Wakas

274 8 12
                                    




Hi! This is the end of Light In The Dark! Sa totoo lang hindi ko alam kung may makaka-diskubre o magta-tyaga bang magabasa nito. But if you made it this far, thank you! Napaka-lapit sa puso ko ang kwento nila Eiddwen at Lucian dahil bukod sa ito ang una kong sinulat, dito ko rin nalaman na kaya ko palang magsulat. I doubted myself a lot of times while writing this that's why I'm so glad I'm still here to write its ending. Again, thank you for reading!


WAKAS


All my life I've never been this nervous. I looked at the sea of flowers with their roots still planted on the ground, trying my best to visualize her face so I could calm myself down. I've been waiting for this day since my heart knows when. And for it to finally come true? Para yata akong lalagnatin.

"Asar na asar ka pa sa ugali niya noon, dadalhin mo pala sa altar." Pahangin na sabi ni Jim sa gilid ko.

Saglit kong inalis ang mga mata ko sa mga bulaklak para matalim na sulyapan ang pinsan ng babaeng papakasalan ko. Narinig siya nang kapatid niya at nang pinsan ko na parehong nakikipag usap sa isang bagong kasal din naming bisita.

Hindi ako kumibo. Hindi ko naman kasi puwedeng itanggi. Totoong 'di ko tipo ang ugali ng pinsan niya noon tapos ngayon halos mabaliw ako. Handa pa ako magmakaawa para lang makasal siya sa'kin. Baka nga kung tumanggi siya hanggang ngayon umiiyak ako. And I don't easily cry! Kapag tungkol lang sa kanya... Ewan ko ba. Ang lakas ng tama ko.

Sabi nila may ganoong karma raw. Pero kung karma ang nangyari sa'kin, kung karma ang magkagusto at mahalin siya... hindi ba parang napaka gandang karma naman yata?

"Jim! Kinakabahan na nga tapos inaasar mo pa!" pabiro siyang hinampas ni Jiarra at bumaling sa'kin. "But you know what? Ngayon lang kita nakitang kabahan."

"The anxiety of having a runaway bride is real, eh?" Ang kunsintidor na si Elliot, nakalapit na pala sila sa'min.

"Galing ako sa kuwarto ni Eiddwen. Believe me, there's no need to be anxious. Kahit siya kinakalma nila Lira at Ysa." Si Caleb.

Pare-pareho silang nakaputing button down polo at beige na slacks. Ang tanging makukulay lang na suot ay ang mga babae tulad ni Jiarra na hindi ko na mabilang kung ilang kulay ba ang nasa damit niya ngayon.

We're having a garden wedding just like how my baby wants it. Lahat yata ng tao sa Lacanienta ay imbitado kaya tama lang na garden wedding at hindi sa simbahan. Even the largest church in this province cannot accommodate us all, idagdag pa ang pamilya ko sa Zambales. Though I have plans to marry her again in church. Intimate wedding.

Bakit ba iyon agad ang nasa isip ko? Hindi pa nga tapos ang kasal namin ngayon, gusto ko na ulit siya pakasalan? Damn, I'm really whipped. Gusto ko na palubugin ang araw para makapag simula na ang kasal at masolo ko na siya!

"Oh, look at our future pair! May potential, Kean, pa'no ba 'yan?" biglang humalakhak si Elliot habang mababang nakatingin sa dalawang bata.

Lahat kami napatingin doon. Zoe, my niece, is holding the hand of a snob boy. She's very persistent to pull the young boy to the direction that she wants. Si Caden ang bata, ang ring bearer namin at anak ng kapatid ni Eiddwen. Tinatanggal ni Cadenang kamay ni Zoe pero binabalik iyon ng pamangkin ko at mukhang natutuwa pa sa pagkakaasar noong batang lalaki.

"Damn, I think I've seen this scene before..." umiling si Kean pero sa huli napangisi na rin.

Napanguso si Jiarra at sinamaan ng tingin si Elliot dahil bata pa raw ang anak niya. Dapat daw magkaibigan muna. Our crowd laughed, kahit ang mga tao sa paligid na nakarinig at nakuha ang pinag uusapan sa banda namin ay natawa rin.

Light In The Dark (Lacanienta Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon