JOKE
Maaga akong nag asikaso kinabukasan, tulog pa ang dalawa kong kasama noong nagsimula akong maligo at mag ayos. Pinanliitan pa ako ng mata ni Lira nang makita na ayos na ayos na ako pagkagising niya, si Ysa naman ay patalon na kinuha ang cellphone para makita siguro ang oras pero nakahinga rin ng maluwag nang makita na maaga pa.
"Nine palang Eiddwen!" napapikit siya, siguro dahil nabigla sa agarang pag upo at paghagilap ng cellphone. "Ang aga mo naman masyado! napi-pressure ako kapag may nakaayos na! Pakiramdam ko late na ako!"
"Inagahan ko lang kasi ayaw kong makisabay sa oras niyo sa pag ligo! Ang tagal niyo kaya sa banyo!"
Puwede naman ako maligo sa common bathroom or sa kwarto nila mommy pero... mas gusto ko lang talaga siguro maligo sa sarili kong bathroom.
"Mm, maniniwala siguro ako kung hindi kita kilala! Pero kilalang kilala kita! Talandi 'to! If I know, you're just excited to be with your crush!"
Tinawanan ko na lang 'yon. Bakit ko kokontrahin kung medyo totoo naman.
Like our usual routine, tanghali na kami nakarating kila lola. Saktong oras para magtanghalian. Gusto kasi ni lola na sabay sabay kaming kumain palagi. Dapat nga pati almusal pero alam niyang lagi kaming tinatanghali ng gising kaya kuntento na siya sa tanghalian at gabihan.
Wala na sila Caleb at Elliot pagdating namin sa bahay nila lola dahil maaga raw tumulak ang magkapatid kasama si Tito Chris. Sila kuya Kean at Jiarra ay wala rin dahil sa inaasikasong kasal, gusto kasi nila tapusin ang mga importanteng bagay bago sila lumipad patungong California para balikan ang mga responsibilidad na nilibanan nila. Si Jim naman isinama ni Tito Jojo sa pag aasikaso nang family business nila. Puro tuloy kaming mga babae ang naiwan dito sa bahay.
"Eidd, bilisan mo! Nasa baba na 'yong crush mo!" mahina pero may diing sabi ni Ysa mula sa likod ng pintuan ng kuwarto. Sinabayan niya pa 'yon ng tatlong sunod sunod na katok.
Halos mapatalon ako mula sa pagkakahiga. Nagdesisyon kasi akong umidlip muna pagkatapos magtanghalian dahil inantok ako, dahil siguro sa aga kong nagising kanina pero hindi rin ako hinila ng tulog kaya nahiga nalang ako at pumikit.
"Oo! Bababa na ako!"
Marahas kong hinila ang cellphone ko mula sa pagkakacharge at dumiretso na sa pintuan pero nang maalalang hindi ko nabunot ang charger sa saksakan, nagmamadali ko ulit 'yong binalikan.
Patakbo akong bumaba sa hagdan at binagalan lang ang lakad nang limang hakbang na lang ang layo ko sa landing. Inayos ko muna ang buhok at pinunasan ang mata para tanggalin kung may makakapang dumi. Nagsisi pa ako dahil hindi muna ako tumingin sa salamin bago bumaba!
"O, nandiyan na pala si Eidd!" si lola noong makita ako sa landing ng hagdanan. "Mag iingat kayo, ah? Kayong tatlo h'wag kayong pasaway! Isumbong mo sa akin ang mga 'to Lucian 'pag may ginawang mali!"
Lumipad ang mata ko sa pinagbibilinan ni lola. His healthy colored lips curved as he laughed softly. Napalunok ako at iniwas ang tingin.
"Lola, hindi na po kami mga bata para magpasaway!"
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili. I'm wearing a lavander loose halter top, I tucked it inside my fitted white summer short. At white flat sandals nalang din ang sinuot ko. Masyadong mainit dahil summer kaya pinili kong mag suot ng light colors. Pakiramdam ko maiibsan noon ang init na mararamdaman sa araw na ito.
Lumapit na ako kila lola, kasalukuyan pa rin 'yong nagbibigay ng paalala pero imbes na intindihin 'yon ay mas inintindi ko ang lalaki sa harap.
Hinawakan ko muna ang braso ni lola bago nag angat ng tingin. Nag init ang pisngi ko nang mabilis din nalipat sa akin ang mga mata ni Lucian mula kay lola.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomanceEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...