SIMULA
Before I sleep last night, I allowed myself to grief about the life I had to give up. I cried silently as I tucked myself on the most comfortable bed on earth and prayed that the next time I'll open my eyes, I'll get the courage to fight for what I really want. That I won't see myself nodding for whatever my parent is asking me to do or in my current case, to live. That I'll be dancing on the surface of freedom, live my truth, and keep my light down with all my might. Because the farthest I am from the light, the more hidden I am in the dark, the freer I'm gonna be.
Courage ghosted me next morning though.
"Eiddwen! Bumaba ka na riyan!"
Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang bago naming titirhan mula sa bintana. Kakarating lang namin dito ni mommy sa Lacanienta. It was only few hours of both land and air travel from Metro Manila but I still feel exhausted. Or maybe I'm just sad?
"Eidd! Baba na! Pupunta pa tayo sa bahay ng lola mo!" sigaw ulit sa akin ni mommy mula labas ng sasakyan.
"Opo! Ito na!"
Inayos ko muna ang mga nakalabas kong gamit at pinasok iyon sa dalang bag. Ayaw ko pa sana lumabas dahil gusto kong ipakita kung gaano ko ka ayaw sa pangyayaring ito pero hindi ko rin naman gugustuhing mapagalitan kaya sumunod na ako.
Walang gana akong lumabas ng sasakyan at muling tinignan ang bagong bahay na pinagawa nila mommy at daddy. Isang taon ng gawa itong bahay pero ngayon lang namin matitirhan. Hinintay muna kasi nila ako maka-graduate ng senior high school bago lumipat.
At oo, wala akong choice kung 'di dito mag college.
Napabuntong hininga ako sa naisip.
"Anak! Kunin mo na 'yong maleta mo sa likod ng sasakyan at i-akyat mo na sa kuwarto mo. Bilisan mo na, anak!"
Ngumuso ako kay mommy at naglakad na papunta sa likod ng sumundo sa aming sasakyan.
"Napagod kaba Eidd? Gusto mo bang ako na lang ang mag akyat ng mga gamit mo?"
I looked at Manang Sally. She's been our house help since I was three. Taga dito rin si Manang sa Lacanienta kaya maigi sa kanya ang sitwasyon namin. She'll be closer to her family, the same way that I'll be far away from my home. Noong isang linggo pa siya nandito. Nauna na siya para makapag ayos ng bahay bago kami tuluyang lumipat.
"Hindi na po manang Sally, kaya ko na po," ngumiti ako sa kanya.
Tulad nang utos ni mommy, kinuha ko ang sariling maleta at pumasok na sa bahay. This house is bigger than our house in Valle Verde. It looks more modern too with its white walls and light wood theme. Double doors ang entrance, high ceiling at malalaki ang mga bintana. This is exactly how my mother describes her dream province house, maraming daanan ng preskong hangin.
Iniwan ko lang ang maleta ko sa kuwarto at bumaba na agad dahil sigaw na ng sigaw ang ina.
"Eidd! Anak, tara na!"
She's so excited while I'm feeling the opposite. If only I could fly from here to our old house, for sure I'll be in the air flying with a flock of birds at this very moment.
Saglit lang ang byahe papunta sa bahay nila lola. Sa dulo kasi ng probinsya ng Lacanienta naka tayo ang subdivision ng bahay namin at ilang minutong drive lang ang layo noon sa bahay ni lola.
Pagbaba palang ng sasakyan ay bumungad agad sa'kin ang malaking puno nang mangga. Nostalgia crept on me while inspecting it from a distance. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay sila mommy pero naiwan ako para tignan ang puno.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomanceEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...