CHAPTER 17

2 0 0
                                    

Linggo at himalang pareho kaming walang schedule para sa araw na iyon.

Patakbo akong nagpunta kay Chase nang madatnan siya sa harap ng dagat. Biglaan ang pagpunta namin dito. Kagabi lang nang magdesisiyon kaming dalawa na ituloy ang maraming naudlot na bakasiyon.

Naitawag ko na kay Mama at nurse Mayka ang lakad na ito kagabi matapos ang desisyon namin.

Nagpakawala ng tawa si Chase at sinalo ako mula sa pabalya kong amba ng kayap sa kaniya.

Humagalpak ako nang tawa ng mawalan siya balense dahil sa akin. Mabuti na lang at agad siyang umagapay. Inayos niy ang tayo upang hindi kami matumba.

"Finally..." he laughed softly and tuck my wild hair behind my ear. "I get to be with you alone... " He whispered the same time as the wind whispered with us.

Naitirik ko ang mata sa sinabi niya. Pabiro kong hinampas ang braso niya. "Anong finally? Eh madalas naman tayong magkasama?" Tanong ko.

Dahil kahit busy naman ay kahit isang oras lang ay pinipilit naming magkita.

Kung hindi ay magkakasiya kami sa video call kapag patapos na ang gabi. Ngunit hindi naman iyon madalas nagtatagal dahil makakatulog agad ang isa sa amin.

Umiling siya at kumunot ang noo. "I still missed you like crazy..."

Hindi kaya bigyan kahulugan ng mga salita ang nararamdam ko. Hindi ako makapaniwala na kahit madalas naman ang pagkikita namin ay nagagawa niya pa ring mamiss ako.

Niyakap ko siyang muli, hindi kayang pantayan ng ano mang halaga ang galak ko ngayon.

Ilang minuto pa bago naming mapagdesisiyonan na pumasok na sa bahay bakasyunan nila na pansamantala naming tinutuluyan.

Bukas ng tanghali ang uwi naming dalawa dahil parehong may pasok sa hapon.

Gusto namin sulitin ang oras para sa isa't isa dahil ilang linggo na lang ay magiging abala kami sa kaniya kaniyang pag-aaral.

Magkahawak ang kamay kaming naglakad papunta sa bahay. Hawak ang braso niya sa kabilang kamay ay mas sumiksik ako papalapit sa kaniya upang magtago sa sikat ng araw. Masakit iyon sa balat dahil tanghali at tirik ang araw.

"What are you doing?" Siya nang mapansin ang lalo kong pagsiksik.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya mula sa pagkakayuko. "Mainit, masakit sa balat."

"I should have bought an umbrella." Sabi niya at hinapit ako papalapit pa sa kaniya para lalong makasilong sa anino.

"Sira ka ba? Sinong magdadala ng payong sa beach?" Kuwestiyon ko sa ideya niya.

Nasa beach kami at katatawa-tawa namang tignan kung nagpunta kami rito para sa dagat at araw pero tataguan din iyon.

Which was exactly what I'm doing right now...

"Atleast you don't have to curl up like that." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at ipinatong naman ang isa kamay kong hawak ang braso niya. "Let's run..."

Iginaya niya ako papasok ng bahay. Tamang tama ang disenyo at kulay nito para sa lokasiyon. Puti ang lahat at bukas na bukas, nabigay iyon ng refreshing na pakiramdam. Ang mga bintana at pinto ay malaki dahilan para pumasok ang sariwang hangin.

Malinis ang paligid kahit hindi madalas ang bisita ng tao roon. Ang mga muweblas rin ay malinis kahit mukhang antigo pa ang mga iyon.

"Kung maghihiwalay tayo at masasaktan ako ng sobra, ang gusto ko ay magpapakalayo at mananatili sa ganitong lugar. Tahimik, tabing dagat at nag-iisa ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cruel SummerWhere stories live. Discover now