Strawberry Loves Banana: Chapter 14

596 14 13
                                    

basahin niyo na lang yung author's note sa last part.

__ 

Maaga akong nagising kinabukasan. Maaga rin akong nagtungo ng Luna High, sakay ng aking chopper. Excited akong makita siyang muli. Pero hindi ko inaasahang mas maaga pa siya sa aking dumating.  Sa paglapag ng helicopter sa gitna ng open ground ay namataan ko na agad siya sa isang bench sa gilid ng isang gusali doon.

Bahagya iyong natatakpan ng ilang mga puno. Agad ko siyang tinungo. Nakatingin siya sa akin na halatang hinihintay ang aking pagdating. Ngiti ang bungad niya sa akin. Alam kong naghihintay siya ng aking sagot. Pero walang sali-salita at dire-diretso akong naglakad palapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at mabilis kong hinalikan ang kanyang mga labi.

Napapikit ako.

Hindi ko na nalaman kung ano ang una niyang naging reaksyon. Ngunit naramdaman kong unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Nagsimula na ring gumalaw ang mga labi niyang nakalapat sa aking labi. Unti-unting gumanti ng halik sa akin. Lalo tuloy tumindi ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Para akong nasa alapaap... kasama siya.

Kinain ko ang hiya. Nilunok ang pride. Hinayaan kong lamunin ako ng pagmamahal ko sa kanya. Isinagawa ko ang nais ng puso ko. It's my heart over my brain now. Sa kabila ng katotohanang isang hampaslupa si Jov sa aking paningin, pinandidirihan ko noon na madikit ang balat ko sa mga katulad niya, ni amoy ng kanilang katawan ay naiirita ako, pero heto ako ngayon at kadikit ang labi ng isang hampaslupa. Tila sinasamba ko na ngayon ang kanyang amoy. Lagi ko nang dalangin na madikit ako sa kanyang balat.

 Binago na ba ng pagmamahal ang pananaw ko?

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay nagkatitigan kami. Payapa ang maamo nitong mukha na halata ang kaligayahan.

"Does it mean... tayo na?" pabulong na tanong niya.

"I-I think so, ayaw mo ba?" utal at nahihiya ngunit bahagyang nakangiti kong tugon sabay pabirong tanong.

Ngiti ang una niyang tugon sabay yakap sa akin. Gumanti ako ng yakap.

__

Hindi na niya binitawan ang kamay ko sa paglabas namin mula sa sulok ng camput na iyon. Naglalakad kaming magka-holding hands. Napako ang tingin ng lahat sa amin. Ang mga estudyante, mga guro, maging ang ibang mga trabahador ng Luna High. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at pagtataka.

Obviously, sa ikinikilos naming iyon ay parang inamin na rin namin sa lahat na kami na. At alam ko ang iniisip nila. Hindi siguro nila mapaniwalaang papatulan ko ang isang tulad ni Jov dahil sa pagkakakilala nilang lahat sa akin. Marahil at nagtataka sila dahil pumatol ako sa isang hampaslupa at 'rat' na kagaya nila.

Hindi sanay ang mga mata nila na makita akong malapit sa mga itinuturing kong hindi kauri. Well, i don't care. I love Jov. At ang mahalaga'y masaya ako. Wala akong pakialam sa sasabihin o kahit sa iniisip nila. Kahit sina Luezha at Mitchie, binabaliwala ko ang mga reaksyon. Subukan nilang magsalita, makikita nilang hinahanap nila.

Hindi ko naman din ikinakahihiya si Jov. Hindi man maalis sa akin na i-consider pa rin siyang hampaslupa, my feelings for him really made an exemption. I'm actually proud to have him.

Hanggang sa pagpasok sa classroom at magkahawak ang aming kamay. Magkatabi man ang aming kinauupuan, idinikit pa niya ang kanyang upuan sa akin. Para lamang mahawakan niya pa rin ang kamay ko kahit may klase. At dahil nasa gitna, pansin ng bawat guro ang maghapon naming tagpong iyon. Napapailing na lamang sila. Hindi naman kasi sila maaaring kumontra. Alam nila ang consequence. (A/N; Psssst. Bawal PDA. haha)

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon