Chapter 10 - 3 FriendsNAGISING AKO SA isang kwarto na hindi pamilyar na silid. Nasapo ko agad ang puso ko nandon pa din ang pakiramdam na mabigat ito pero medyu kalmado na ito..
Naigala ko ang mata ko sa silid at natandaan ko ang nangyari sa akin sa lintik na Maze na iyun.
Tsk halos mamatay na ako nung gabi na yun paano pa ako nakapunta dito? Sino nagdala sa akin dito?
At anong nangyare kagabi matapos kong manghinalo at maghabol ng hininga?..Flashback....
Nagising ako ng maramdaman ko ang pananakit ng dib-dib ko. Nasapo ko agad ito at pilit na humihinga ng malalim pero parang mawawalan na ako ng hininga..
Makailang beses akong huminga ng malalim para mapanatag ang puso ko pero msyadong masakit at parang pinipiga.. Napapaungol na rin ako sa sakit at di ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na iyun. Pinigilan ko ang sarili kong humikbi o umiyak dahil baka madagdagan ang nararamdaman ko. Huli ko itong naramdaman noong isinugod ako sa hospital nila lola at kuya Henry.. Tapos ngayon nararamdaman ko nanaman ang kakaibang sakit..
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid at nakaramdam ako ng parang yabag ng tao. Ganun na lamang ang gulat ko ng may kabilqng parte ng karne ng hayop ang bumagsak sa paanan ko. Pumikit ako at pilit na pinipigilan ang sarili ko sa pagkakatakot at pagkagulat. Matapos nun ay sunod-sunod na mga karne na ang nahulog at nakaramdam ako ng kaba dahil baka makita ako ng isa sa mga ahas dun lalo na at natalsikan ako ng kakaunting dugo mula sa karne ng hayop na nandon sa paanan ko.
Umupo ako at lakas loob na gumapang at ng makaalis ako dun medyu malayo ay napahinga ako ng ilang beses.
Sapo ko ang dib-dib ko at nakarinig ng sunod na mga ingay na para bang takam na takam sa pagkain ng karneng nandon.
Mga hayop....Mga demonyo ang kinalakihan kong tao.. Hindi ko siya nanay at lalong hindi ko siya tatay gayo'y ito ang nararanasan ko sa kamay nila. Unti-unti nila akong pinapatay dapat kasi tinuluyan na nila.
Wag silang mag-alala kasi magkikita kami nila lola at kuya sa langit...
Huling paghihirap to..........
Pinapangako kong huling paghihirap ko na ito........
Patawad lola kapag naisakamay nila ang lahat ng pag-aari mo........
Pero hindi ako papayag na mapasakamay nila yun hanggat wala akong sinasabi at pinipirmahang papel na inililipat ko sa kanila ang lahat... At nasisigurado kong matagal na panahon bagu pa iyun mangyari....
Mga hangal...... Higit pa sa demonyo........
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko iyun...
May mga messages pero matagal pa bagu ko mabasa kasi napakahina ng signal doon. Dahil siguro kanina sa pagbukas ay nanatiling nakabukas ang data ng phone ko...
Nagtype agad ako ng message....Inaninag ko sa screen ng cellphone ko ang send na nandon kasu bagu ko pa mapindot ay namatay ang lahat ng ilaw na nandon..
At naririnig ko mula sa kinauupuan ko ang huni ng mga ahas na parang papalapit sa akin. Lalong nadagdagan ang sakit ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko...
H-hindi ko na k-kaya............
Halos mapugto na ang hininga ko at ng maramdaman ko ang vibrate ulit ng cellphone ko ay hinayaan ko iyun. Delikado lalo na at madilim ang buong lugar kapag makita ng ahas na may ilaw ay baka makita nila ako.
Halo-halo ang nararamdaman ko ng mga oras na iyun..
Takot, Galit,Kaba,Lungkot, at ang panghihina nakakadagdag pa ang alala ko sa puso ko...sa sitwasyon ng puso ko.....Kung sa ganitong paraan ako gusto mamatay ng diyos ay buong puso ko itong tatanggapin... Ayos lang sa akin ang mahalaga ay naranasan ko ang mabubay sa buong 18 taon na iyun.. Kahit na ang ilang taon na iyun ay nasa hospital ako at pabalik-balik..
Ng mamarinig ako ng katahimikan ay unti kong iminulat ang tingin ko sa paligid. Nandiyan nanaman ang pakiramdam na parang nagmamasid sa akin sa dilim..
Naiyak ako sa sarili ko....naaawa sa kalagayan ko.... Gusto ko ng matapos lahat ng ito...
Masabuting sa kagubatan o sa maisan at sa kuweba nalang ako ipinaligaw pero sa kadahilanang alam na nila na alam ko na ang pasikot-sikot sa kuweba at gubat ay nalaman nilang bukod sa malawak na kagubatan na pag-aari ni Pat.Igniyu. ay meron itong maze at dito nila ako inilagay.
Gusto kong magtanong bakit sila ganun? Bakit nila ako ginaganito?
YOU ARE READING
LEVITIN'S SERIES #1 : STRANGER'S SHARING SURNAME
Random[Random Story] Herschen Rexile Levitin is known for being afraid of dark and especially on toys. Not just a toy but a teddy clown toy. Wanna know why she's afraid of those? Is she going to accept the reasons why her family is like that towards to he...