Strawberry Loves Banana: Prologue

2.9K 43 20
                                    

Characters:

Serene Luna

Jose Vergel Del Rosario

Mitchie Uytengco

Luezha Noyles

Helena White

____________________________________________

 PROLOGUE

"Yaya #18!!" Malakas kong sigaw habang nakaupo sa harap ng aking hugis pusong dresser na mas mataas pa sa akin.

Nagmamadali namang dumating ang katulong na tinawag ko. Hinihingal pa siya't nanginginig.

"Yes senyorita?" utal niyang tanong sa akin.

"Where's my pink glass sandals?!" Galit kong tanong sa kanya. "I can't find it. Where did you put it na naman ba?" Nayayamot kong sunod na tanong.

"Nandito ko lang po siya inilagay po, eh" nanginginig na sagot niya sabay pasok sa kwarto ng sapatos at sandals ko.

"Faster!!"

"Nandito po lang po iyon, eh. Bakit po kaya nawala po dito po?" nag-aalala at natatakot na sambit ng katulong habang naghahanap.

"Stupid!!"

"Sorry po, senyorita. Hahanapin ko po sa iba po."

"Yaya #12!!!!" muli kong sigaw.

Dumating naman ang isa pang katulong na halata rin sa mukha ang takot.

"Yes, senyorita?"

"Alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa sa mga idiot, di ba?"

"Yes, senyorita."

"Yaya #18, lumabas ka na diyan."

"Pero dito ko lang po 'yun nilagay, senyorita," sambit niya na nasa loob pa rin ng shoes and sandals room.

"I said, lumabas ka na dito!!!" pasigaw kong utos.

Agad namang lumabas ang katulong na hindi matigil sa panginginig.

Sinenyasan ko ang isa pang katulong at mabilis niyang sinabunutan si yaya #18. Hindi naman lumalaban ang katulong at hindi rin sumisigaw. Pinipigil nito ang sarili na mapa-aray. Dahil iyon ang utos ko. Iyon ang gusto ko. Iyon ang batas ko. I'm the queen of this mansion. Ako ang masusunod.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon