Strawberry Loves Banana: Chapter 4

690 16 4
                                    

Pinilit ko na ang sarili ko na baliwalain ang mga tinging iyon. Bibitaw na sana ako sa aming kamayan ngunit bahagyang humigpit ang pagkakakapit niya sa aking kamay. Tila ayaw niya akong bitawan.

"E-Excuse me. Hello??" pitik ko sa harap ng kanyang mukha upang ipaalam na I wanna stop shaking our hands na.

Napangiti naman siyang bumitiw at nag-sorry.

"Sorry again ang narinig ko. Your favorite word. By the way, gusto mo ba ng lotion? Or magpa-hand spa ka kaya minsan. Your hands are like kalyo na nag-transform into hands, eh."

"Ah sorry ha. Wala kasing pahinga ang kamay na ito eh, kaya medyo magaspang."

"Walang pahinga?"

"Tumutulong kasi akong gumawa ng mga palayok at paso pag nasa bahay eh. Kaya bago umuwi ay ginagawa ko na rito ang homework natin."

"Paso at palayok? Potter ka pala? Jov the Potter?" sambit ko na sarkastikong natawa.

"Oo. Hanapbuhay ng pamilya namin 'yun, eh. Kaunti lang ang kita pero okay na. Marangal na hanapbuhay. Kaya nga laking tuwa namin nang makapasa ako sa scholarship ng daddy mo para makapag-aral dito, eh. Nakamenos na kami sa pag-aaral ko hanggang kolehiyo."

"Scholar ka hanggang college?"

Nakangiti siyang tumango-tango. Bakit hindi ko ito alam? Bakit hindi pinaalam sa akin ni daddy ang tungkol dito?

"Anyway, kailangan ko nang umalis. See yah na lang tomorrow."

"Okay. See you bukas."

Pero hindi pa ako umalis. May hinihintay akong sabihin niya o hingin niya. Pero wala kaya't ako na ang nag-presinta.

"Hindi mo ba kukunin ang cell number ko?"

Crush ka ng bayan ha. Akin ang school na ito. Dito ka nag-aaral kaya akin ka rin. Kung crush ka ng bayan, sa reyna ka muna dadaan. Scholar Rat the potter.

"Hindi na siguro. Thanks na lang."

"Aba't napakahambog mo naman pala, eh. Ako na itong nagbibigay ng number, babastusin mo ko ng ganyan?" inis kong sambit.

"H-Hindi naman sa ganun, Ms. Serene."

"And what?!!"

"W-Wala kasi akong cell phone kaya ayokong kunin ang numero mo."

Natahimik naman ako't hindi agad nakaimik. Kaya naman pala. Well, hindi na rin ako nagtaka dahil nga poor sila. Kahit man lang 3310 unit ng nokia, wala siya? Oh Lord have mercy. How poor was this rat ba?

"Oh.. ok.. so.. see yah tomorrow na lang," bahagya kong nakangiting paalam at mabilis na umalis at lumabas ng library na iyon. Sa aking paglabas ay sinenyasan ko ang mga taong pinalabas ko kanina na nakaabang sa labas ng library. Saka lang sila pumasok muli.

"I saw you put out your cell phone, sis. Did he get your number?" tanong ni Luezha.

"Oh yes, he did. Nagulat nga ako, eh," pagsisinungaling ko. Ayoko syempreng isipin ng mga babaeng ito na type ko ang negrong iyon at ako pa ang mag-aalok ng number ko.

I want them to think na ako ang hinahabol. As always.

"At binigay mo?" tanong ni Mitchie.

"Well, no choice. You know i love my admirers."

"Love to play with." dugtong ni Luezha.

"Yeah, sis. Love to play with. And i'll start playing with that scholar rat the potter tomorrow."

"Potter?"

"He said his family is making some eeewww paso and eeewww palayok to sell. Hanapbuhay daw ng kanilang pamilya," salaysay kong nandidiri.

"Ohh that's really ewww."

"Yeah, eewww." paggatong naman ng dalawang kong sidekick na alam ko, nararamdaman ko, nakiki-ride on lang madalas sa akin. Alam ko, they make plastic with me madalas. Para hindi ko sila mabangga. Para safe sila. At para maging dikit sa akin. To be famous too. Users! Well, I'm using them too naman. Nagiging maganda at mayaman talaga akong tingnan with two beautiful alalays. Lalo at mas maganda ako sa kanila... at mas mayaman.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon