Strawberry Loves Banana: Chapter 13

588 12 5
                                    

Hiii. Pakinggan niyo yung kanta sa right side. Soundtrip habang tinatype ko ito. Hahahaha. Be Alright, Yellow Raincoat at Nothing Like Us! :P pakinggan niyo ah. Suggest lang. Maganda ee :"> XD. Anywaaaaays!! Do vote or comment. Ajujuju .

________________________________________

Maaga na naman akong nagising kinabukasan. Excited talaga ako na makasama siyang muli. Tulad nang napag-usapan ay siya ang susundo sa akin. No helicopter. No cars. Huwag din daw akong magdala ng pera at mamahaling gamit. Siya pa rin daw ang bahala sa araw na ito.

Labinlimang minuto bago pa ang napag-usapang oras ay dumating na siya at naghintay sa harap ng malaking gate ng aming mansyon. Ready na naman ako sa kanyang pagdating kaya't lumabas na ako't pinuntahan siya. Napakakisig niya sa suot na semi-fitted printed white t-shirt na nagbigay-daan upang humugis ang magandang hubog na ewan ko pero parang bagay na bagay sa kanya. Parang sa bawat araw na nagdaraan ay lalo siyang nagiging makisig sa aking paningin. Habang tumatagal ay nakakaadik na siyang pagmasdan.

Inaya ko siyang mag-snack muna sa loob ngunit tumanggi siya. He held my hand at inalalayan akong sumakay sa parehong taxi na sinakyan niya papunta dito.

Hindi kami nag-uusap sa loob ng taxi habang bumibiyahe. Nahihiya akong magsalita. Marahil ay ganun rin siya. Nagsusulyapan lang kami at nagkakangitian. Para lang kaming tanga. Pero masarap sa pakiramdam.

Masyado akong masaya nang mga sandaling iyon. Ni hindi ko na inaalala kung saan kami pupunta ngayon. Ang alam ko'y sa Quiapo Church. Magsisimba daw kami. All I know about that place is matao. Pero hindi man lang sumasagi sa isip ko ngayon kung ano ang maaaring mangyari sa amin doon. Mas nangingibabaw ang excitement dahil panibagong araw na naman ito na makakasama siya ng mahabang oras. Another experience na naman din ito.

At tulad ng ine-expect ko'y maraming tao ang magsisimba. Sa paglabas namin ng taxi ay tila nalula ako sa naging crowd. Napalunok ako. Kalahati ng katawan ko'y parang gusto nang umatras at umuwi. Hindi ko kayang languyin ang ganito karaming tao. Ngunit bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Nang bumaling ako sa tingin sa kanya'y nakangiti siya sa akin. Tila pinapalakas ang aking loob. Naunawaan niya siguro ang ikinikilos ko.

Hila niya ako sa kanyang paglakad. Pinasok namin ang dagat-dagatang mga tao. Siya ang humahawi ng tao sa aming dinaraanan kaya naman hindi na rin ako gaanong nahirapan at nairita. We were now smoothly walking in the middle of the stinky crowd... patungo sa simbahan.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Ngunit higpit na hindi masakit. Higpit na nagpapadama ng kaligtasan. Kaya naman panatag ang loob ko sa kasalukuyan.

Sa pagpasok namin sa simbahan ay marami pa ring tao ang bumungad sa aking paningin. Naiinis ako, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Naroon si Jov, nahihiya ako.

"Doon tayo, Serene. Malapit sa altar," aya niya sa akin sabay hila patungo sa bandang harapan.

Nang naroon na kami'y napansin kong bahagyang maluwag sa parteng iyon ng simbahan. Mas nakakahinga na rin ako doon sa maluwag. Malapitan ko ring nasilayan ang altar ng simbahang iyon. Namangha ako. Napatitig sa bawat sulok ng altar na iyon. Maging sa mga imahe ng santo na naroon. At sa muling pagkakataon, I felt holiness na matagal ko nang hindi nararamdaman. Namalayan ko na lamang na bahagya akong napangiti habang nakamasid sa altar na iyon.

Napansin ko rin na ang lahat ay seryosong nakikinig sa misa at sermon ng pari sa harapan. Ang iba naman ay nakapikit na sa tingin ko'y nagdarasal. Nang sulyapan ko si Jov ay nakatuon din ang kanyang paningin sa harapan. Tahimik itong nakikinig sa mga sinasabi ng pari.

Naiinitan man ako at nababauhan sa pinaghalu-halong mga amoy ng mga taong nasa paligid ay pinilit kong hindi mag-inarte. Itinuon ko na lamang ang isip ko sa misa...at sa kanya.

Bukod din sa pakikinig sa sermon at misa ay may mga oras din ng kantahan. I didn't know the songs kaya't nakikinig na lang ako. Sa tuwing titingnan ako ni Jov ay nginingitian ko na lang siya.

Dumako din ang misa kung saan ang pari ay nagsabing: "Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa." Napansin kong ang lahat ng tao'y nag-usap-usap. Nagsasabihan ng "Peace be with you." sa isa't isa kahit hindi naman magkakakilala.

"Serene...." pagtawag ni Jov sa aking pangalan. Mula tuloy sa pagmamasid sa mga tao ay muling bumaling ang tingin ko sa kanya.

"Peace be with you," nakangiti niyang sabi sa akin.

"P-Peace be with you...too," utal kong sagot na tumugon di sa kanyang pagtitig.

Tuluyan nang nawala sa isip ko ang mga ginagawa ng mga tao sa paligid. Tila nabingi rin ako sa mga ingay at pagsasalita. Parang naglaho rin ang lahat ng tao sa loob ng simbahang iyon at kami lang ni Jov ang natira. Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin Ako'y naghihintay. At umaasa rin na magsasalita siya... sasambitin ang gusto kong marinig.

"Serene....." muli niyang sambit sa aking pangalan.

Hindi ako umimik. Bahagya lang gumalaw ang kilay ko bilang pagtatanong.

"I like you...." sunod niyang sabi.

Lalo akong natigilan. Parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo ng mga oras na iyon. Totoo ba ang narinig ko? O dala lang ng hallucination dahil sa pagkahilo sa init at baho?

"W-What?" tanong ko sa kanya. Nais kong siguruhing sinabi nga niya talaga iyon.

"I said... I like you, Serene." tugon niya.

Kumpirmado. He really said that. He liked me. Kaysarap pakinggan. Kung maaari ko lang i-record ang sinabi niyang iyon, uulit-ulitin kong pakinggan iyon hanggang sa aking pagtulog. Lalo tuloy tumindi ang kaligayahang nararamdaman ko.

Lutang na ang isip ko at hindi ko na namalayan kung paano natapos ang misa at paano kaming nakalabas sa mataong lugar na iyon. Sakay na kami ng taxi. Hawak niya ang kamay ko. Namalayan ko na lang din na nakasandal ako sa kanyang braso. Magkatabi kaming nakaupo sa backseat ng taxi na iyon. Nakatingin siya sa akin.

"Hindi ka pa sumasagot sa sinabi ko sa'yo, Serene." aniya.

Napatingin ako sa kanya, nakangiting makisig niyang mukha ang nasilayan ko. Napipi ako.

"Sige, sige. I'll give you time. Bukas. Sa school. Early in the morning. I want an answer." sunod niyang sambit.

Sumang-ayon ako. Tumango-tango. Pero mayroon talaga akong sagot. I like him, too. Actually, I think it's LOVE na. Pero nawalan ako ng kakayahang magsalita.

Hanggang sa pagtuloy ay tila lumulutang ako sa ere. Hirap akong dalawin ng antok. Paulit-ulit sa isip koo ang tagpong iyon. Ang kanyang tinig. Ni hindi ko na namalayan kung anong oras ako napapikit at nakatulog.

_____________________________________

Author's Note: Sana lahat ng lalaki di torpe noh? katulad ni Jov, haha.

Vote//

Comment//

<3 

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon