Strawberry Loves Banana: Chapter 9

649 14 7
                                    

Less than an hour ay natapos din agad ang kanilang practice game. The boys went to the CR to take a bath. Kami naman at naiwan sa audience area. Sina Mitchie at Luezha, heto nagre-retouch. Parang pinaghahandaan ang muling paglabas ng mga boys.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang mga varsity. Bihis na ang mga ito. Nakita kong lumakad palapit sa kinauupuan namin si Jov.

"Are you free tomorrow?" bungad niyang tanong kasabay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"I think we better go na, sis."

"Yah, baka makaistorbo kami, eh." sambit ng dalawa.

Hindi naman ako nakaimik. Sinasalo ko ang aking mga mata ang pagtitig ni Jov sa akin. Namalayan ko naman ang pag-alis ng dalawa. Jov sat beside me.

"Tomorrow?" tanong ko.

"Yah, tomorrow."

Weekend na bukas at walang pasok. Bakit kaya niya tinatanong kung free ako bukas? Idi-date niya kaya ako?

"Yah. Why?"

"Yayain sana kita eh. Kung okay lang sa'yo."

"Saan?" tanong ko.

"Sa amin. Sa bahay."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Niyaya niya akong pumunta sa kanilang bahay? Para ano? Oh my god. Ipapakilala niya agad ako sa pamilya niya? Gusto nga yata talaga niya ako.

Pumayag ako. Wala akong maisip na dahilan para tumanggi. Pwede ring sarado ang isip ko sa mga negatibong bagay na maaaring mangyari sa pagsama ko sa kanya sa bahay nila dahil nangingibabaw ang tuwa at kilig sa aking dibdib.

--

Alas-onse ng umaga sa gate ng Luna High. Doon kami magkikita at sabay kaming tutungo sa kanilang bahay. Sakay ng aking helicopter ay nagtungo na ako doon, alas-nuebe pa lang.

I will consider it as our first date kaya kailangang maging maayos ang lahat. My very first date. I never had a date before. Lahat kasi ng lalaking nanliligaw sa akin, kahit mayaman ay kino-consider kong mga rat, mga hampaslupa, lower than my feet. Yes, karamihan ay gwapo, pero hindi ko nakitaan ng dating na katulad ng nararamdaman ko sa negrong si Jov. Mga walang appeal para sa akin. O sadyang tumibok lang talaga ang puso ko sa Scholar Rat na ito.

I watched a movie sa chopper ko while waiting for him. Pero ilang minuto lang ay dumating na siya.

"Hi." nakangiti niyang bungad. Nahinto tuloy ako sa panonood at bumaba sa chopper na iyon.

"Hi," bati ko. "So, let's go na?" aya ko sa kanya sabay lakad ko paakyat muli sa chopper.

"Wait!" sambit niya sabay hawak sa kamay ko. Napalakad ako pabalik.

"Why?"

"Sasakay tayo sa helicopter mo?"

"Yah, ituro mo na lang sa pilot ko at doon tayo lalapag."

"Hindi na, Ms. Serene. Mag-commute na lang tayo."

"Ha?!!" gulat ko.

"Wala kasing bakanteng lote roon o rooftop na maaari nating landing-an. Mag-commute na lang tayong dalawa papunta doon."

Hindi na ako tumanggi. Baka hindi pa matuloy ang pagpunta namin sa kanila. Baka maudlot ang pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya. Hindi na niya binitawan ang aking kamay. Tila nanghina na ako't naging handa na sa kung saan man niya ako dalhin. I just grabed my bag and let him whisk me away.

"Diyan tayo sasakay?" tanong ko nang makitang pumapara siya ng jeep sa may kanto.

"Oo, isang sakay lang tayo ng jeep at isang trolly at naroon na tayo sa amin."

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon