LIHIM
"Lucian h'wag masyadong mabilis!" hinigpitan ko ang hawak sa kamay niyang nasa harap ko.
Wala akong pasok ngayon kaya naisipan naming mamasyal sa lupain nila. I thought we're just going to walk or use a golf cart. Hindi manlang ako nasabihan na kabayo pala ang gagamitin namin! Good thing I wore a jeans, dark shirt, and boots. Nadala na ako noong huli kong punta kaya sinigurado kong hindi na muli ako gagambalain ng mga lupa.
Lucian chuckled. "Why are you so scared? I thought you want to learn how ride a horse?"
Imbes na pabagalin ay mas pinabilis niya pa ang patakbo nang kabayo. I groaned and leaned my back more to him.
"Kapag ako talaga nahulog dito lagot ka sa'kin!" banta ko.
Tumawa pa ulit si Lucian. Naramdaman ko ang isa niyang kamay sa tiyan ko, then he pulled me closer to him. Ang mga kamay niya namang nakahawak sa tali nang kabayo ay mas lalo niyang pinagdikit para mayakap ako lalo.
"H'wag kang mag alala. Sa'kin ka lang mahuhulog," he whispered playfully to my ears.
Kumunot ang noo ko at biglang gustong matawa. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakadikit na sa tiyan ko.
"Nahahawa ka na sa'kin!" sabi ko at tuluyang nanahimik nang naramdaman ang isang patak ng kanyang halik sa sintido ko.
We're in the center of their field. Daanan nang mga nagsasaka itong dinadaanan namin at puro sugar cane ang magkabilang gilid. The view is so green. Presko rin ang hangin na sumasalubong sa'min. It's very relaxing only if I'm not on top of this horse.
Halos lahat din ng nadadaanan naming nagsasaka ay ngumingiti bilang pagbati. Sinusubukan kong suklian ang mga 'yon kahit kinakabahan dahil sa bilis ng patakbo namin.
Nang matapos kami sa mahabang taniman nila Lucian akala ko babalik na kami pero lumiko siya hanggang makarating kami sa pataas na bahagi ng lupa. We're now riding into grass. Mas dumami na rin ang nakikita kong tao. Bumagal na rin ang patakbo ni Lucian.
"Are we in their village?" tanong ko sa likod.
Kung kanina ay puro sugar cane ang nasa paligid ko, ngayon naman ay puro concrete bahay kubo na pare-pareho ang disenyo. It's all single attached and has a fixed amount of space in between. From my view, the bahay kubo looks endless. Napakarami at sunod sunod hanggang sa kaya matanaw ng mga mata ko.
"I'll introduce you to them," ani ni Lucian at tinigil ang kabayo.
Kumunot ang noo ko at hindi na nakapag tanong nang bumaba na siya sa kabayo. Nagpaalalay nalang din ako pababa. Lumapit agad sa amin ang mga bata pati na rin ang mga tingin ko'y magulang nila.
"Lucian! Buti napadaan ka!" sabi noong lalaking may malaking sombrero sa ulo.
Napapalibutan nila kami. Kunot noo ang karamihan habang tumitingin sa'kin pero kapag nakakasalubong ko ang tingin ay ngumingiti naman. Ngumingiti naman ako at yumuyuko ng kaunti bilang bati.
I'm too overwhelmed to talk! At medyo kinakabahan din dahil hindi ko sigurado kung anong iniisip nila sa'kin.
"Bumibisita lang, mang Bert." si Lucian at hinawakan ang kamay ko.
Hinawak ko naman ang isa kong kamay sa braso niyang nakahawak sa isa kong kamay. Patuloy na bumabati sa mga nakapalibot.
"Nobya mo ba 'tong magandang babaeng kasama mo?"
Napatingin ako roon sa nagsalita dahil napansin ako. Iyong tinatawag ni Lucian na mang Bert. Ngumiti ako roon at tinignan si Lucian.
Lucian chuckled. "Opo... si Eiddwen. Girlfriend ko." pakilala niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomanceEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...