Kabanata 7

1.1K 44 3
                                    

Bumagal ang aking paglalakad habang napakunot ang noo. I saw a bouquet of flowers lying on my table. I've been working here for almost a month already yet everyday I'm still receiving flowers.

I even bought a vase ang place it inside Prestin's unit. Masagana iyon sa bulaklak at araw-araw na napapalitan dahil sa araw-araw na bouquet sa aking lamesa. I glanced at Shea's table, sa kanya naman ay wala.

Hindi ko na pinansin iyon at inilapag ang aking gamit. Pinasadahan ko ng aking kamay ang mga bulaklak ay marahang tinapat iyon malapit sa aking ilong.

Sa ganoong sitwasyon ako nadatnan nang financial manager ng kompanya.

"Ms. Gallardo?"

Agad kong naibaba ang bulaklak at napaharap sa tumawag sa akin. I don't know why my heart's ramming my ribcage, na para bang nahuli ako sa ginagawang krimen.

"M-ma'am," I gave the financial manager a wide smile while my chest's heaving up and down.

Bahagya niyang inayos ang suot na salamin. "Where's Shea?"

I glanced at Shea's table as I shook my head. "Wala pa, Ma'am."

"Pakibigay 'to kay Sir. Kailangan na 'yang pirmahan."

Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Archer. Of course he's already there. Kailan ko ba siya naunahan? Hindi ko alam kung anong oras siya pumapasok na kahit anong aga ko ay lagi niya akong nauunahan. Maliban na lang kung sa firm ang punta niya. There are days that he won't come here. Kapag ganoon ay nasa firm siya at nagpapakalawyer. Hindi na siya nagsasama ng sekretarya kapag gano'n.

"Right away, Ma'am." Tinanggap ko ang dokumentong inabot niya bago niya ako tuluyang tinalikuran.

I knocked on Archer door as I slightly opened it. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng opisina ngunit bigo akong makita siya. Dumako ang aking tingin sa swivel chair na nakatalikod mula sa aking direksyon. I saw it moved a bit.

"Si-" Napatigil ako nang magsalita si Archer.

"A lead?" I stopped at Archer's formal tone.

Maybe he's talking someone over the phone. Siguro ay pamaya-maya ko na lang papipirmahan ang mga dokumentong ito. Akmang isasara ko ang pinto nang muling marinig ang pagsasalita niya.

"After four years, Creed, there's a lead? Are you sure?"

I stilled as I let the door slightly opened.

"Fuck! Maybe you're right. She changed her name. That's why it's been four years yet we still can't find her. We need to move and confirm if she's really what we're looking for. Baka makatunog at makatakas pa."

Sinong tinutukoy niya? Ako ba? Fuck! Bakit may lead? Paanong nagkaroon? I didn't leave anything that can point me as a part of Cosmos. I made sure everything's okay before I left.

"We'll tell Mirae the truth once we got her."

Unti unting kumunot ang aking noo. Hindi alam ni Mirae? Imposibleng hindi niya alam! Apat na taon na ang lumipas ay wala pa siyang alam? Imposible 'yon.

"Nagtago siya ng apat na taon. Bakit siya magtatago, kung ganoon? She betrayed Cosmos, that's it. I'll kill her after we got her. At alam natin na ganoon din ang gagawin ni Mirae oras na malaman niya ang totoo."

Mariin akong napapikit sa lamig ng tono niya. My knees trembled as I heard Archer's words. I felt my chest tightened as I felt a big lump on my throat.

Hindi siya nagsabi ng pangalan pero sino pa ba ang hahanapin nila na nawawala na ng apat na taon? Lalong nanikip ang aking dibdib nang maalala na may lead sila. Fuck.

Loving The Light [Cosmos Series#4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon