Strawberry Loves Banana: Chapter 16

547 13 6
                                    

"Hanggang kailan mo gagawin yan, anak? Hangga't tumatakbo ang scholarship mo?" tanong ng ina.

"Inay, wala kayong dapat ipag-alala. Ako na po'ng bahala dito," sagot ni Jov.

Halos hindi ako makakilos nang mga sandaling iyon dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa akong nalaman. Pinipilit kong isiping nananaginip lang ako. Hindi ito totoo. Pero ang hindi pala totoo ay ang ipinapakita sa akin ni Jov. Hindi ko akalaing ang lahat ng iyon ay dahil lamang sa scholarship niya. Ang lahat ay utos ni Daddy. Pati na ang ipinaparamdam niyang pagmamahal sa akin ay peke.

Hindi ko na kinaya. Habang dumadaan ang mga segundo sa pananatili ko sa lugar na iyon ay para akong nasasakal, hindi ako makahinga. Kaya nagmamadali na akong lumabas ng banyong iyon. Lumapit sa mga kamag-anak ni Jov sa pwesto namin kanina sa sala, ngunit hindi ko na sila pinansin. Kinuha ko ang bag ko at naglakad patungo sa pintuan, palabas ng barung-barong na iyon.

"Ms. Serene!!" pagtawag sa akin ng isa sa kanila upang pigilan. Napatayo pa ito at lumapit sa akin. Natigilan ako at lumingon. Ngunit hindi dahil sa pagtawag na iyon sa akin, kundi'y dahil naalala ko ang bag ni Jov. May gusto akong mapatunayan. Muli akong naglakad pabalik at kinuha iyon mula sa silya sa kusina kung saan niya ito inilapag kanina sa aming pagdating. Iyon lang at lakad-takbo akong tuluyan nang lumabas sa bahay nila.

"Ms. Serene, bakit po?!!" nagtatakang sigaw ng kanyang mga kamag-anak.

Dire-diretso akong lumabas. Hindi ko pinansin ang kitid ng eskinita. Balewala na rin sa akin kung maputikan ang aking paa. Diretso akong pumasok sa aking limousine.

"Kuya, halika na. Alis na tayo dito." agad kong utos sa aking pagpasok.

Nang magsimula nang umandar ang sasakyan, lumingon muna ako't tinignan kung nakasunod si Jov. Ngunit hindi ko siya natanaw. Agad kong binalingan ang kanyang bag at binuksan iyon. TIningnan ko ang lahat ng mga gamit na naroon. Mga notebook, mga panulat, bimpo, ilang pang gamit sas eskuwela at higit sa lahat, isang cellphone. Akala ko ba'y wala siya cellphone?

Itatapon ko sana sa labas ng bintana ng limousine ang kanyang mga gamit dahil sa nararamdaman kong pagkainis ngunit napabuklat ako ng ilang pahina sa isa sa mga notebook doon. Nakita ko ang aking pangalan. Na-curious akong basahin ang nakasulat doon.

Sa ilalim ng aking pangalan ay may mga sentence na nakasulat at isang maliit na box sa unahan na may mga tsek. Mga pag-uugali iyon, mula sa pagiging maawain at matulungin, hanggang sa pakikihalubilo sa mga mahihirap. Sa tingin ko'y mga katangian iyon na dapat kong magawa habang kasama siya. Iyon ba ang ipinapagawa ni Daddy sa kanya? Ang ituro sa akin ang tamang-asal?

Nang lumingon ako'y nakita ko siyang tumatakbo pasunod sa amin.

"Kuya, pakitigil muna ng sasakyan."

Sa paghinto at agad akong lumabas. Hawak ko ang kanyang bag. Tumayo ako doon  at hinintay na makalapit si Jov.

"Serene..." bungad niya sa kanyang paglapit.

Wala akong iniimik, bagkus ay itinapon ko sa harapan niya ang bag niya. At dahil nakabukas iyon, tumapon sa kalsada ang ilan niyang gamit, kabilang na ang cellphone at ang maliit na notebook.

Niyuko niya ng tingin ang kanyang mga gamit. Sa tingin ko'y alam na niya ngayon kung bakit ako umalis.

"Serene, hayaan mo akong makapagpaliwanag."

"Para ano pa? Para patuloy mo 'kong paikutin sa mga kasinungalingan mo?"

"Serene, hindi mo naiintindihan."

"Ano ang hindi ko naiintindihan? Narinig ko kayong nag-uusap ng inay mo. And here's the evidence." itinuro ko ang maliit na notebook. "Stop pretending, Jov. Itigil mo na...dahil nasasaktan ako," lumuluha kong sambit. "You're unfair. You fooled me. You made me fall in love with you." dugtong ko na tuluyan ng napaiyak.

Nanghihina ako at nais hampasin ang kanyang dibdib. Hinawakan niya ang mga kamay kong bumilog na ang mga kamao. Pinigilan ako sa aking gagawin. Lalo akong nanghina. Nagpatuloy lang sa pag-iyak. Niyakap ako ni Jov. Mahigpit.

"Bakit mo ako niyayakap? You don't love me naman, diba? Nagpapanggap ka lang dahil inutos 'to ni Daddy. To change me." sambit ko sabay pagtatangkang magpumiglas.

"Hayaan mo muna akong yakapin ka at magpaliwanag." bulong niya sa aking habang humihigpit ang yakap niya.

"Wala ka ng dapat ipaliwanag, Jov. Naiintindihan ko na ang lahat."

"Mahal kita, Serene. Mahal kita." pabuling niyang tugon.

Muli akong nagpumiglas. Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niyang iyon. Nagagalit ako dahil nagsisinungaling na naman siya sa akin. Pero ayaw niya akong bitawan. Mahigpit pa rin niya akong yakap. Hindi ako makawala mula sa nakapalibot niyang mga braso.

"Totoo, Serene. Minahal na kita. Mahal kita. Maniwala ka."

"Hindi ko na alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi mo, Jov. I don't know if i could still believe you." tugon ko.

"Please, Serene. Paniwalaan mo ako ngayon. Oo, inaamin ko, nagsinungaling ako sayo... dahil utos ng ama mo. Ginawa ko iyon para sa scholarship. Dahil wala kaming pantustos sa pag-aaral ko't nais kong makatapos. Makapagtrabaho para maiangat ang pamilya ko. Ginawa ko ang lahat para maging komportable ka sa akin. Pinaibig kita dahil alam kong iyon lang ang paraan para maipagawa ko sayo ang mga nais ng ama mo na magawa ko, para mabago ka. Pero, nabiktima din ako, Serene. Kung nahulog ang loob mo sa akin, ako man ay ganun din. Mahil kita, Serene." mahabang paliwanag ni Jov na hindi bumibitaw ng mahigpit na yakap sa akin.

Kaysarap pakinggan sa pandinig. Damang-dama ko ang sinseridad sa kanyang tinig. Pero natatakot pa rin ako, maaaring bahagi pa rin iyon ng kanyang pagsisinungaling. Naniniwala ang puso ko sa mga sinasabi't ipinaparamdam niya ngayon, ngunit tumatanggi ang isip ko at hindi naniniwala.

"Ang scholarship mo ang mahal mo, Jov at ang future mo... and not me." sambit ko at muling nagpumiglas.

Sa pagkakataong iyon at lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Nagawa kong makawala. Nagkatitigan kami.

"Ayokong masira ang pinapangarap mo, Jov. Tapusin mo na ang pagpapanggap mo. And don't worry. Hindi ko aalisin ang scholarship mo." sunod kong sambit. Pinipigilan ko na abg pagluha sa mga sandaling iyon.

Iyon lang at nagbalik na ako sa loob ng kotse. Ngunit pinigilan ni Jov ang pagsara ko ng pinto.

"Serene..." aniya na nagmamakaawang huwag akong umalis.

Tingin lang ang isinagot ko sa kanya. Sabay pag-iling at pagpatak muli ng mga luha. Napayuko ako at itinulak bahagya ang kamay niyang nakahawak sa pintuan. Saka ay isinara ko na iyon ng tuluyan.

"Kuya, uwi na tayo," utos ko sa driver.

Alam kong sumunod pa si Jov ng tingin. Pero hindi ko na siya nilingon.

___________________________________

Hi!! Ngayon lang uli naka-UD x( busy kasi masyado!! Exam+Projects+Clearance=LASLAS PULSO</3 Nakakapagod. haaay. Malapit naman na bakasyon :D musta kayo?

Vote//

Comment//

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon