Strawberry Loves Banana: Chapter 3

878 17 3
                                    

"I want the old seats of Mitchie and Luezha, Ma'am." request ko kay Mrs. Minami.

"Oh, okay. Wait, miss." Nagmamadaling kinuha ng guro ang kanyang record at tinawag ang pangalan ng estudyanteng nakaupo sa mga silyang tinutukoy ko. Pinaalis niya ang mga ito roon at pinaupo sa ibang silya. Dumating na rin ang janitor na nagbuhat ng aking pink personalized school chair.

"Nag-alcohol ka ba Mr. Janitor bago mo hinawakan 'yang chair ko?" nakangiwi kong tanong sa nagbuhat.

"Opo, Miss Serene." sagot niya.

"Okay, you may go back to your dirty world. Shuuuu!!" pagtaboy ko sa janitor after niyang ilagay sa tabi ng magiging upuan ng aking mga sidekick ang aking pretty chair.

After that, parang ramp model kaming naglakad patungo sa aking requested seats. Kahanay iyon ng upuan kung saan nakaupo si Scholar Rat.

Nauna nang umupo sina Luezha at Mitchie. Tumigil muna ako sa tapat ni Scholar Rat at tinitigan siya habang ako'y maangas na nakangiti. Nakatingin din siya sa akin. May tipid na ngiti sa labi.

Pinalobo ko ang nginunguya kong bubble gum at sinadyang paputukin malapit sa kanyang mukha. Wala namang reaksyon ang binatang iyon. Bahagya pa rin siyang nakangiti sa akin.

"What's his name, again, sis?" tanong ko kina Mitchie ngunit hindi ko inaalisan ng tingin si Scholar Rat.

"His name is Jov, sis." sabay na sagot ng dalawa kong sidekick.

"I don't need the nickname."

Tumayo si Scholar Rat at siya na ang mismong nagpakilala sa kanyang sarili. Iniabot na naman niya ang kanyang kamay sa akin.

"Jose Vergel Del Rosario. Jov for short. Jo from Jose and the letter V from Vergel. Nice to meet you, miss..."

What a name. Kinda stinky. Tunog mahirap nga. Tiningnan ko muna ang medyo magaspang at malaki niyang kamay. I noticed some kalyos on his palm and fingers. It's a big big ewwwrrr.

"Hindi ako nakikipagkamay sa hindi ko ka-level. But... nice to meet you too," mataray kong tugon at tuluyan na akong naupo.

Isang beses ko pang sinulyapan si Scholar Rat bago ko binigay ang hudyat sa guro upang magpatuloy sa pagtuturo. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang gusto akong kainin. I just ignored him, pero nako-conscious ako sa mga tingin niyang iyon. Inisip ko tuloy bigla kung gaano ako ka-blooming ngayong araw na ito.

While doing an experiment ay may tinanong si Mrs. Minami na related sa aming ginagawa. No one was raising their hands except the Scholar Rat.

"Yes, Jov?"

"The isomeric shift on atomic spectral ines is the energy or frequency shift in atomic spectra, which occurs when one replaces one nuclear isomer by another. The effect was predicted by Richard M. Weiner in 1956 whose calculations showed that it should be measurable by atomic or optical spectroscopy. It was observed experimentally for the first time in 1958. The theory of the atomic isomeric shift developes in is also used in the interpretation of the Mössbauer isomeric shift," tugon ng binata sa nakakalokang katanungan ng elepante naming guro.

"And what is Mössbauer isomeric shift?"

"The Mössbauer isomeric shift is the shift seen in gamma ray spectroscopy when one compares two different nuclear isomeric states in two different physical, chemical or biological environments, and is due to the combined effect of the recoil-free Mössbauer transition between the two nuclear isomeric states and the transition between two atomic states in those two environment," sagot ni Jov.

"Very good, Jose Vergel." nakangiting sabi ng mukhang tangke naming teacher.

Aba, promising ha. Scholar talagang matatawag ang lalaking ito. Palagi yatang sa aklat nakababad ang mga mata niya. Ako man ay hindi masasagot ang tanong na iyon ni Mrs. Minami. Wala iyon sa ginagamit namin aklat sa physics. Well, maybe nandoon at hindi ko lang alam. I hate Physics.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon