Kabanata 26

1.2K 64 13
                                    

"Auriese, I'm warning you. Stop whatever you're planning." Harang sa akin ni Kuya habang papalabas ako ng aming mansyon.

"I'm not doing anything," maang ko habang bahagya pang iniling ang ulo.

His eyes squinted as it roamed around my face. Tila ba inaanalisa ang aking ekspresyon. Matapos ay napailing na lamang siya. "Yet you're wearing your complete prosthetics. I know you, Auriese. What are you planning, tell me?"

Sa tono niya ay alam kong hindi siya titigil hanggang hindi nakakakuha ng positibong sagot mula sa akin.

Why did I even gave him a hint about it? Ngayon tuloy ay mukhang may alam na siya sa aking binabalak. As if you'll let me if I tell it to you and confirmed what you're thinking.

"I'll just go somewhere." Humigpit ang hawak ko sa aking purse. Naroon ang pills na kailangan ko upang maisagawa ang plano.

"To where? A bar?" Kunot noo niyang pinasadahan ang aking suot na damit. I'm wearing a satin nude bodycon dress. Its length's screaming the place where I'm going. "May recit pa tayo bukas," pagpapaalala niya.

"I know, sandali lang ako."

"Then why do you have to wear your prosthetics?" He shifted on his weight as he tilted his head, finding a better angle to see my face.

"Baka may biglang tumawag sa Cosmos at magpatulong sa akin."

He tsked. Lumalim ang kunot sa kanyang noo. "Wait for me. Sasamahan kita, magbibihis lang ako."

What? No!

"Alright," sambit ko at bahagya pang tumango upang makumbinsi siyang pumayag ako sa kanyang gusto.

Nang makitang umakyat siya sa ikalawang palapag ng mansyon ay dali dali akong lumabas at dumiretso sa aking kotse.

I hurriedly started the engine as I fastly drove the car. Napangisi ako nang makalayo ang aking sasakyan sa mansyon at walang pa ring kotse ni Prestin ang nakasunod sa akin.

Inilibot ko ang tingin sa paligid nang makarating ako sa aking pakay. I parked my car to somewhere secluded. Para naman kung sakaling madaanan ni Prestin ang bar na ito ay hindi niya agad malalaman na nasa loob ako. Though, kung malaman man niya ay hindi rin siya makapapasok.

I walked towards the entrance as I fished the card from my purse. I swiped it on the scanner. Isa pa, hindi maiisip ni Prestin na rito ako pupunta. Hindi niya alam na bumili ako ng entrance card mula sa high-end bar na ito.

The loud sound immediately filled my ears the moment I entered. Iyon ang nangingibabaw sa buong lugar. I roamed my eyes around the place. The dim color of the light made it hard to find the reason why I'm here.

My eyes landed at the dancefloor. May mga sumasayaw roon, ngunit hindi iyon ganoon karami. Maybe because its still early for midnight, oras kung kailan kadalasang marami ang taong mga narito.

Sa ilang beses na pagbalik ko rito ay napansin ko na ang bagay na iyon.

Inilakad ko ang aking mga paa. Sinubukan kong puntahan ang lugar kung saan ko laging nakikita ang aking pakay at muntik na akong mapatili nang makitang nagiisa siya sa kanyang kinauupuan. U-shape couch is too large for him. The table in front of him is occupied by a bottle of whiskey.

Lagi siyang may kasamang babae sa tuwing maaabutan ko siya. Kaya naman hindi ako makalapit. Ngayon na nagiisa siya ay sisiguraduhin kong ito na ang huling punta ko sa lugar na ito.

"Archer?" I made it sounds like shocked.

Natigil siya sa pagpapaikot sa yelong nasa loob ng kanyang glass nang marinig ang aking tawag.

Loving The Light [Cosmos Series#4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon