Kabanata 14

99 6 1
                                    

KUWARTO


"B-Bakit mo sinubo?!" gulat kong tanong kay Lucian.

His eyes were on me while he's slowly removing his mouth from my fork. Hawak ko pa rin iyon at hinintay muna siyang matapos kunin ang laman noon na cake. Napapikit pikit ako habang pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa hawak kong tinidor.

This was one of my normal days after school. Nasa mansyon ako ng mga Celetaria at nakikitambay habang nag aaral. Kaharap ni Lucian ang laptop at iilang papeles sa mesa pagkadating ko at gaya sa palaging nangyayari, dumidiretso naman ako sa sofa at ginagawa ang mga pinabaon na gawain mula school.

Though there are times that my schedule is free, nagbabasa naman ako ng libro kapag ganoon. Lumalapit naman sa akin si Lucian pagkalipas ng ilang minuto dahil tapos na daw siya sa gawain niya.

Sa araw na ito ay mas mabilis siyang natapos sa gawain niya at ako naman ang hinintay niya matapos sa mga gawain ko. Hindi pa ako tapos sa mga ginagawa pero siya na mismo ang nag baba ng mga papel na nag papahilo sa akin kakabasa, para kumain ng meryenda.

Lucian shrugged at my question. His mouth is close while chewing the chocolate cake he got from my fork. One side of his lips were turned up and I don't know what's that for! Maybe to annoy me more?

"You asked me to," he said and put one of his arms on the backseat of the sofa.

Yes! I was ordering him to open his mouth while wiggling my fork like an airplane! But I wasn't serious! Tumatawa nga ako at halatang nanunuya lang habang winawagayway sa harap niya iyong hawak ko! At akala ko... hindi niya talaga isusubo!

Hinampas ko ang hita niyang katabi noong akin. Their sofa in the library is big but whenever he sits next to me, expect that there'll be no space between us. Hindi ko alam kung trip niya lang talaga umupo sa bandang gitna at nasasaktohang wala talagang maiiwang puwang sa gitna naming o ano. Hindi naman ako nagrereklamo at lumalayo dahil kumportable naman ako. I'm starting to hate space actually, dahil noong minsang malayo siya ng upo sa akin ay ako pa mismo ang umusog para makatabi.

"I was kidding!" sabi ko.

He snorted then looked at me, almost scowling.

"And I'm not." sagot niya naman.

Napairap nalang ako sa magandang kisame ng library. I know where this conversation will lead us. Sasagot ako tapos mababara sa huli. Kaya bakit ko pa papaabutin doon?

Instead, I made a face.

"Whatever," I said and scooped again a cake.

This time, sa sariling bibig ko na sinubo iyon. I can feel Lucian's stare while I'm chewing. Tinignan ko siya at naabutan ang ngisi sa labi. Nag taas ako ng kilay. Umiling naman siya at dinampot ang baso sa lamesa sa harap para uminom.

Hindi ko alam kung bakit pero napaka bilis ng araw sa probinsyang ito. Lumilipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Ang alam ko lang, kapag sumasapit na ang gabi ay gusto ko agad mag umaga para magawa ang mga gusto kong gawin at makapunta sa mga gusto kong puntahan. Kahit nga ang dapat na pag a-adjust ay parang hindi ko naman din napag daanan.

My days passed like an hour, my weeks passed like a day, and my months passed like a week. Madalas nagugulat na lang ako na ibang buwan na pala ang kailangan kong isulat sa papel kapag nag papa-quiz ang mga prof ko. Paminsan naman tuwing nakakausap ko ang mga malalayong pinsan 'tsaka lang ako napapaalalahanan kung anong month na dahil sa mga birthdays nila.

Months flew with me doing my usual routine. Kahit isang beses ay hindi ko nagawang umabsent sa school. Wala ring palya ang pagpunta ko sa mansyon pagkauwian. I don't actually know what's driving me, but I'm always inspired to go to Celetaria's mansion every after school. Siguro dahil mas nakakagana mag aral doon sa library nila? And their wifi is faster compared to lola's house kaya mas mabilis kong nahahanap ang mga dapat hanapin sa internet.

Light In The Dark (Lacanienta Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon