Strawberry Loves Banana: Chapter 12

614 16 5
                                    

Sakay na kami ng taxi ni Jov. Ihahatid niya ako sa amin. Kahit na sinabi kong magpapasundo na lang ako ay tumanggi siya. Nais daw niyang siya ang personal na maghatid sa akin sa bahay.

Kanina ay jeepney at trolly ang naranasan kong sakyan, ngayon ay taxi naman. I've never ridden a cab before. Pero mukhang mas okay na ito keysa sa mga nauna kanina. It's like a simple car lang naman at hindi ganun kadumihang tingnan. Mahina nga lang ang aircon.

Hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng engrandeng gate ng aming mansyon. Siya pa rin ang nagbayad ng taxi. Hinayaan ko na siya sa nais niya.  Hindi ko na rin tinanong kung saan nanggaling ang perang ginamit niya para sa akin sa araw na iyon. Simula sa pamasahe sa pagbiyahe papunta sa kanila, pinangkain at ang bayad nga ngayon sa taxi pauwi dito sa amin. Marahil ay sa scholarship allowance niya.

"Thanks Jov, ha. Thanks sa..." nakangiti kong sambit naputol nang mag-alinlangan akong sabihin ang salitang 'date'. Pero nilakasan ko ang loob ko. "Was it a date?"

"Y-Yeah." mabilis na tugon niya na may bahagyang ngiti sa labi.

"Ok, so it was a date." napapangiti kong sambit.

"Bukas uli?" aniya na tila nahiya pang magsabi.

"T-Tomorrow?"

"Oo, will you be free tomorrow?" tanong niya habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

"Y-Yeah," utal kong sagot na napaisip pa.

"Catholic ka naman di'ba? Sunday bukas, eh... simba tayo."

"Ha? O-okay... sige." napilitan kong pagpayag. Noong una ay nag-alangan ako. Pero hindi talaga ako makatanggi sa kanya.

Hindi ako relihiyosang tao, I don't even pray. Hindi ko nakagisnan. Though madasalin si Yaya Maring ay hindi naman niya ako naimpluwensyahang maging relihiyosa. Yes, i know Jesus Christ. I actually once attended a mass before. Bata pa ako noon... mga six years old... buhay pa si Mommy.

From being an Iglesia ay nagpa-convert siya to be a Catholic noon dahil sa pagmamahal kay Daddy. Naisama nila ako sa unang Catholic mass na kanyang nadaluhan. Iyon lang at hindi na nasundan pa. Dahil ilang araw lang ay naglaho na si Mommy. Namatay :(

Dahil hindi ako relihiyosa, I've never touched a rosary or even a Bible. Hindi ko rin matandaan kung kailan ako huling nagdasal. Wala ang relihiyon sa vocabulary ko. I only praised myself and our wealth, our power. Ni hindi ko nga ipinalagay ang Christian Living subject sa curriculum ng Luna High.

Ewan ko, pero parang isa si God sa sinisisi ko kung bakit maagang nawala sa buhay namin si Mommy. Para sa akin, hindi siya naging Diyon sa amin ng aking ina. I started turning him down simula nang mangyari iyon. I really never felt God's existence. Pero heto ako ngayon, napapayag ni Jov na magsimba tomorrow. Nawala na naman ako sa sarili ko. Hindi na naman ako nakatanggi sa kanya. Sadyang pinapahina niya ang lakas at tapang ko. Tinutunaw ang aking paninindigan. Ibinababa ang aking pagiging mayaas. Bukod sa iminumulat at sa tunay na mukha ng buhay, pakiramdam ko'y nagiging daan ang pagtingin ko sa kanya upang ma-realize ko ang mga bagay-bagay na dapat at hindi ko dapat gawin.

(A/N: pasingit lang sandali!! Kung hindi relihiyosang tao si Ms. Serene, ako naman, oo. I do believe in God, i trust HIM and i love HIM. Hindi ko alam bakit naging ganyan si Ms. Serene pero hayaan nalang natin ang ating bida. Hahahaha. Dapat lagi tayong mag-pray, magsimba at magbasa ng Bible. Wag niyo po sanang gayahin si Ms. Serene, ha? Ganyan talaga ang character niya, hope maintindihan niyo. Totoo po si God. Kaya nga po tayo nandito sa mundo nang dahil sa Kanya. Oh yun lang. Di niyo sana ma-misinterpret.)

Nahirapan akong matulog pagsapit ng gabi. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang naging date naming dalawa. Ang sarap sariwain. Natawa rin ako  sa sarili ko sa tuwing maalala ang pandidiri ko sa mga bagay na hindi ako sanay na ipinaranas ni Jov sa akin. Mga bagay na ikina-shock ko. May excitement tuloy sa puso ko ngayon sa date namin bukas. Sa bago at iba pang bagay na mararanasan ko.

Para akong isang batang naging ignorante. Pero totoo, I realized na ignorante pala ako sa mga simpleng bagay sa mundo. Mga simpleng bagay na kinasanayan kong pandirihan, i-reject, maliitin o pagtawanan. Yes, I have the money, the power, the influence, pero... hampaslupa di pala akong maituturing. At si Jov ang nagpamukha ng bagay na iyon sa akin, in an exciting and different wat na hindi ako na-offend. Hindi nga lang ba ako nainis dahil sa gusto ko siya? Probably.

_______________________________________________

Anong say niyo? LOVE na ba ni Ms. Serene si Jov or LIKE pa lang? XD, i know you know the difference between the two. XD

Vote //

Comment //

<3

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon