WARMTH
We stayed on his room for minutes to calm his hard on. Gusto ko pa sana mag ikot doon sa kuwarto niya kaya lang dinala na ako ni Lucian paakyat sa garden pagkatapos niya kumalma. Hindi ko tuloy nakita kung ano ang view roon sa balcony ng kwarto niya. Sa susunod nalang siguro.
"Pinsan mo ba 'yong kausap mo kanina? Iyong Eros?" tanong ko kay Lucian habang bumababa na kami ng hagdan.
Habang nasa sky garden kasi kanina may tumawag sa kaniya. Laging may tumatawag sa kanyang lalaki mula noon pero iba-iba ang pangalan. Sabi niya mga pinsan niya raw iyon sa mother side. Lagi nilang napapag usapan iyong Eros kaya ngayong iyong Eros mismo ang tumawag ay hindi ko napigilang itanong.
Bumaling sa'kin saglit si Lucian. "Oo. Magkapatid ang lolo at lola namin..."
"Ang dami mo palang pinsan. Puro lalaki ba sila? Iyong Eros, nickname ba 'yon or ganoon talaga pangalan niya?"
Sumulyap ulit sa'kin si Lucian at bumagal ang pagbaba sa hagdan. "May mga babae rin akong pinsan. And Eros is really his name..."
His parents must've heard about Greek mythology. Napatango tango ako.
"Cool name. Inspired by the God of love and sex... How old is he by the way?" I curiously asked.
Lucian stopped abruptly to look at me sharply. Huminto pa talaga siya sa pagbaba para tignan ako ng may halong paratang.
"Why are you so curious about him?" tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko sa kanya.
"He's your cousin. And I like his name so... medyo nakuryoso ako..." medyo naninimbang kong sagot.
Lucian glared. Halatang mas nainis sa narinig na sagot sa'kin. Saglit pa ako natigilan habang nakatingin sa kanya para mag isip. Ilang sandali pa bago ko matanto ang pinanghuhugutan niya.
I tilted my head and suppressed an evil smile.
"Wait... Don't tell me you're jealous? Lucian nagtanong lang ako, hindi ko pa nga nakikita 'yon!" sabi ko sa kanya. "Ano ba name niya sa facebook? Search ko muna kung type ko..." pang aasar ko pa at nilabas pa ang phone para kunwari maghahanap.
Napamura nang mahina si Lucian at hinablot sa kamay ko ang cellphone. His eyes also look sharper than it was a while ago. He looked at the screen of my phone then locked it before he looks at me again, with his handsomely annoyed expression.
Nanlaki naman ang mata ko at hindi napigilang matawa.
"Oh, god! My boyfriend is really possessive..." namamangha at nanunuya kong sabi. "Nagbibiro lang ako! I'm not interested with your cousin 'no! I won't be interested with other boys! Lucian, you're my boyfriend... Bakit pa ako maghahanap ng iba 'di ba?"
"Tss..." nagiwas siya ng tingin, nagtatampo.
Oh, please! Someone tell me what I did to deserve this perfect view! A jealous Lucian Celetaria looks cute and hot at the same time! Hindi ko tuloy alam kung pipisilin ko ba ang pisngi niya o hahalikan!
I inched forward and locked my fingers to the back of Lucian's neck. Patingala kong hinuli ang mga mata niya. I smirked when it happened.
"Bakit pa ako maghahanap ng iba kung ikaw palang ay sobra-sobra na? Hmm?" malambing at nanunuyo ang pagkakasabi ko.
"You already typed Eros on the search bar." Tunog inis man, lumipad pa rin ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Oh, no. You're still mad..." ngumuso ako.

BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomansaEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...