I grabbed the documents in my table as I heaved a deep breath. Tumayo ako ngunit agad na napakapit sa gilid ng aking lamesa nang mangatal ang aking tuhod.
Mariin akong napapikit bago tinantya ang sarili. Nang masigurong maayos na ang aking mga binti ay agad akong nagtungo sa tapat ng pinto ng opisina ni Archer. Tatlong beses akong kumatok bago tuluyang binuksan ang pinto.
Archer quickly glanced at me. His steely gaze immediately went back on the paper he's signing after our eyes met. Na para bang isang hangin lang ang pumasok sa kanyang opisina.
Marahan kong isinara ang pinto, takot na makagawa iyon ng kung ano mang ingay.
I walked towards his table, where he is signing documents. Huminto ako matapos tumapat doon at napalabi bago inilahad ang mga dokumentong kailangan niya. "Pinapabigay ni Ma'am Karisol."
"Just put it here." He pointed a side of his table using his head without even looking at me. Tipid na tipid ang kaswal na sagot niya.
Walang salitang ipinatong ko iyon sa kung saan ang sinabi niya. Umatras ako ng bahagya at tumayo sa kanyang harapan.
Ang lamesa niya ang tanging pagitan na naghihiwalay sa aming dalawa, ngunit sa inaakto niya at para bang ilang milya ang layo namin sa isa't isa.
"B-babe," I called and saw how the movement of the pen in his hand slowed down. Ilang sandali ay agad rin iyong bumalik sa mabilis na pagpirma sa mga dokumento. He's reading the documents then signing it after.
"Archer," muling tawag ko. I even readied my smile, thinking that he'll finally look at me this time but I was wrong. Napalis ang ngiti sa aking labi nang walang makuhang reaksyon mula sa kanya.
I bit my lower lip and tried again. "Sir," I whispered in an almost inaudible tone.
Titig na titig sa kanya ang aking mga mata kaya't nahuli ko ang paninigas ng kanyang katawan. He stilled for awhile. Ilang segundo ang natapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Do you still need anything?" I don't know if I should be happy that he used a formal tone and not a cold one or what.
"Can we talk?" I smiled. Sa pait ng aking ngiti at tila ba nalasahan ko iyon. I didn't wait for his answer and immediately continue without leaving his eyes.
"If you want to b-break up. You can tell me. P-papayag naman ako. Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na." Mariin akong napapikit nang pumiyok ang aking boses dahil sa hikbing kumawala sa aking bibig. I bit my lower lip as I cleared my throat. Nagbabaka sakali na hindi manginginig ang aking boses kapag ginawa ko iyon.
Seems like what I said caught his attention. Bahagyang kumunot ang noo niya ngunit wala pa ring imik.
"Hindi 'yung maririnig ko na lang na..." I trailed off when my heart clenched. "M-masakit marinig na may hinalikan kang iba. And t-that you're seeing someone already." I felt my tears at the side of my eyes. I tried hard to suppress it. I won't cry in front of him.
He shifted on his seat, frowning. Ngayon ay binitawan na niya ang panulat na hawak. "Aurie-"
"I love you." I smiled, I know it reached my eyes. "So much, Arch. Mahal na mahal kita. Sana pinakinggan mo 'ko..." I stopped when my vision blurry because of the tears in my eyes.
"I-I'll go ahead." I still want to say a lot of things but I immediately turned my back on him when I felt that I can't suppress my tears any longer.
Mabilis na kumilos ang aking mga paa kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. My clenching heart made it hard for me to move. I held the handle of the door as I pulled it down.