Strawberry Loves Banana: Final Chapter ♥

765 22 10
                                    

Tila tumigil ang paghinga ko habang tulala sa biyahe pauwi sa mansyon. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari, ang mga lihim na aking natuklasan, ang katotohanang masakit tanggapin.

Namalayan ko na laman na nakauwi na ako. Agad akong lumabas at dire-diretsong nagtungo sa silid kung saan madalas mamalagi si Daddy, sa kanyang opisina. Nais ko siyang kausapin. Nais ko siyang tanungin. Nais kong ipaalam sa kanya na masakit ang ginawa niyang paglalaro sa damdamin ko.

Akma ko pa lang pipindutin ang door button ngunit bigla na itong gumalaw at unti-unting bumukas. Tumuloy na agad ako sa pagpasok at hinanap siya. Naabutan ko siyang nakaupo at busy sa ginagawa sa harap ng kanyang computer. Magsasalita pa lang sana ako upang umpisahan ang pagbubuhos ng aking nararamdaman pero nauna na siyang umimik.

"Alam ko kung bakit ka humangos papunta dito sa akin, anak. Jov texted me." sambit nito sa akin na hindi man lang ako makuhanng tingnan. Hindi umaalis ang mga mata niya sa monitor ng computer na kaharap.

"Nagsinungaling kayong dalawa sa akin. Pinaglaruan niyo ko. Nanggamit kayo ng tao para mabago ang attitude ko? Bakit kailangan niyo pang gawin yun, Dad? Ganun na ba ako kasama sa paningin niyo?"

"I just want you to become a better person, anak. It doesn't mean na masama ka."

"Para ano? Para hindi mo ako ikahiya? Para matinong anak at hindi 'brat' na katulad ko ang maiharap mo sa mga kaibigan mo na mas importante para sayo kesa sa akin? Para wala silang masabing hindi maganda tungkol sayo at sa pamilya natin? Yes, I'm not a good person, Dad. In fact, I'm a devil. But this devil was created because of you." galit kong sambit sa kanya. Lumuluha na ang aking mga mata.

Saka lang ako tiningnan ni Daddy. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo.

"Ako? Ako ang sinisisi mo kung bakit ka naging ganyan? Ibinigay ko'ng lahat sayo, Serene. Every single thing you've ever wanted. Kahit gaano pa ka-imposible basta kaya ko. I spoiled you para maging masaya ka at hindi para maging masama ka."

"I don't need material things, Dad. Thanks for giving me all the luxuries in this world, pero... tabunan mo man ako ng ginto, I'm still incomplete. I'm still discontented. I feel empty, Dad. And this devil is existing because of the lack of love and attention from you. Simula nang mawala si Mommy sa buhay natin, wala na rin akong naging magulang dahil naging busy ka sa negosyo at pagpapayaman. At noon pa lang, I thought mapapansin mo ako kapag gumawa ako ng mga bagay na hindi mo gusto at kapag nag-eksena ako. Pero hindi pala. Hanggang sa pangatawanan ko na. Hanggang sa makasanayan ko na. Hanggang maging ako na 'to." patuloy sa pag-iyak kong tugon sa kanya.

Hindi nakaimik si Daddy. Napansin kong napalitan ng awa ang galit sa kanyang mukha. Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Lumakad siyang palapit sa akin at akmang yayakapin ako. Ngunit tumanggi ako.

"Serene...."

"I can't accept your apologies for now, Dad o kahit kapirasong expression of apology. What you've done really wounded me...so deep. Dahil nahulog talafa ako sa patibong niyo. Ganito ba ang gusto mong mangyari, Dad? Ang saktan ang damdamin ko. Ito ba ang paraan mo to change my attitude? I loved Jov. At masakit na malamang scripted ang lahat."

"He love you too, anak." mabilis niyang sambit.

Natigilan ako sa aking narinig. Mula sa pagkakayuko'y napatingin ako kay Daddy. Bahagya rin akong natigilan sa pag-iyak.

"That's why we talked this afternoon. Inamin niya sa akin na nahuhulog na ang loob niya sayo and he can't continue the mission. Umatras siya dahil ayaw ka niyang masaktan. I really extended his scholarship. It's because I admired him dahil nagpakatotoo siya sa sarili niya," pagpapatuloy niya na hindi ko makuhang paniwalaan agad.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon