JEJEMON
Cherish every moment, they said. But I guess no amount of time together or bond is really enough to stop you from missing the people you used to see in most of your days the moment that it stopped.
Katulad ng plano namin, pumunta kami ng Talisay sa sumunod na araw. The whole trip was fun. Una naming pinuntahan ang the ruins, doon kami pinaka nagtagal dahil kumuha kami ng maraming litrato nila Ysa at Lira. Sumunod nalamang ang dalawa pang pasyalan na nagustuhan din namin lahat dahil sa mga activities at tanawin.
Sinulit namin ang buong araw na iyon. Papasikat palang ang araw noong tumulak kami pero dahil nagkakasiyahan ay hindi kami dinalaw ng antok kahit sa byahe. Kahitpagod ay hindi namin naramdaman kahit marami kaming ginawa at pinuntahan.
Maybe that's the thing when you're with people you love being with. You'll never feel the low. Only the rush, the high, and the overflowing happiness.
The next day we visited lolo's grave. Nabisita na iyon nila mommy pangalawang araw palang namin dito pero kaming magpipinsan ay noon nalang ulit, huli pa noong nakaraang taon.
The rest hours were spent on lola's house. Huling araw ng iba kong pinsan at tita sa Lacanienta kaya minabuti naming sa bahay nalang at sulitin ang oras na kumpleto kami. Iyon din kasi ang hiling ni lola noong unang araw namin dito kaya talagang wala kaming nilaang plano para sa araw ng sabado.
"Pati ba naman sa Uno talo ka pa rin?" pang aasar ni Lira kay Elliot.
"It's my first time playing that game!"
"Sus! Ang daming dahilan," gatong ko.
"Kapag talo, talo!"
"We're all first timers, brother," Caleb chuckled while shuffling all the cards.
Tumawa din ang iba naming kalaro. Lahat sila ay unang beses makahawak ng uno cards dahil kaming tatlo lang nila Lira at Ysa ang pamilyar sa larong ito. Kahit nga si Jiarra ay kasama sa tinuruan namin kung paano ito laruin.
"Whatever, guwapo parin ako!"
"Baka gago!" tumawa si Jim at pabiro siyang binato ng throw pillow.
"Stop talking Elliot, just do the dare!"
We enjoyed the whole day. Hanggang madaling araw kami nagtawanan at kwentuhan, hindi inalintana ang maagang flight nila kinabukasan. Doon na rin kami natulog lahat sa bahay ni lola, except for Jiarra and Lucian dahil umuwi din sila pagkahating gabi.
Kinabukasan naningil agad ang mga pinakawalan naming tawa at saya. Umaga pa lang ay tumulak na sila tita at ang apat kong pinsan tungo sa airport para sa scheduled flight nila. Si Tito Chris ang naghatid sa kanila gamit ang isang van at ramdam ko pa kung gaano ko kagusto ipasok ang sarili doon sa oras na iyon.
I was never a rebel. Ni minsan ay wala akong hindi sinunod na utos sa akin nila mommy at daddy, pero noong mga sandali na iyon ay gusto ko nalang sila suwayin. Gusto kong mag makaawa na payagan nila akong bumalik sa dati naming bahay at mangako nalang na gagawin ko ang lahat para hindi maging sentro ng atensyon.
But I know begging on my knees won't shake their firm decision. Kahit siguro lagyan ko pa ng asin ang luluhuran ko habang nagmamakaawa ay hindi pa rin noon mapapabago ang isip nilang dalawa. They're very sure about this. At hanggang ngayon ay hinihiling ko pa rin na sana... hindi ko nalang alam ang dahilan.
Tears rolled down my cheek when I shifted my gaze to the moon above and the stars surrounding it.
I know very well why my parents had to go this far. The real reason why I'm here... and the reason why I always need to stay away from the light.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
عاطفيةEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...