HAYOP
I'm always confident to talk. I love speaking and communicating. Kahit nga mga halaman kinakausap ko na minsan, lalo na kapag wala talagang makausap. Maraming nagsasabi na madami raw benefits ang katangian kong 'yon dahil hindi lang ako madaldal, bolera pa. Kaya tuwing groupings sa reporting sa school ako ang pinag aagawan palagi dahil kahit daw sa teacher ay gumagana ang powers ko sa pambobola.
Doon naman ako hindi sang ayon. Hindi ako bolera, malaki lang talaga ang kumpyansa ko sa sarili na magsalita. Mahilig lang ako pumuna ng magagandang bagay na nakikita ko sa isang tao, habit ko na rin 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit basta natutuwa ako tuwing nakikita kong lumiliwanag ang mukha nila tuwing may sinasabi akong maganda sa kanila. Hindi naman kabawasan saakin ang pumuri kaya ginagawa ko 'yon palagi. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit nila ako nababansagang bolera.
Ito ang dahilan kung bakit sa labing walong taon kong naninirahan dito sa mundo, hindi ko man masabing kilalang kilala ko na ang sarili, pero isa sa mga katangian kong sigurado ako ay 'yon ang pagiging makapal na mukha na makipag usap, kahit sa mga bagong kakilala. Lalo na kapag gusto ko ang tao.
Kaya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ngayon, mistulang damit na tumutupi ang dila ko at hindi makahagilap ng sasabihin dito sa lalaking naiwan gaya ko. I'm still embarrassed from what happened last night. I find it awkward to talk to him especially now that we're left alone.
I'm now cursing Ysa on my head! Papaalalahanan ko ang sarili na bigyan siya ng mura kapag nagkita ulit kami mamaya. I'm still debating with Lira's case though. Hindi man niya plano ito pero sinakyan niya parin ang kabaliwan ni Ysa!
Nagkukulay kahel na ang langit kaya hindi na mahapdi ang paghaplos ng papalubog na araw sa balat. Binibigyan noon ng kaunting kulay ang dalawang mata na nakatingin na sa'kin ngayon. If I am my usual self today, for sure I've already complimented how his chocolate eyes glowed beautifully with soft rays of setting sun.
But since I am not the talkative Eiddwen today, I feel awkward. Like super awkward. Should I talk to him? Or should I just wait for Caleb to come back? Pero dahil alam kong sadya ito nila Ysa ay matatagalan pa 'yon.
Alright, I'll talk to him. Mas magiging awkward kapag hindi nagsasalita. Pipiliin ko nalang ang mga salitang sasabihin ko para hindi ko siya ma-offend. My embarrassment last night was enough at ayaw ko na madagdagan pa 'yon!
"Hi, uh... do you want to follow them? We can follow them if you want," suhestyon ko at tinuro ang nilakaran nila Caleb. "Or... are you tired? We can just sit while waiting for them, I-I'll find a seat."
Ngayon mas gusto kong murahin ang sarili dahil pakiramdam ko isa akong thirteen years old na hindi makapag salita ng maayos dahil kaharap si crush! Mas lalo ko lang yata pinalala ang sitwasyon dahil sa pagsasalita. I'm sure he heard how bad I stutter!
Pinilit kong bigyan siya ng ngiti, pilit 'yon, habang naghihintay sa isasagot niya. Hindi parin ako makatingin ng diretso sa kanya kaya puro pasada lang ang ginagawa ko, pero hindi nakatakas sa paningin ko kung paano may gumuhit na ngiti sa kanyang labi bago yumuko ng bahagya na parang may naisip na nakakatawa.
"We can continue walking, if it's okay with you." he suggested too after settling his eyes again on me.
Alam kong para akong tanga na napapikit pikit ng sumagot siya. Did he just talk to me? Bakit parang mas nahiwagan pa ako nang sumagot siya, eh, dapat lang naman talaga na magsalita siya dahil nag tanong ako! What on earth is happening to me?
"This way?" paglilinaw ko, tinuro ko ang daan patungo sa hindi pa namin nalalakaran.
Tinignan niya ang daan na sinasabi ko at tumango bago muling bumaling saakin.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
Roman d'amourEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...