Strawberry Loves Banana: Chapter 2

1K 15 2
                                    

"Miss... S-Sorry.", sambit niya.

Hindi naman ako nakaimik. Tulala akong nakatingala sa kanya. para akong nakakita ng pinakamagandang chandelier na nasa kisame. Yes, I heard he apologized pero mas napansin ko ang paggalaw ng mga lips niya habang nagsasalita siya. Parang slow motion at umuulit-ulit sa paningin ko ang mga sandaling iyon. At mapula at kissable lips niyang akala mo'y naka-lipstick. It was like a shiny red apple. Kay sarap kagatin.

Pero ilang segundo lang ang pantansya kong iyon at agad akong natauhan. Naalala kong maraming tao sa paligid. Mga student at teacher na nakuha ang atensyon dahil sa bungguan naming iyon at pagkakabagsak ko sa sahig. Hindi ako dapat magmukhang katawa-tawa sa kanilang lahat. Ako ang reyna. I should be the one laughing.

I stood up at pinagpag ang aking damit. Salubong ang kilay na tiningnan ko siyang muli. He apologized one more time at iniabot niya sa akin ang kanyang kamay.

Sorry? At makikipagkamay? Ano sa akala ng lalaking ito, ganun ako kadaling magpatawad? Tinampal ko ang kanyang kamay at sinampal siya ng malakas sa mukha.

"Who the hell are you to block my way?!"

"Sorry talaga, Miss. Hindi ko sinasadya." he said na hindi napuputol ang mga tingin sa akin. Ni hindi nga gumalaw ang ulo nito sa malakas kong pagsampal sa kanya.

"I don't accept verbal apologies. You should kneel down and kiss my feet," utos ko.

Yumuko siya at tiningnan ang aking paa. Hindi naman ako nahiyang ipakita iyon dahil makinis pa iyon sa kanyang pagmumukha. Regular ang pagpapa-footspa ko at pinaliliguan ko ito ng pinakamahal na lotion everyday. Inihakbang ko paabante ang isa kong paa upang makita niya ang buong-buo kung gaano ito kaganda.

From my feet ay tumingin siya uli sa mukha ko.

"What?!!" nako-conscious kong tanong. Iba kasi siya kung makatingin. Parang nang-aakit. Parang nanghuhubad. Pero.... hindi naman nakakairita.

"Kung iyan ang gusto mong gawin ko just to accept my apology, I will." sambit niya at lumuhod na siya sa aking harapan.

Dahan-dahan ay hinawakan niya ang aking binti at iniangat iyon. Ang isa naman niyang kamay ang nag-alis ng aking paa sa pagkakasuot nito sa aking pink glass sandals. I felt the texture of his hand. Kinda rough. Parang balat iyon ng taong walang alaga sa sarili. Or mga taong walang pera pangsuporta upang maalagaan ang sariling balat. Isa bang hampaslupa ang lalaking ito? Bakit hindi halata sa kanyang mukha at tindig?

Unti-unti ay inilapit niya ang kanyang mukha sa aking paa. Ang mapula niyang labi ay handa na upang dumampi doon. Hindi ko alam ngunit bigla akong nakadama ng hiya. Ipiniglas ko ang aking paa. Nabitawan niya ito. Muntikan ko pang masipa ang kanyang mukha. Napatingala at napatingun siya sa akin.

"Tumayo ka," utos ko.

"I thought you wanted me to kiss your feet?"

"Nevermind."

"S-Sorry talaga, Miss. Sorry." muli niyang paghingi ng tawad.

"Puro sorry na lang ba ang maririnig ko sayo? Look at my elbow!" Galit kong ipinakita sa kanya ang sugat ko sa aking siko. "You made a disgusting wound on my gorgeous skin!! Paano 'to maaalis ng mga sorry mo?"

"Mapapagaling ba iyan ng paghalik ko sa paa mo?" tanong niya at muling lumuhod sa harapan ko.

 Akmang hahawakan muli ang aking paa upang ituloy ang paghalik, but I refused. "Ba-Bakit?" nagtataka at tila nahihiya niyang tanong.

"Stand up," utos ko.

Muli siyang tumayo at humarap sa akin. Nagtitigan kami. Medyo nakayuko siya sa pagtingin sa akin. Ako? Nakatingala sa kanya dahil sa kanyang katangkaran.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon