CHAPTER 9

3 0 0
                                    


We walk along the campus side by side. Sanay naman ako sa tingin ng mga kapwa ko estudyante dahil may sport ako at malamang bilang suporta ay pinapanood nila ang laro ng team.

"Kate!" Sigaw ko nang makita ko siyang paakyat papuntang classroom. Akala mo at hindi niya ako maririnig dahil sa layo ng distansiya namin pero huminto siya at lumingon sa gawi namin.

I smile widely at her and wave. "Hi!" Suddenly feeling giddy and happy.

She stare at me, poker face before she make face and turn it into a disgusted look. Kilalang kilala ko na siya para masabing ginawa niya 'yon dahil hindi siya sanay na nagpapakita ako ng affection.

Natawa ako sa reaction niya habang si Chase naman ay titig lang sa akin at ang reaction ko ang pinapanood.

"Come on." I pull him and we head towards Kate. She crossed her arms and put her weight on her right foot.

Nakatayo lang siya do'n. Hinihintay kaming makalapit sa kaniya. Tumaas ang kilay niya at grabe ang titig sa kamay kong nakahawak sa palapulsuhan ni Chaster.

"Ilang araw kitang hindi makausap." Bungad niya nang makalapit kami. "Marami kang baong kwento gaga ka." She rolled her eyes at me.

Natawa ako at hinakbang ang distansiya namin. Kumapit ako sa braso niya. "Ikukwento ko sa'yo lahat promise, basta magkukwento ka rin."

Chase kept his distance while looking at us. He's probably thinking how to introduce himself where he knows he's known. He extended his hands. Pareho kaming napalingon doon ni Kate.

"I'm Chaster." He introduced.

"Alam ko. Sa lahat ba naman ng kasungitan mo, hindi kita makikilala?" Umirap pa siya at tumingin sa akin. Tumaas ang kilay niya. "Marami ka talagang ikukwentong gaga ka."

Hinila niya ang kamay ko. Tinangay na ako papuntang classroom. Pagkapasok ay kaysa sa madalas niyang upuan ay inagawan niya ng pwesto si Chaster. Umupo siya sa tabi ko.

"Anong nangyari? Bakit hinatid ka pang hospital tapos 'di ka na hiniwalayan?"

Tinaas-baba ko ang kilay ko saka ngumisi. "Alam mo na, ganda lang." Sabi ko at tinapik ko pa ang baba ko gamit ang likod ng kamay.

Umusok ang mga ilong niya sa ginawa ko at hinaklit pa ang buhok. "Wala ka talagang kuwenta kausap, bruha ka. Ang dami mong alam pero sa recitation lagi kang walang masabi."

"Joke lang 'te," hinampas ko ang braso niya at nagseryoso. "Ewan ko, nag-click kami bigla e."

"Anong nag-click bigla?" Kontra niya sa akin. "Ang sabihin mo 'te, may gusto ka na talaga d'yan kay Chaster kaya mo inasar-asar yan. Papansin ka ring tunay e."

"Bakit pa ako nagkukwento kung alam mo pala lahat? Bida-bida lang girl?" Her pupils turned into a slit. Nag-extend na naman ang kamay niya para abutin ang buhok ko.

"Kung pinapapapansin mo sana ako nung mga nakaraang linggo imbis na makipag-bebe time ka diyan sa ka-MU mo edi sana hindi kita naookray."

"Grabe na 'yang pananabunot mo, girl. Parang instinct na, ano 'yan kasama sa human nature mo?"

"Again, kung hindi ka lang intrimitidang wagas hindi sana kusang nage-extend ang kamay ko."

"Asus, palusot mo Kate. Sabihin mo inggit ka lang."

"Paano ako maiingit e may boyfriend ako. May label kami kayo niyang si Chaster wala. Ingat ka dyan, masakit 'yang ganyan if ever."

"Wala pa nga! Inuunahan mo agad! I don't claim any negative energy from you."

"Gumaganyan ka pa. Sa'yo nga nanggagaling ang bad energy."

"Echosera ka 'te. Kung may energy bearer man dito ikaw 'yun, sure ako. Lagi kang galit e."

Cruel SummerWhere stories live. Discover now