CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Chapter Six: Like

Wala akong nagawa kung hindi magpa-ubaya sa kaniya. Dahil kahit anong gawin kong pagtanggi, hindi naman niya akong hinahayaang umalis. Tests run at hindi talaga ako nakaalis dahil hindi siya pumapayag. Hintayin na raw namin ang resulta.

"Thank God..." Usal niya matapos sabihin na wala naman daw malalang sugat or internal damage.

Tumayo ako mula sa kama. Kinuhanan niya pa ako ng kwarto kahit hindi naman na dapat dahil hindi naman kailangan at agad ang resulta.

"Sabi ko naman sa'yo, I'm fine..."

Umirap siya at hinarap ako matapos lumabas ng doctor. "Stop treating this lightly. If I were in your place I'd file a case."

"Ikaw 'yon, Chase. May mga bagay na kaya mo at hindi ko kayang gawin."

"Still, you shouldn't treat this like how you are doing now. Nasaktan ka physically and malamang pati emotionally, things like that are not easy to slide."

"Bahala ka na nga d'yan." Nilampasan ko siya.

Sumunod siya sa akin at inalalayan pa ako. Ako naman ang napairap sa kaniya. "Okay nga ako, galos lang, malayo sa bituka."

"Shut up. Let me do it."

Inalalayan niya lang ako hanggang makalabas ng ospital na para bang hindi ko kaya, nakakahiya nga dahil pinagtitinginan kami dalawa. Palagi siyang bianbati ng mga staffs, minsan ay hihinto pa kapag doctor ang bumati. Hindi naman ako makaalis dahil hawak niya ang siko ko.

Sumakay ako sa sasakyan niya nang makarating na kami sa parking lot.

"Thank you..." Sabi ko pagkapasok niya sa loob.

"Your welcome, just don't let this happen again, Rum."

Hindi ako nakasagot, lumingon na lang ako sa bintana at doon finocus ang atensiyon. Hindi ko masabing hindi na ulit ito mangyayari. Walang kasiguraduhan ang mga nangyayari sa bahay. Bawat araw na lumilipas hidyat ng hindi tiyak na bukas.

"You can tell me what happened once you're ready." Sabi niya pagkatapos nang ilang minutong katahimikan.

"Okay... Balik na tayong school. Marami pang gawain at ayaw kong mahuli ka."

"Just so you know, you can tell me everything... I promise I won't judge you. And your health is more important than my study now."

Sinamaan ko siya nang tingin. "Hindi ko alam kung you're genuinely concern o gusto mo lang ng chismis tungkol sa akin."

Napabuga siya nang hangin at ako naman ang sinamaan ng tingin. "I wouldn't take you to hospital if chismis lang ang habol ko."

"Sus, gusto mo lang ata akong bawian sa mga nagawa ko."

"I'm not petty."

My eyes shift from his face to arms when he maneuver the steering wheel to turn. Malapit na kami sa school.

"Yeah, oo nga pala."

"But to tell you straight, I'm trying to be more friendly..."

"Friendly? Ano 'yan, ang motto mo ba ay keep your friend close and your enemy closer kaya biglang concern ka?"

"You know what, I changed my mind. Why do you keep questioning my intentions." Kunot ang noo niya.

Nainis ata sa akin. Hindi ko naman alam ang pakay niya kung bakit biglang gan'un ang trato niya sa akin. Naawa ba siya? Hindi naman dapat... family matters naman 'to.

"Why not 'di ba? Malay ko ba, nung nakaraan halos kasuklaman mo na ako e."

"Paanong hindi? Kung siguro kaya mo, ikukulong mo 'ko sa rest room."

Cruel SummerWhere stories live. Discover now