CHAPTER 1

19 1 0
                                    


"Hoy gaga ka! Ano na namang sinabi mo do'n kay Chaster?" Bungad sa akin iyon ng kaibigan kong kapapasok lang sa loob ng classroom namin.

Instramurals ngayon pero nandito ako, nagpapalipas ng oras para matapos na ang maghapon. Gusto ko na lang magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang araw na 'to p
ara sa akin.

Tumawa ako habang tinatanaw ang iritang kaibigan na mag-martsa papunta sa akin.

"Wala naman akong sinabi do'n ha?" Sambit ko bago muling bumalanghit ng tawa.

"Anong wala? Ayun nga halos mag dikit na ang mga kilay dahil sa irita sa'yo!"

"Bakit ako? Hindi ko naman inaano 'yun!" Sabi ko at pinipigilan ang sariling matawa dahil sa itsura niya dahilan kung bakit tuluyan siyang hindi maniwala sa akin.

"Anong hindi ikaw? Nakasulat sa buong likod ng t-shirt niya pangalan mo!" Sigaw niya na tiyak kong rinig ng mga napapadaan lang aa corridor.

I finally let the laugh burst out.

Naalala ko kung pa'no kumunot ang noo niya habang natutulog sa isa sa mga upuan ng classroom na 'to. Dalawa lang kami kanina at himbing na himbing siya na hindi niya na ako naramdaman sa likod niya pati rin ang pagdampi ng marker sa t-shirt niya.

Dahan- dahan ang hakbang nung lumapit ako sa natutulog na si Chaster, halos mahulog na ang suot niyang eye glasses dahil sa pwesto sa upuan.

Halos hindi siya mag kasya don dahil sa tangkad at sa hulma ng katawan niya. Pinigil ko ang tawa ng malapit na ako sa kaniya. Maingat at pigil na hininga kong isinulat doon ang matagal ko ng pinang-aasar sa kaniya.

I LOVE YOU, BABE -RUM

I wrote it in all capital letters that everyone that would pass by him will see the words.

I was satisfied when I put the marker cap back. Lumayo ako sa kaniya at plinano na ang paglabas bago pa siya magising.

I smirk and was about to go out when he stirs and open his eyes. Direkta 'yong tumama sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ngumiti at ipakita ang hawak na marker sa kaniya.

"I love you babe!" Sambit ko bago kumpyansang naglakad palabas ng classroom.

Naiimagine ko ang panlalaki ng mata niya at paghalughug kung ano ang ginawa ko sa hawak kong marker at sa kaniya.

Hindi matigil ang tawa ko hanggang pagbaba ng building ng marinig ko ang pagsigaw niya ng pangalan ko gamit ang buo at malalim niyang boses.

"Ruesche Madeleine!"

Hanggang ngayon ay ikinatutuwa ko pa rin ang reaksyon niya. It was priceless.

Nagtuloy-tuloy ang pangaasar ko sa kaniya hanggang sa tingin ko'y napuno na siya.

"Stop it with you pranks." Ala-ala kong sinabi niya nang minsang mapuno nga sa'kin. Katatapos lang ng klase n'on at kami na lang ang natira sa loob. Sa palagay ko ay hinintay niya talagang mawala ang tao para makausap ako.

Nanlamig pa ako dahil 'yun ang unang beses na marinig ko ang boses niya na sobrang seryoso. Malamig iyon at halos malunod ako sa lalim.

Noong unang mga pasimple kong pang-aasar sa kaniya ay hindi niya ako pinapansin kaya mas naging determinado akong asarin siya, ngunit ngayong marinig siya ay parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Minasdan ko siyang ayusin ang salamin gamit ang gitna niyang daliri sa matangos niyang ilong. Tumikhim ako. I tried to regain my composure and I almost falter.

"Paano naman kung ayaw ko?" Tanong ko at nginisian siya. Tinatatagan ang sarili.

"Tigilan mo na ako, Fernandez, para kang bata." Masungit niyang sabi bago ako tinalikuran.

Cruel SummerWhere stories live. Discover now