SURVIVE
Pupungas-pungas ako sa upuan kahit maingay at sari-saring boses ang naririnig ko sa paligid. I should've slept early last night! Sinabi ko na iyon sa sarili ko, e! Lucian even reminded me to sleep early. Pero hindi ko kinaya. My body clock is too adjusted to Christmas vacation. Kahit anong ikot ko kagabi sa kama ay hindi ko kinaya matulog ng maaga!
I yawned for the nth time while stretching my arms. Naantala lang noong may pabagsak na naglapag ng bag sa tabi ko at tamad din na umupo. Nabitin sa ere ang hikab ko at gulat na tumingin kay Kyla na mukhang wala rin tulog at papikit pikit pa ang mga mata habang nakapalumbaba.
"Nahirapan ka rin matulog?" tanong ko.
Habang malayo ang tingin ay biglang namula ang pisngi ni Kyla at napatanggal sa pangangalumbaba nang bumaling sa'kin.
"H-huh?" aniya at napapikit-pikit "Ah, oo. M-medyo hindi na kasi ako sanay..." medyo nahihiya siyang tumingin sa'kin. "... g-gumising ng maaga."
Kumunot naman ang noo ko.
"Anong nakain mo? May sakit ka ba?" ani ko at lumipad ang kamay sa noo niya. "Wala ka namang lagnat. Bakit parang kinakabahan ka riyan? Natatae ka ba?" mahina kong tinanong ang huli.
Umawang ang labi ni Kyla at tumingin sa may pinto bago muli bumaling sa'kin.
"A-anong kinakabahan? Hindi kaya!" aniya at tumaray bigla ang mukha. Tumingin pa siya sa paligid. "Bakit naman ako kakabahan..." hindi ko narinig ng buo dahil humina ang pagsasalita niya habang tumitingin sa paligid.
"Ano?" malakas naman ang boses ko.
Napatingin ulit sa'kin si Kyla.
"Wala. Ang sabi ko bakit naman ako kakabahan..." she shifted from her sit. "Bakit ba ako ang pinag uusapan natin, e, ikaw 'tong maraming ganap noong bakasyon, ah! Araw-araw ang landian ninyo ni Celetaria. Kita ko lahat sa ig stories mo." pagiiba niya ng topic.
"Grabe hindi naman araw-araw!" kontra ko at napaisip na medyo araw-araw nga.
Sumulyap si Kyla sa pinto nang narinig na may pumasok. Binalik niya agad sa'kin ang tingin.
"Oo 'no? Gabi-gabi lang?" pilosopo niyang sabi at naningkit ang mga mata. "Kaya ka siguro puyat na puyat ngayon. Saan kaya kayo galing? Hmm?"
Ako naman ang nag init ang pisngi. Hindi ako nakaimik agad. Bumilog naman ang bibig ni Kyla at tumango tango na parang nakarinig ng sagot sa'kin kahit hindi naman. Papabulaanan ko na sana ang madumi niyang pag iisip nang lumihis nanaman sa pintuan ang mata niya. This time, Kyla blushed before she looks away.
Dahil sa nakita sa reaksyon ng kaibigan ay napalingon din ako sa pintuan para makita kung sino ang pumasok. Napatuwid ako ng upo nang makita kung sino 'yon at sinundan pa ng tingin hanggang makalapit sa pwesto namin, pinoproseso ang mga makukulit na akusasyong tumatakbo sa utak ko.
Bumaling ako sa katabing si Kyla na nagsusulat na ngayon sa notebook.
"Good morning..." bati ni Von bago umupo sa harap na upuan ni Kyla.
Tumingin ulit ako kay Von. Lumingon naman siya sa'min pagkaupo. Well... kay Kyla lang pala. His smile grew while looking at Kyla who's busy scribbling something to her notebook. Tinagilid niya pa bahagya ang ulo niya para tignan kung ano ang sinusulat ni Kyla. Palipat lipat naman ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
"Good morning..." halos pabulong na bati ulit ni Von habang nakatingin kay Kyla. Sa ngiti niya ngayon ay aakalain mong siya ang papalit sa araw mamaya sa sobrang aliwalas.

BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomanceEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...