko ulit ang mga ngiti sa labi mo. Mga ngiting nagpalambot sa puso ko." Parang timang na kausap ko sa litrato nya.
Tumayo ako at napagpasyahan kong maglakad lakad na lang muna. Baka sakaling malimutan ko ang pangyayaring yun..ang pangyayaring nagsasabi na nahuli ako..na talo ako.
Sa paglalakad ko, napadaan ako sa parke. Wala ng tao at sobrang tahimik ng paligid.
Naka jacket lang ako tsaka maong na short habang may nakapasak na headset sa tenga ko.
Song: Akin ka na lang
Singer: MoresseteHabang nakaupo sa swing may nakita akong sasakyan na tumigil sa condo.
Black Ford...
Kay Cameron yun na kotse ah.
Sa kanya ba yan na condo?Maya-maya ay nakompirma kong tama ang nasa isip ko ng makitang bumaba si Cameron mula sa driver seat. Tapos umikot sya at pumunta sa passenger seat.
Hindi naglaon, nakita ko na may buhat buhat syang tao..babae rather.
T--teka...si A--Allison yun ah!
Anong ginagawa nya sa kanya? Anon nangyari kay Allison? Bakit wala syang malay?
Tila ba may sariling buhay ang mga paa ko at kusang naglakad papalapit sa kinatatayuan ni Cameron.
"What happenend to her? What did you do to her?" Madiin kong tanong dito.
Kita ko ang inis sa mga mata nya.
"Wala kang pake kung anong nangyari sa kany---"
"May pake ako!" Singhal ko dito.
Napatingin muna sya kay Allison tsaka nakangising tumingin ulit sa akin.
BINABASA MO ANG
Being His Property
Romance"You shouldn't force someone to love you... may rason kung bakit hindi ka nila magawang mahalin..." "Una, may mahal silang iba. Pangalawa, sinaktan mo na sila noon... pero pwede ring both." But is there any chance na maibalik pa kaya ang dati? Ho...