Strawberry Loves Banana: Chapter 10

585 14 5
                                    

Na-shock ako sa aking nakikita. Isang malaki at kalawanging tren ang paparating. Tila nawala sa isip ko na dadaan ito sa riles kung saan ako nakatayo ngayon. Natulala ako.

Naialis na rin ang trolly na iyon sa riles pero nanatili akong nakatayo doon. Naririnig kong maraming sumisigaw. Parang tinatawag ako. Papalapit na ng papalapit ang tren na iyon sa aking kinatatayuan. Pero nanigas ako't hindi makakilos.

Isang kamay ang humila sa akin bago pa ako tuluyang masagasaan ng tren na iyon na mabilis ang pagtakbo. Si Jov iyon. Napasubsob ako sa kanyang katawan na nakasandal sa isang sementadong pader. Nagkaharap ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga paningin. Kasabay ang pag-ihip nh maalikabok na hangin at maingay na pagdaan ng tren na iyon ay ang kanyang pagbulong na hindi ko narinig at naintindihan. Ang paggalaw lamang ng kanyang mga labi ang aking napansin.

Nang tuluyan nang lumagpas sa aming kinalulugaran ang sasakyang iyon ay hindi pa rin naputol ang aming pagtititigan. Saka ko lang namalayan na ang aming kinatatayuan ay isang maduming pusali. Napasigaw ako.

[A/N: "pusali" is like kanal yata? hahahaha, parang ganun.]

"Pasensya na, Ms. Serene. Hindi ko napansing may pusali pala banda rito."

Nakakadiri. Gusto kong magsisisigaw ng mas malakas dahil sa sobrang pandidiri. Iniiwasan kong makapitan ng kahit kapirasong dumi sa aking katawan noon pa man pero heto ngayon at nakapitan ng putik ng maduming kanal ang aking makinis at maputing paa. Pero nang nanghingi ng "sorry" si  Jov sa akin ay natigilan ako sa pandidiri. Biglang natabunan ng mas mabuting ginawa niya ang pangit na nangyari sa aking paa. Iniligtas niya ang buhay ko at iyon ang pinakamahalaga. Paliliguan ko na lang ng germicidal soap at alcohol ang aking paa mamaya.

Dinukot ni Jov ang kanyang panyo at pinunasan ang aking mga paa. Hindi ito tuluyang nalinis ngunit nabawasan naman ang pangigitim.

Muli na kaming naupo at umandar na ang sasakyang iyon. Hindi ko na pinansin ang dumi sa aking mga paa ngunit nakakaramdam na ako ng pangangati.

Ilang saglit pa ay huminto na iyon. Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe. Matapos ay naglakad na kami. Isang kanto lang mula roon ang street kung saan sila naninirahan. Sa isang kalyeng maraming tao kami lumiko. Puro iskwater din doon. Maingay, magulo at mabaho ang paligid. Maraming walang pang-itaas na kalalakihan na naka-stand by sa harap ng ilang mga tindahan. Marami ding batang naglalaro sa kalsada. Maraming tumpok ng mga kababaihang nag-uusap.

Sa isang eskinita pumasok si Jov. Isang masikip na daanan.

"Dito, Ms. Serene."

Napilitan na lang akong sumunod kahit nag-aalangang pumasok sa makitid at maputik na daanang iyon. Marami ding taong dumadaan at makakasalubong Umiwas man ako'y nadidikit pa rin ako sa kanilang mababahong katawan. Pero tiniis ko na lang.

Sa isang maliit na bahay sa bandang dulo ng eskinitang iyon kumatok si Jov.

"Inay, nandito na po kami."

Isang payat na babae ang nagbukas ng pintong iyon. Nakadaster lang ito at walang ayos ang buhok. Nakangiti itong bumati sa akin.

"Good morning po, Ms. Serene. Tuloy po kayo."

 Nilingon ako ni Jov at hinawakan ang aking kamay. Hinila na niya akong papasok sa bahay na iyon.

May kadiliman ang loob. Amoy kulob din at mainit. Gawa lang ito sa kahot at yero. Magulo ang kusina lalo na ang lababo. Pinaupo ako ni Jov sa isang silya doon na gawa sa kahoy. Pinunasan niya muna iyon ng isang basahang galing sa kung saan saka ako naupo. Iwas naman akong mapadikit sa iba pang muebles doon. Patuloy ang paglinga ko sa kabuuan ng bahay.

"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ha. Maliit lang."

"O-Okay lang po...." sagot kong nakangiti.

"Ms. Serene. Dito ka lang muna ha. Bibili akong softdrinks." paalam ni Jov.

Tatanggi sana ako ngunit mabilis ang paglakad nito palabas ng bahay.

Mula sa isang kwarto ay lumabas ang isang matandang lalaki na nakasuot ng makapal na salamin at may hawak na tungkod.

"Ito na ba ang aking magiging manugang, Jose Vergel? Nasaan na ba ang batang iyon, Esther?"

Manugang? Magiging manugang? Ano nga ba ang ibig sabihin ng manugang? Ano kaya ang ibig sabihin ng matandang ito?

Naupo ang matanda sa aking tabi. Tinitigan ako nito. Napangiti na lang ako.

"Aba, kay gandang bata, ah. Parang artista sa telebisyon," sunod niyang sambit habang inaaninag ang aking mukha.

"Hay naku, itay. Hindi pa mag-aasawa si Jose Vergel. Bata pa 'yun. Marami pang pangarap sa buhay. Tumigil po sana kayo sa manu-manugang na yan. Nakakahiya kay Ms. Serene, eh." narinig kong tugon ni Mrs. Esther mula sa kusina.

Manugang? Pag-aasawa? So manugang means daughter-in-law siguro. Oh my god si Lolo. Bakit kaya niya nasabi iyon? Naikukwento siguro ako ni Jov dito. May gusto nga siguro talaga sa akin ang negrong iyon.

-------------------------------------------------------------------------

Hi!!! Sino katulad ni Ms. Serene? (at katulad ko) na may pagka-maarte sa katawan? Taas paa!! HAHAHAHA! Feeler, pero seryoso nga.

ANYWAYS, I'LL BE BACK AFTER A WEEK. Di muna ako makakapag-update :( SORRYYY.

Please do vote//comment :* Wait niyo ko haaa.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon