Strawberry Loves Banana: Chapter 7

661 12 7
                                    

Parang tumigil ang oras. Hindi ko na nakuhang gumalaw. Tila nagyelo ang katawan ko sa kinauupuan sa nakita kong tagpong iyon. Gusto kong magtanong dahil naguguluhan ako. Sila ba? Bakit sila magkahawak ng kamay? Pero nawalan ako ng tinig at lakas ng loob. Nawala rin ang tapang ko nang mga sandaling iyon.

Lumakad na silang muli paalis. Hindi ko na rin sila napigilan. Nang mawala na sila sa aking paningin ay tila natauhan ako't napatingin sa paligid. Ang lahat at nakatingin sa akin.

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?!!" sigaw ko.

Mabilis na nagsitalikuran ang lahat at iniwas ang tingin sa akin. Naging tsansa ko na iyon upang tahimik na makaalis sa bahaging iyon sa school. Dumiretso ako sa isa sa aking mga personal CR. Naiinis akong napaharap sa salamin. Tinitigan ang aking sarili.

Oo, nagseselos ako. Nakakaramdam ako ng galit dahil ibang babae ang kasama ng lalaking gusto ko. Bakit siya? Bakit hindi ako? Ako ang reyna. Akin ang lahat ng nasa kaharian ko. Akin si Jov. Kailangang gumawa na ako ng paraan bago pa mahuli ang lahat.

Naging balisa at iritable ako sa buong araw. Pati tuloy sina Luezha at Mitchie at napagbabalingan ko ng aking galit. Magkalayo man ang upuan ay ganun pa rin ang naging sitwasyon. Panay pa rin ang tingin ni Jov kay Anemic Rat. Nakakairita. Ako ang katabi niya pero sa iba siya tumitingin.

Sa bawat break ay sila ang magkasama. Kahit sa canteen ay magkatabi silang kumakain. Napapatingin na lang ako ng masama. Wala akong magawa....wala pa.

"Why are you allowing it, sis?" tanong ni Luezha habang umiinom ng red wine. Naroon kami sa loob ng aking malaki at magarbong kwarto sa aming mansyon. Nagba-bonding kaming tatlo with red wine.

"I'm not," pagtanggi ko.

"Buong araw mong hinayaang ganun... Why?" ani Mitchie.

"You were different the whole day. You weren't the Serene we know," ani Luezha.

"Oo nga, sis."

"Well, a bit yes, hinayaan ko sila."

"But why?"

"Para akong cellphone, sis. Nagre-charge lang ako."

"So, may aasahan na kami tomorrow?"

"Of course. Makikita ng Helena White na 'yan kung sino ang binangga niya."

"You really like that Scholar Rat na ha."

"Yeah I admit, I like that poor rat." pag-amin ko.

"Kahit alam mong hampaslupa siya, you like him?"

"I don't know. Ewan ko ba dito sa puso ko. Naiinis nga ako eh. Napakababa ng taste."

"I can't blame you, Jov is hunky and yummy."

"So para pala kayong langit at lupa, brilyante at uling."

"Kinda." tipid kong sagot na may half-smiling.

"Our sis is like a strawberry. Remember she likes shades of pink and red. And she like strawberries too," ani Luezha.

"So ano si Jov? Mumurahing prutas... Saging?" tanong ni Mitchie.

"Oh... so it's strawberry loves banana? How cute." sagot ni Luezha.

"Well love is really cute. Kahit may pagka-corny minsan. Sometimes naman, nakakainis." kibit-balikat kong sabi.

"Like what you feel right now?"

"Definitely and absolutely."

"Ano naman ang balak mo kay Helena?"

"Makikita n'yo bukas, sis."

-

Kinabukasan sa pagpasok ng Luna High ay dumiretso na ako sa Principal's Office. Agad akong binati ni Mr. Arevalo na nauutal pang nagsalita sa aking pagpasok.

"I want you to expel Helena White."

"Ha?!" gulat na reaksyon ng principal.

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo bang bilhan pa kita ng cotton buds, Mr. Arevalo?"

"No, no, Ms. Serene. I heard it. Pero... bakit n'yo gustong ipatanggal si Ms. White dito sa Luna High?"

"Is that an interrogative sentence?" naniningkit ang mga mata kong tanong sa kanya.

"Ah...ahm...eh..." utal na sambit nito na hindi alam ang sasabihin.

"Di ba sinabi ko sa'yo, I hate interrogative sentences, phrases or even a single word na manggagaling sa mouth na yan?"

"Sorry, Ms. Serene. Nagulat lang talaga ako sa utos niyo. Pangalawang araw pa lang kasi ni Ms. White dito."

"I don't care, Mr. Arevalo. Maganda nga eh, hindi ko na patatagalin pa. I want you to kick her out right now."

"S-Sige po pero itatawag ko muna sa Daddy n'yo."

"Sinusubukan mo ba talaga ako?" galit kong sambit na nagpatigil sa akmang pag-angat ni Mr. Arevalo ng telepono na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

"Okay po. I'll expel her na."

"Gusto ko, before lunch ay mapauwi mo na siya."

"Yes, Ms. Serene."

Iyon lang at tumalikod na ako. Kasabay nila Luezha at Mitchie ay lumabas na kami ng office na iyon. Nagtatawanan kami sa naaamoy naming tagumpay.

"Nice one, sis."

"I love it."

Ngunit natigilan ako sa aming paglabas nang makita ko kung sino ang nakaupo sa bench na nasa harapan ng pinto ng principal's office. Sina Jov at Helena. Nakaakbay si Jov kay Anemic Rat.

Parang nananadya ang dalawang ito ah. Pumuwesto ba talaga sila sa silid na pinasukan ko para makita ko silang magkasama sa aking paglabas? Para masaktan ako?

Sa mga oras na iyon ay hindi ko na hinayaang mangibabaw ang aking panghihina. Ako ang reyna. Makapangyarihan ako. Hindi ako dapat basta na lang magpapatalo.

Matapang akong naglakad palapit sa kanila. Napansin na nila ako bago pa ako tuluyang makalapit.

"Good morning, Ms. Serene." sabat at nakangiti nilang pagbati. Pero kay Helena lang ako nakatingin.

"Good morning din... ang goodbye." tugon ko.

"W-What do you mean?" tanong niya.

"Thanks for visiting Luna High. I really appreciated your presence here. See you somewhere na lang," dugtong ko sabay alis sa kanilang harapan.

Nakangiti kami nila Luezha at Mitchie na naglakad sa hallway palayo sa kanila. Hindi ko na sila nilingon pero alam kong naguguluhan sila sa aking sinabi. Abangan na lang nila kung ano ang ibig kong sabihin, mamaya. After lunch, akin na si Jov. Goodbye, Anemic Rat.

Nagawa naman ni Mr. Arevalo ang aking inutos. Nang magtungo kami sa canteen for lunch ay wala roon si Helena. Mag-isang kumakain si Jov.

"It's your chance, sis."

"No, I should first put a period on what I've started."

"What do you mean?" naguguluhang tanong sa akin ni Luezha.

Lumingon ako at tumingin sa gate. Naroon at nakatayo si Helena.

"She's waiting for what?" tanong ni Mitchie.

"For my final blow." evil smirk at nakataas ang kilay kong sagot.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon