CONGRATULATIONS
Who's that man?
"Lucian! Buti nakapunta ka," bati ni lola doon sa bagong dating.
Lucian, huh. I mentally nodded.
Narinig kong nag paalam saglit si Jiarra sa amin para batiin ang mga lalaki kong pinsan. Hindi ko siya nilingon dahil nakatuon na ang atensyon ko sa bagong kita na lalaki.
I bit my lower lip as I observe the handsome stranger greet the elders. Pinapakilala siya ni lola kila mommy at halata sa mukha ni lola ang pagka-galak. Kahit sila mommy ay natutuwa. But wait! Don't tell me malayong pinsan namin 'yan?! I haven't seen him before. Sa ilang taon kong nag babakasyon dito hindi ko pa siya nakita, ngayon lang!
Sa dami kasi ng mga kapatid ni lola hindi na namin alam kung sino ba ang mga kapamilya namin. Paminsan kasi bigla nalang may susulpot tapos mag papakilala bilang tita, tito, or pinsan sa amin. Maraming beses nga tuwing may okasyon nag pupuntahan ang iba sa kanila tapos akala ko kaibigan lang ni mommy 'yon pala mga tita o tito ko na!
Pinilig ko ang ulo nang pumasok sa isip ang posibilidad na malayo namin siyang kamag anak. Sayang naman kung ganoon...
Sinundan ko si Lucian ng tingin habang nag lakad, patungo na ngayon sa malapit sa dining kung saan naroon ang mga lalaki kong pinsan.
"Eidd, I know that look." bulong ni Lira sa gilid ko.
Kunot noo ko siyang binigyan ng tingin.
"What look?" Tinanong ko pa rin kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin, at mabilis na binalik ang tingin sa newcomer.
"Lucian! Long time no see!" bati sa kanya ni Elliot.
They know him?!
Caleb also greeted him, with a manly body gesture.
O, shit! They really know him! But how?! Bakit ako hindi ko siya kilala?
Lira snapped her fingers in front of my face. Napatingin ulit ako sa kanya. Itinuro niya ang mga mata ko at halos maduling tuloy ako.
"That look." may diin sa pagkakasabi niya, tinaasan niya ako nang kilay at umiling na parang may gagawin nanaman akong hindi ka-aya-aya.
Nag ngiting aso naman si Ysa habang hinihintay kung ano ang gagawin ko. Tinawanan ko sila.
"Oh, please. Wala pa naman akong ginagawa." And besides, I don't even know if we're related.
"That's the point! Wala pa! Ysa, should we warn him?" Lira joked with a concerned voice.
Ngumiwi naman ako nang nagtawanan sila.
"Kilala niyo ba 'yan?" I asked.
Who knows, ako lang pala ang walang muwang dito. Lira's brothers looks very acquiatained with that Lucian.
"Nah. I'd probably remember him if he's been introduced to me. Ngayon ko lang siya nakita."
"Ako rin hindi ko kilala, pero ang guwapo ah! Pogi!"
Inismiran ko si Ysa dahil sa sinabi. Nasa tabi ko na siya dahil tinitignan din ang lalaking tinutukoy ko. Natawa siya nang makita ang ismid ko.
"Ay, territorial! H'wag kang mag alala, alam mo namang may iba-"
"Sira! Baka kasi kamag anak natin 'yan." putol ko.
"Huh?" napaisip din siya sa sinabi ko kaya pinasadahan ulit ng tingin ang lalaki. "Kaninong anak naman?"
"Sa part ni lola?" tanong din ni Lira.
"Only child si lolo eh, kaya kay lola lang talaga... sino ba ang mga kapatid ni lola?" bulong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Light In The Dark (Lacanienta Series #1)
RomanceEiddwen Luna Keh is a very obedient and understanding daughter. After graduating from senior high school, she has to live and continue her studies in her mother's province to keep herself away from her father's family. She's very selfless and willin...