Strawberry Loves Banana: Chapter 6

713 12 3
                                    

Kinabukasan uli, maagang-aga akong nakarating sa school. It's a miracle na nauna pa ako sa ilang sa mga estudyante. Hindi ko alam pero maaga akong nagising at maaga ring umalis.

Sa helicopter muna ako tumambay. Doon ay nanood muna ako ng movie. That chopper has a built-in dvd player and 70 inches flatscreen-TV. Pinasadya ko talaga. Ayokong nabo-bore ako.

Doon muna ako keysa makihalubilo sa mga rat sa ground. Ayoko rin naman sa classroom dahil naglilinis pa sa mga ganitong oras ang mga maduduming janitor. Ayoko rin sa canteen dahil mangangamoy pagkain ako. Ayoko sa hallway at makikita ko lang ang mga irritating teacher.

Habang nanonood ay napansin ko na ang pagpasok ni Jov mula pa lang sa gate. So, hindi siya tinanggal ni Daddy? Bad news...but good din at the same time. I don't know why. Siguro'y dahil sa ayokong maudlot ang pakikipaglaro sa kanya. But he's with a girl. Parang ngayon ko lang nakita ang estudyanteng iyon. It's a new girl. Nag-uusap sila habang naglalakad. Nagngingitian pa.

Salubong ang kilay kong bumaba sa helicopter at sinalubong ang dalawa.

Sa malayo pa lang ay napansin na ako ni Jov. Of course, kapansin-pansin naman talaga ako, eh. Walang duda diyan. Nakita na rin ako ng babaeng iyon bago pa ako nakalapit.

"Good Morning, Ms. Serene." bati ni Jov sa akin.

"Good morning din," sagot ko. "Ba't 'di ka pumasok kahapon?" sunod kong tanong. Pero hindi ko inaasahan na ang babaeng iyon ang sasagot.

"Kasama niya ako kahapon," nakangiti nitong sambit na nagpapaka-charming pa. Well, may itsura siya. Pero mukhang serbidorang nalahian lang ng banyagang dugo kaya nagkaroon ng kaunting ganda sa katawan. Mestiza siya. Pero hindi kagandahang tingnan ang kanyang pagka-mestiza dahil mukhang anemic ang dating. At kahit galing siya sa UK ay isa pa rin siyang daga sa paningin ko. Anemic white rat.

"Kasama mo?"

"Yah, birthday ko kahapon."

"Oh!" babatiin ko? Never!

"Kararating ko ang din with my family yesterday. So, parang welcome party na rin ang nangyari."

"And who are you ba?"

"I'm his..." putol niyang sagot sabay tingin kay Jov. "Ex-girlfriend," dugtong niya.

Napataas ako ng kilay. Ex-girlfriend?

"So, transferee?"

"Yah. By the way, Helena White." sagot at pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kamay.

Helena White? Her family name is White? Tamang-tama pala ang bansag ko sa kanya. Napatingin din ako sa kanyang kamay.

"Welcome to my castle." nakangiti kong bati na hindi siya kinamayan.

"Your castle?" tanong niya na ibinaba na ang kamay.

"Yah. Hindi ba naikwento ng EX-BOYFRIEND mo na ako ang nagmamay-ari ng eskuwelahang ito?" tanong ko na may diin sa salitang ex-boyfriend. Sinusulyapan ko pa si Jov.

"Nope."

"Now you know." mataray kong tugon sabay alis sa kanilang harapan. Nagbalik ako sa chopper at naupong muli.

Ngunit nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan at tawanan sa muli nilang paglalakad. Parang balewala sa babaeng iyon ang sinabi ko, ah. Mukhang hindi nasindak. Tingnan natin mamaya ang tatag mo, White Rat.

Bigla kong naalala, paanong nakapasok sa Luna High ang babaeng iyon? Maliban kay Scholar Rat, lahat ng mga nakakapasok dito ultimo janitor ay dumadaan sa akin. Malamang ay kasalanan na naman ito ni Daddy. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip kanina pa? I should ask the stupid principal about it.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon