Kabanata 34

130 5 7
                                    

MISSED


Simula noong binaba ko ang tawag kay Terrence bumigat na lalo ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako dahil alam kong problema iyong sasabihin niya. At sigurado akong malaking problema dahil nataranta siyang lumipad papunta rito sa probinsya para lang mapag usapan namin iyon. Ano nanaman bang pinaplano ng pamilya namin?

Bumagabag sa'kin iyon buong hapon. Gustuhin ko mang umuwi agad para matapos na ang pag iisip, hindi ko naman pwede iwan si Zoe habang wala pa ang mga magulang niya. Buti nalang nalilibang ako kay Zoe kaya nakakatawa ako kahit sobra na ang pangamba sa loob ko.

Lucian became extra distant with me after that call. Hindi niya na ako sinubukang kausapin muli pagkababa ko ng tawag. He suddenly became cold as ice. Si Callie naman ay ganoon din. Hindi na masyado maingay at hindi ko na rin narinig ang mga malanding paghagikgik niya. Halos boses na nga lang namin dalawa ni Zoe ang naririnig ko.

Panay naman ang text sa'kin ni Terrence para tanungin kung nasaan na ako dahil ginigisa na raw siya ni lola at mommy sa bahay ng mga tanong. Buti nalang pagkadilim ng langit dumating na rin sila kuya Kean at Jiarra. Sinabay nila ako sa pag uwi.

Hindi nag paalam sa'kin pareho sila Lucian at Callie. Basta isang madilim na tingin lang ang ginawad sa'kin ni Lucian bago ako pumasok ng sasakyan, pagkatapos no'n dire-diretso na siyang pumasok sa mansyon.

Hindi naman ako mapakali habang nasa byahe, iniisip ang maaaring sabihin ni Terrence. Binilinan ko siyang h'wag sasabihin kila mommy ang tunay niyang sadya rito. I don't want to worry my mother again. Ayaw kong mag alala muli ang pamilya ko sa'kin. Ilang taon ko na silang pinag alala para sa buhay na tatahakin ko. I don't know if it helps that I made it clear to my parents that I'll only marry for love. Sigurado akong alam iyon ng buong pamilya ko dahil nasabi ni mommy. Kapag nalaman nilang patuloy ko pa rin palang hinaharap 'to ng walang solusyon, mag aalala muli sila. 

"What?!" madiin kong bulong kay Terrence pagkatapos niya sabihin ang binabalak ng pamilya namin.

Hinatak ko siya agad sa guestroom na binigay sa kanya ni lola pagkadating ko ng bahay. Kanina pa ako nag titimpi na marinig sa kanya ang problema namin kaya pagkabati kila lola at mommy, hinila ko na siya paakyat. Hinayaan naman kami nila lola mommy kahit na medyo alangan ang mga mukha.

"Narinig ko sila habang nag la-lunch sa bahay. Your ahma and tita Racquel was there with my parents. Balak talaga nila pagsabayin ang Ting Hun at wedding natin pati ng kapatid ko. Hindi nila alam na nandoon ako kaya siguro nila napag usapan. Balak yata nilang biglain tayo, buti nalang talaga umuwi ako kanina."

"But that's sukob! Anong gagawin natin, Troy?!" natataranta na ako.

Nagkibit balikat naman siya at sinandal ang sarili sa kama na parang pagod na pagod. "Kaya nga ako nandito para mapag planuhan natin. Next next week na naka schedule ang Ting Hun, nakita ko sa invitation. One of this days tatawagan na nila tayo para roon kaya dapat makagawa na tayo ng paraan kung paano sasabihin sa kanila na walang kasal na mangyayari sa'tin."

But doing that won't be easy! Kung madali iyon nagawa ko na ilang taon ng nakakalipas at hindi na hinayaang umabot ng limang taon!

Dinungaw muli ako ni Terrence nang hindi ako nagsalita. He tilted his head. "You know what? Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa kanya para wala ka ng problema?"

"What do you mean?"

"Eiddwen we could've ended this engagement years ago but we didn't. Alam natin pareho ang rason ng isa't isa. Ako, nakapag ipon na ako dahil lumago ang mga investment ko. My parents can't blackmail me again from taking everything they own from me if I didn't participate. I now have my own money. Ikaw, nakasal na ang mga magulang mo noon. Pati si Marel nakasal na. Kung tutuusin noong nawala ang daddy mo pwede ka na kumalas... pero hindi mo ginawa," aniya. "We both know you could've ended this years ago but you didn't... because of Racquel's threat."

Light In The Dark (Lacanienta Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon