Strawberry Loves Banana: Chapter 11

553 15 4
                                    

Dumating na agad mula sa labas. May dala itong isang bote ng softdrinks at isang nakaplastik na pagkain.

"Hoy, Jose Vergel. Kagandang bata naman nitong nobya mo," bungad  ng matanda sa kanyang pagpasok.

"Si lolo talaga..."

"Itay, tumigil po kayo diyan. Nakakahiya kay Ms. Serene." sambit ng ina niya.

Agad siyang kumuha ng isang baso at isang mangkok. Isinalin niya ang laman ng plastik na iyon sa mangkok.

"Pansit?" tanong ko.

"Oo, Ms. Serene. Pagpasensyahan mo na lang ha."

Ngiti ang una kong tugon. "Okay lang. Mukha namang masarap, eh."

Binuksan na niya ang family-sized softdrinks at sinalinan niya ang baso. I don't drink soda pero nahihiya akong tumanggi. Nakakahiya kay Jov.

"Ah teka, nakalimutan ko ang tinidor." aniya sabay takbo patungo sa kusina at kumuha ng isang tinidor mula sa lalagyanan nito na nasa gitna ng kanilang tila inaanay nang hapag-kainan.

Iniabot iyon sa akin. Napatitig pa ako sa tinidor na iyon. Maayos kaya ang pagkakahugas ng tinidor na ito? Exposed ang lagayan nito at walang takip. Parang hindi ko yata makakayang gamitin ang tinidor na ito.

"Kain na, Ms. Serene. Masarap 'yan." sambit ni Jov.

Naputol ang pagtitig ko sa tinidor at napangiti sa kanya. Napilitan na akong sumubo. Ewan ko ba kung bakit pagdating kay Jov at nawawala ang pagiging maarte ko sa dumi at kahirapan.

"Naku, kelangan nga pala nating hugasan ang paa mo." sunod niyang sabi.

Saka ko lang naalala na nadumihan nga pala ang aking mga paa sa mabaho at maduming pusali sa riles kanina.

"Teka lang, Ms. Serene. Kukuha ako ng sabon at plangganitang may tubig."

Hindi na ako nakatanggi. Napasubo na ako ng pansit sa kanyang pag-alis sa harapan ko. Aba, masarap nga ha. Maikukumpara sa mga pansit na natikman ko sa mga mamahaling restaurant.

Dumating agad siya dala ang mga nabanggit niya kanina. Pinaangat niya ang mga paa ko at pinatuntong sa plangganitang iyon na may tubig.

"Dito na natin hugasan ang paa mo para hindi ka maistorbo sa pagkain mo."

Wala na akong nagawa kundi'y sumunod sa kanya. Pagkapatong ko doon ng aking paa ay inumpisahan niya agad ang paglilinis sa aking mga naputikang paa. Napapatingin ako't nahihiya sa kanyang ina at lolo. Nakangiti itong nanonood sa amin. Para tuloy gusto kong matunaw. >\\<

Gusto kong patigilin si Jov sa kanyang ginagawa. Gusto kong sipain siya dahil sa nararamdaman kong hiya. Pero hindi ko magawa. Hindi ko mailabas ang totoo kong ugali. Hindi ko makuhang mainis, magalit o mag-inarte at magyabang sa mga oras na iyon. May kung anong elementong pumipigil sa akin. Marahil ay ang pagkagusto ko kay Jov.

Halos maubos ko ang pansit na iyon habang pinapanood siya sa paglilinis ng aking paa. Sa kanyang mukha ako nakatitig. Kinikilig ako. Para niya akong sinasamba. Kulang na lang ay aminin niya na rin sa akin ang totoong nararamdaman niya para sa akin. Naghihintay ako ng pag-amin. Nagpapantasya. Natutuwa.

Maya-maya pa'y nagpaalam na siya sa kanyang ina at lolo. Nagpaalam na rin ako.

------------------------------------------

Maikli? :((( SORRY! Nawala ako for 2weeks! SORRY, kung hindi nakapag-UD. Sobrang busy kasi sa school </3 Babawi talaga ako. Promise!!

Do VOTE/COMMENT if you like!

Abangan ang mga susunod na chapters >:) HAHA 

<3

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon