Strawberry Loves Banana: Chapter 15

623 11 9
                                    

Wow! Almost 1k reads na! :D Hihi, sensya ngayon lang ule nakapag-UD! Nawalan kami ng net for 4 days eh -_- badtrip! Anyways, ito na<3 dedicated kay RsslVytc :)

__________________________________________

Sinubukan kong pakinggan ang pag-uusap nila sa loob. Inilapat ko ang aking tenge sa pintuan ng opisinang iyon ni Daddy. But the door was soundproof. Bigo akong makarinig ni katiting na tunog mula sa loob.

Lalo tuloy akong na-paranoid. Bakit kailangan pa nilang mag-usap na wala ako? Tungkol ba iyon sa isang bagay na hindi ko dapat malaman? Lately lang naman sila nagkakilalang dalawa para magkaroon ng confidential na pag-uusapan. Actually, sa pagkakaalam ko'y ngayon lang talaga sila nagkaharap. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Nang muli kong subuking ilapat ang aking tenga ay marahang gumalaw ng bahagya ang pintuang iyon. Bukas na ito. Marahil ay pinindot na ni Daddy ang Open button nito sa kanyang desk. Ibig sabihin ay tapos na silang mag-usap at maaari na akong muling pumasok. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at lumakad na akong papasok.

Nakatayo na at palabas na ng silid na iyon si Jov. Tulad ng inaasahan ko'y tapos na ang kanilang pag-uusap. Nakangiti sa akin si Jov at si daddy naman ay busy nang muli sa ginagawa niya na naputol kanina sa aming pagpasok.

"Salamat sa pagdala mo sa akin dito, ha." masayang sambit ni Jov sa akin na mahina ang pagsasalita.

Ngiti lang ang isinagot ko. Pero anong pinag-usapan nila? Ang extension ni Daddy sa pagsuporta sa pag-aaral ni Jov? Pero bakit kailangan pa nilang pag-usapan iyon ng wala ako? Dahil ba against ako sa pagbibigay niya ng scholarship kay Jov noon at baka kontrahin ko lang ang desisyon niya? Maaari. Pero sa nakikita niya ngayon, magkasama kami ni Jov. At dinala ko pa siya dito sa bahay namin. Hindi na niya dapat isiping tututulan ko ang anumang plano niya para kay Jov. Tingin ko'y may iba pa silang napag-usapan.

Ninais kong lapitan si Daddy. Nais ko siyang tanungin. Pero nakikita kong busy na ito sa ginagawa.. At sa pagkakakilala ko sa kanya, ayaw nitong naiistorbo sa oras na may binubuno siyang dokumento o kung ano man sa computer niya. Kaya hindi na ako nagtangka pa.

Nais ko rin sanang ipagtapat sa kanya ang tunay na relasyon namin ngayon ni Jov. Hindi ba siya nagtaka kung bakit dinala ko ito sa bahay namin? Hindi man lang ba niya tatanungin? O sadyang inaasahan na niya ang pagdating ni Jov?

-

Inaya ko na lamang si Jov na lumabas na at ipagpatuloy ang naputol naming paglilibot sa aming mansyon. Tulad ng plano ko kanina, tumuloy na kami sa movie room. Napasambit siya ng "Wow!" sa aming pagpasok. Bakit daw naisipan naming magpagawa ng sariling sinehan na ganun kalaki kung iilan lang naman kaming manonood.

Namangha din si Jov dahil sa laki ng screen kundi'y dahil ang movie room naming iyon ay 3D katulad ng iMax. Remote controlled pa.

Hawak ko na ang remote at pinapili ko na siya ng movie na aming papanoorin. Inabot ko na rin sa kanya ang 3D glasses at isinuot na niya sa kanyang mga mata.

Isang horror suspense movie ang pinili niya. Pareho namin iyong hindi pa napanood. Hindi ako mahilig sa ganoong klase ng movie dahil sobra akong matatakutin at magugulatin, pero pumayag na rin ako. Siya ang bisita, eh. Siya ang dapat masusunod.

Nag-umpisa na ang pelikula. Wala sa pinapanood namin ang aking atensyon. Lihim ko siya sinusulyapan. Tinititigan. Madilim man ay nasisilayan ko ang makisig niyang mukha dahil sa liwanag na nagmumula sa movie screen. Ang mukhang iyon na kinahumalingan ko na ngayon. Ngunit kasabay ng pagkahumaling ay ang patuloy kong pag-iisip tungkol sa naging usapan nila ni Daddy kanina. May inililihim kaya ang dalawa sa akin?

Unti-unti at kinuha na ang pelikula ang pansin ko. Nadadala na rin ako sa mga nakaka-kabang eksena. Napapasigaw na rin ako sa pagkagulat sa ilang bahagi. Lalo na sa bandang huli kung saan intense na ang mga suspense at horror scenes. At isa sa mga eksena'y ikinagulat kong talaga. Napayakap pa akong bigla kay Jov na akala mo'y batang may tinataguang multo. Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko. Unti-unti ay napabitaw ako ng yakap at nahihiyang napatingin sa kanya.

Naabutan kong nakatingin din siya sa akin kaya't nagtama ang aming mga mata. Seryoso ang mukha niya. At namalayan ko na lamang na unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Bumaling ang tingin niya sa mga labi ko. Gayundin ako. At naghintay na tuluyang maglapat ang aming mga labi. At ilang saglit pa'y nangyari na ang aming second kiss. Kasing sarap iyon ng uma. Tuluyan ko na tuloy nakalimutan panandalian ang bagay na bumabagabag sa isip ko. At natapos ang pelikulang halos hindi mapaghiwalay ang aming mga labi.

Tulad din ng plano ko, sakay na kami ng limousine upang ihatid siya pauwi sa kanila. Hindi na kami nag-helicopter dahil aniya ay mahirap maghanap ng malalapagan doon. Magkahawak ang aming kamay habang nasa biyahe. Nag-uusap ng kung anu-anong mga bagay. Kapwa hindi kami nauubusan ng ngiti sa aming mga labi.

-

Sa pagdating naman sa kanilang lugar, tulad pa rin ng dati, maraming tao sa kalye, maingay, magulo, madumi. At halos lahat ay napalapit sa limousine na sinasakyan namin dahil sa pagkamangha. Pati kami ay pinagtitinginan. Karamihan ay nagbubulungan. Ano naman kaya ang mga sinasabi ng mga taong ito? Ano kaya ang mga nasa isip nila?

Muli kaming dumaan sa masikip at maputik na eskinitang iyon papunta sa kanilang bahay. Sa pangalawang pagkakataon ay nakapasok akong muli sa kanilang barung-barong. Kung noong isang araw ay ako ang kanilang pinakain, now it's my turn. Nagdala kasi kami ng isang may kalakihang chocolate cake at ilang mga groceries na pinabili ko kanina sa isa sa mga yaya ko para ipasalubong sa pamilya ni Jov sa paghatid ko sa kanya pauwi. Hindi na nakatanggi si Jov dahil ipinilit kong ako ang taya ngayon.

Malugod pa rin nila akong tinanggap. Lalo na ang lolo niya na gandang-ganda talaga sa akin. Kulang na lang ay kurutin ako sa pisngi.

Ako na ang nagbukas ng cake upang makain na nila. Panay ang pasalamat ng kanyang ina sa akin dahil sa aming mga dala-dala para sa kanila. Sa pagkakataong iyon ko rin nakilala ang iba pang kamag-anak ni Jov na hindi ko nakita noong isang araw.

Hindi lang ang pasalubong ko ang napansin nila. Of course, pati ang taglay kong kagandahan. At habang kumakain ay pumwesto silang paikot sa akin at tila nagkaroon ng interrogation at kung anu-ano ang itinanong sa akin. Medyo irita man dahil karamihan sa kamag-anak niya'y madudungis tingnan at malakas ang amoy, mag hindi rin kagandahan ang hulma ng mukha kumpara kay Jov, ay nakisama na rin ako't sinagot ang mga katanungan nila. Hanggang sa ang mapunta ang mga katanungan sa estado ng relasyon namin Jov.

Ang isa ay nagtanong kung ako ba ay nobya ng pinsan niya. Napapangiti pa ito na tila kinikilig na kahit hindi pa ako sumasagot. Hindi naman ako agad nakasagot. Napatingin muna ako kay Jov.

Pero wala sa amin ang atensyon. Naroon siya sa kusina at kabulungan ang ina. Hindi sa pagiging mapaghinala o kung anuman, dala pa rin ng pagka-paranoid sa kung ano mang pinag-usapan nila ng daddy ko kanina ay may naiisip na naman akong kakaiba sa bulungan nilang iyon ng kanyang ina. Napansin ko ring lumabas pa ang dalawa sa pintuan sa kusina patungo sa likod-bahay.

Napansin kong may isa pang pintuan doon. Sa tingin ko ay iyon ang kanilang banyo dahil may nakasampay na tuwalya sa bandang itaas ng pintuan.

"Excuse muna. Saan ang restroom n'yo?"

"Ay banyo, ate? Hayun. Pasok ka lang. Pagpasensyahan mo na kung medyo madumi at magulo ha," tugon ng isa pang pinsan sabay turo sa pintong iyon na naisip kong banyo nila. At tama ang hinala ko.

Sa pagpasok ko sa banyong iyon, hindi ko na pinansin kung gaano pa iyon kadumi, kagulo o kabaho. Ang tunay kong pakay ay mapakinggan ang pinag-uusapan ng mag-ina. Tamang-tama naman at may maliit na bintana roon na nagsisilbing exhaust fan ng banyong iyon. Nandidiri man dahil sa maduming inidoro ay tumuntong ako doon upang palihim na silipin sina Jov sa likod-bahay. Naroon nga ang mag-ina at nag-uusap. Malinaw ko ring naririnig ang kanilang mga tinig.

"Kailan ba matatapos 'yang pinapagawa sa'yo ng sponsor mo?"

"Malapit na, inay."

Pinapagawa? Sponsor? Si Daddy ang sponsor ni Jov, ah. May pinapagawa si Daddy sa kanya?

"Baka mamaya dyan anak ay tuluyan nang mahulog ang loob mo sa Ms. Serene na 'yan , ha. Masira ang pag-aaral mo." sunod na sambit ng ina ni Jov na ikinabigla ko.

Strawberry Loves BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon