Kabanata 18

116 5 0
                                    

LOVE


"Ano na? Sabi ko kasing gawin niyo na ang mga part niyo kagabi para ilalagay nalang natin ngayon sa power point! Mag sasagot pa tayong case, hoy! Puro kasi kayo chics, ang sarap niyo gawing manok!"

Pagkatapos namin mag usap ni lola noong sabado ay agad akong nagtungo sa mansyon ng mga Celetaria. Siguradong sigurado na ako noon. Handa na akong sumugal at umamin. Pero hindi sumangayon saakin ang pagkakataon.

"Ay, ma'am, wala ho si ser Lucian. Noong martes pa ng umaga sumakay sa helikopter." sabi sa'kin nang isang guard pagkatapos kong magtanong kung nasa loob ba ang hinahanap ko.

Kumunot ang noo ko. "Po? Saan daw po pupunta?"

"Walang sinabi, ma'am, e. Basta sinundo nalang siya noong helikopter."

"Alam niyo po ba kung kailan babalik?"

Bigo iyong umiling.

"Hindi ko rin ho alam... pero kung gusto niyo, itanong ko sa loob? Baka alam ni manang Edna. Sandali at tawagan ko-" pipindot na sana siya sa walkie talkie pero pinigilan ko.

"Ay, hindi na po kuya. Babalik nalang siguro ako." sabi ko at bigong umuwi.

And up until now I haven't seen him or even heard anything from him. Sinubukan kong tawagan siya pero walang sumagot sa'kin. I also tried texting him, but I got no reply. At h'wag niyo na rin ako simulan sa kaibigan niyang si Jim. Sakit sa ulo lang kaya ibigay sa'kin no'n.

"Basta ako tapos ko 'yung akin..." si Von at mayabang na tinignan ang dalawang kaibigan na pinag iinitan na ni Kyla ngayon.

Inilingan ko sila at tumingin nalang sa pabilog na lamesa, hindi kalayuan sa pwesto namin ngayon. Kasalukuyan kaming nasa patio nila Jillian. Maganda rin ang bahay nila at makikita mong may maibubuga sa buhay ang pamilya.

Dito namin naisipang tapusin ang paghahanda sa report namin para sa susunod na araw. Dito raw kasi talaga sila gumagawa ng mga ganito kapag mag groupings dahil bukod sa nasa gitna lang 'to ng mga bahay nila, mas mahirap daw ipagpaalam si Jillian sa mga magulang kaya sila nalang ang pumupunta.

"Bakit may mga baso roon? Lilipat ba tayo mamaya?" tanong ko sa katabing si Jillian at nginuso ang kabilang lamesa.

"Ah, hindi. Pupunta raw kasi ang mga kaibigan ni kuya. Biglaan. Diyan sila mamaya." sagot noon sa'kin.

Speaking of her brother, nakita ko na rin 'yon kanina. Magandang lalaki pero halatang masungit. Iyon ang lihim na hinahangaan ni Kyla mula dati, alam ko.

"O, tutal good boy ka naman sabi mo. Tulungan mo 'yang dalawang 'yan tapusin ang part nila para masimulan na natin ang power point!" utos ni Kyla kay Von. "Aaku akuin niyo kasi ang dalawang nasa unahang parte tapos hindi niyo pala kayang tapusin sa tamang oras!"

"Sorry na nga, ito naman! Maupo ka muna madame Kyla. Bigyan mo kami ng twenty minutes tapos na namin 'to, promise!" si Bryan habang tutok na tutok sa sariling laptop.

Nanlalaki naman ang mata ni Luis at binalingan si Bryan. Halos pagpawisan na nga, dahil siguro wala pang nasisimulan.

"May problema tayo riyan, Luis?" napansin siya ni Kyla.

"Ah wala! Kayang kaya namin 'to tapusin! Inom ka muna juice, o. Von, bigyan mo nang juice! Bilis!"

Habang hinihintay ang dalawa na matapos, hinarap ko nalang rin ang macbook na dala para gawin na ang layout ng power point namin. Naiplano ko naman na kung ano ang mga ilalagay kaya alam ko na kung ilang slides ang gagawin. Para mamaya ay puro input nalang kami ng mga parts ng report namin.

Light In The Dark (Lacanienta Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon